Season One | 001

322 32 101
                                    

INDIGO


"Sanchez, Indigo?"


"Present, Ma'am." bored na sagot ko nang tawagin ang pangalan ko sa attendance.


Wala nang mas nakakatamad pa kaysa sa um-attend ng General Physics class. Jusko, pati ba naman kasi paggalaw at pag-ibo ng mga bagay, aaralin pa? Hindi ba puwedeng hayaan na lang sila? Let them be, tutubi!


Pero charot lang. Hindi talaga 'yon ang dahilan kung bakit bored ako. Talagang ayaw ko lang sa mga subjects na related sa Science o Math. Ironic, kasi STEM ang strand ko. Well, hindi ko naman talaga 'to ginusto.


Ilang oras kong tiniis ang nakakabagot na discussion ng professor namin. Nang sabihin nya ang favorite phrase kong "class dismissed" ay agad akong nag-inat.


"Ano? Hindi ka pa tatayo?" tanong ng bestfriend kong si Eunice habang nakatayo sa harap ko.


Tinapat ko sa mukha nya ang palad ko, sinasabing 'wait'. "Pagod ako, 'wag kang magulo."


Tinaboy nya ang kamay ko. "Bruha ka. Anong pagod, eh, nakaupo ka lang naman dyan buong umaga? Ka-OA-han mo!"


"Hayop ka. Nakatulog ka lang sa dorm nila Jaiden kagabi, ganyan ka na sa'kin?" pang-aasar ko.



Sandali syang natigilan. Nang humarap sya sa'kin ay sinamaan nya ako ng tingin. Binelatan ko lang sya.


Kung tinatanong nyo ang ibig sabihin ng sinabi ko, ikukuwento ko na lang sa inyo. Nakitulog lang naman ang Mare'ng Eunice nyo sa dorm ng pinakasikat na mga lalaki sa campus namin. O 'di ba, bongga.


No'ng isang araw kasi, mayroon kaming nabangga ni Eunice. Ang limang pinakasikat sa campus namin, sina Jaiden, Zyron, Teo, Night, at Clyde. Muntik na kasing mabangga itong si Eunice no'ng Linggo. Turns out si Jaiden pala ang muntik makabangga sa kanya.


And then ayon, naikuwento sa'kin ni Eunice na naging close na sya roon sa lima after no'ng insidenteng 'yon. Nakatulog pa sya sa dorm nila. Taray.


Hindi naman ako naiinggit, pero crush ko kaya si Jaiden. Super hot and pogi ng papi nyo. My ideal man. Matagal ko nang kilala 'yong limang 'yon. Pati ang mga ugali nila ay alam ko na.


Si Jaiden ang pinaka-chill sa kanila. Neutral lang ang ugali. Super bait din nya sa lahat. Kaya nga naging crush ko, eh. Pogi na, gentleman pa. Bet na bet.


Si Teo naman 'yong makulit. Baliw, mental, siraulo, et cetera. Si Clyde 'yong pinakamahilig makipag-basag ulo. Sangkot sa bugbugan, suki sa guidance. Si Night ang pinakatamihik. Pinakamatalino rin. Kung hindi lang si Jaiden ang bias ko, crush ko na rin sya, eh.


Tapos si Zyron. Ang pinaka-inaayawan ko sa kanilang lahat. Paano ba naman kasi? Maharot, malandi, puro sex, puro babae. In short, heartbreaker. Walang ibang alam kung hindi ang manakit ng babae.


VBoys ang tawag ng marami sa kanila. Puro kasi V ang apelyido nila, eh. Vixen, Villaroel, Valderamma, Villanueva, Vladimir. Plus, they can take your 'v' away. Alam nyo na 'yon. No more elaborations. Period.


"Bilisan mo dyan, may kailangan akong ikuwento sa'yo." sabi ni Eunice sa'kin.


Umirap ako. "Maghintay ka, mars. Ji-jingle pa ako."


Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo. Kagaya ng sinabi ko ay pumunta ako sa CR para umihi. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Habang nakaupo ako ay biglang gumalaw ang divider na nasa gilid ko. Kumunot ang noo ko.


Heartbreaker (VBoys Series #2)Where stories live. Discover now