SYPNOSIS

4.7K 98 8
                                    

SYPNOSIS

BATA pa lang si Pleng ay crush na crush na niya ang best friend ng kuya niya—si Kim, the chinito. Pero nang simulan nito ang kalbaryo ng buhay niya—sa pamamagitan nang pang-aasar nito sa kanya ay nawala ang amor niya rito. Nawala ang amor? Pero joke niya lang iyon sa sarili, dahil naka-tattoo na ito sa puso niya.

            Naks!

            Noon ay tinatawag niya itong ‘kuya’ pero dahil crush nga niya ito dahil sa chinito nitong mga mata, ngayon ay hindi na. May kinu-‘kuya’ bang mahal ng puso mo? Wala. Kung inaasar man siya nito ay nawawala naman agad iyon. Isang ngiti lang nito ay nawawala na ang galit niya. Mawala lang ang mga mata nito ay natutunaw na ang nagsisimulang tumubong inis niya rito.

            At isa pa, ang ipinangako nitong dadalhin siya nito sa Korea ay mukhang nakalimutan na nito. Kaya nang dumating ang ama nito upang kunin ito ay nagkaroon siya ng magandang ideya. Makikipag-close siya uli dito—tulad ng dati—para maisakatuparan ang pangarap niyang makarating ng Korea at makita si Kim Hyun Jong—ang crush niyang Korean actor.

            Pumayag naman ito sa kagustuhan niyang magpaiwan ng Pilipinas at susunod sila sa ina at ama nito pagkatapos ng graduation niya, pero sa isang kondisyon. Magiging dakilang slave siya nito hangga’t sa araw ng graduation nila.

            At isa pang pero… karibal niya ang best friend niyang si Violet. Crush ni Kim ang best friend niya. Sa lahat ng puwede nitong magustuhan ay ang best friend pa niya. Crush din ito ni Violet. The-feeling-is-mutual ang drama ng dalawa. Samantala siya ay the feeling-is-NOT-mutual, at nganga pa!

            Ang matagal na niyang kinikimkim na pag-ibig ay sobra nang nagsi-selos. Talagang napatunayan niyang may gusto nga talaga si Kim kay Violet. Dahil ibinili nito ang huli ng ticket ng concert ni Kim Hyun Jong. At ano ang sunod niyon? Siyempre, date na!

            Umuwi siya ng bahay nila. Kinagabihan ay tumungo ito sa bahay nila at sinusundo siya. He is asking her if she want to go with him on a date. Ang rason ay hindi matutuloy ang date ng mga ito. Panakip-butas pero sumige naman siya. Maano namang pagbigyan niya ang sarili para sa isang date? Isang date. Ibig sabihin, hindi na mauulit.

            Kinabukasan paggising niya ay wala na ito sa condo na tinitirhan nila. Iyak siya nang iyak. Paano na ang pangarap niya? Paano na ang puso niyang umaasa na magkakaroon ng tugon ang lihim na pagsinta niya rito? May pa-“you are beautiful-you are beautiful” pa ito kagabi, iyon pala ay uunahan na siya nito papuntang Korea. Iniwan nito ang naghihingalong puso niya!

            Lumipas ang limang taon. Nakuntento na lang siyang pinapanood na lang ito sa mga pelikula. Artista na ang lintik! At mas lalong gumuwapo, fafa at kaakit-akit na nilalang ng Planet Chinito.

            Nang mapanood ang balita na babalik ito ng Pilipinas para sa isang gagawin nitong pelikula katambal ang isang sikat na Pinay actress ay muling nabuhay ang pag-asa niya. Suntok man sa buwan iyon pero ‘pag-asa’ pa rin na magkikita sila nito. Malay niya, iyon na ang pagkakataon na makapunta talaga siya ng Korea?

            Nang magkita sila nito ay hindi na siya nito kilala. “Who are you?” ang tanong nito sa kanya. Para siyang building na inuga at gumuho bigla. Marami siguro ang mamamatay na construction worker kung sakali.

            Nang maubusan nang pag-asa ay tumigil na siya sa pagpunta-punta sa mga shooting nito. Wala rin namang nangyayari. Nagka-amnesia siguro ito. Na-aksidente sa Korea at nabagok ang ulo. Pero siya, heto, gusto  na niyang mabagok ang ulo at magka-amnesia upang kalimutan na lang din ito. At kung kailan gusto na niyang kalimutan ito ay saka naman ito tumungo mismo sa bahay nila.

            Pero hindi naman siya ang hinahanap nito, kundi ang kuya niya. Talaga nga yatang mananatili na lang siyang fan girl nito at tuluyan na lang mababaon sa hukay ang lihim na pagsinta niya.

            Walang katugon ang pag-ibig niyang mas matagal pang ibinabad nang matagal na matagal kaysa sa pork Knorr cubes.

            Pero, laking gulat niya nang magpakita ito ng interes sa kanya. Interes? She’s really desperate, dahil gusto lang pala nitong gawin siyang tulay upang magkaroon na ng katuparan ang pag-ibig nito sa best friend niya.

            Kailan ba siya mauubusan ng pag-asa? Mabuti pa ang Knorr cubes, continues ang lasa hanggang sa huling higop. Pero siya, higop lang higop sa pag-asa, puro naman palya.

MY CHINITO HEART by Rill Mendoza (TBP_PHR)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora