01

36 1 0
                                    

Ang itim mo!

Habang lumalaki si Janine, lagi siyang tinutukso ng mga kaklase niya. Lagi niyang naririnig ang mga salitang "Ang itim mo" at "Mga maiitim ay panget".

Nay kasalanan ko po ba kung maitim ako? Tanong niya sa kaniyang ina na halos maluha na ang bata.

Anak, pasensiya ka na, kung ika'y natutukso dahil sa kulay natin. Hindi mo kasalanan kung bakit ganito ang kulay natin ha. Anak 'Wag mo nalang sila pansinin. Sagot ng nanay niya sakaniya na nakikitang may luha na sa mata.

Kinaumagahan...

'nak pumasok ka na sa eskwelahan. Upang matuto hindi para magpatukso. Paalala ng nanay ni Janine sakaniya.

'Nay samahan niyo nalang po ako, ayoko na po kasi mag isa lang sa eskwelahan at walang nakikipag kaibigan sa'kin dahil daw ang panget ko at ang itim ko. Utal Utal na sabi ni Janine sa kaniyang ina at nakitang may luha ito sa mata.

'nak pasensiya ka na ha.. Pero hindi kita masasamahan sa eskwelahan unang una bawal ako pumasok, pangalawa magtatrabaho ako nak para may pang kain tayo at para makapag aral ka.. Malungkot na ipinaliwanag ng nanay ni Janine sakaniya.

Sige na anak pumasok ka na sa eskwela at sabihin mo sa'kin kung may tumutukso nanaman sa'yo. Mahal na mahal kita anak ko.. Pahabol ng nanay ni Janine sakaniya.

Nang makarating ito sa eskwelahan ay nagutom si Janine at kumain muna habang hindi pa nagsisimula ang kanilang klase.

Hoy panget! 'akin na yang pagkain mo nagugutom ako!. Sigaw ni Sion kay Janine.

A-ayoko... S-sakin to eh.... Takot na sinabi ni Janine kay Sion.

Hindi mo talaga ibibigay?nalaban ka na ah. Baka gusto mo'ng ipahiya ka namin dito. HAHAHA! ang itim itim mo bakit ka ba nandito?!. Sigaw ni Sion na may galit na tono.

Hindi maka imik ang babae kaya't agad itong tumakbo papalabas ng kanilang classroom.

Hoy! Bastos ka! Habulin ang babaeng 'yon. Pagalit na sigaw ni Sion.

Tumakbo ang batang babae at bigla naman itong nadapa sa damuhan. At naabutan ito ng mga tumutukso sakaniya.

HAHAHA! Buti nga!'yan ang bagay sayo. Tawang Tawang sabi ni Sion kay Janine.

Walang tumulong sakaniya, at lahat ng mga kaklase niya'y tiningnan lang siya at pinagtawanan.

Umiiyak na si Janine at patuloy lang silang tumatawa.
Maya maya pa'y...
Class! Hindi nakakatawa ang ginagawa niyo sakaniya. Pwede kayong makasuhan. At agad naman nag takbuhan ang mga bata pati na rin sila Sion.

'nak pasensiya ka na sa mga kaklase mo ha! Hindi siguro sila naturuan ng mabuti kaya ganiyan sila. Pag pasensyahan mo na. Kaawa awang sinabi ni Ma'am Ignacio Kay Janine.

'Halika na't pumunta muna tayo ng opisina para hindi ka na muna nila matukso.

Pagdating sa opisina..
Oh Janine? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa'yo? Bakit ang dumi ng uniporme mo? Tanong ni Sir Lim(ang principal ng eskwelahan) na may kasamang pag aalala sa bata.

Hindi makaimik ang bata kaya umiyak nalang ito..

Ma'am Ignacio? Anong nangyari sa batang ito? At hindi makapag salita? Bakit ganiyan ang itsura niya? Tinanong naman niya ang kasamang guro ng bata.

Sir Lim kailangan nating ipatawag ang ina ng bata at pag usapan ang nangyari, Si Janine ay nadapa at takot na takot dahil tinutukso siya ng mga kaklase niya kanina.

Ipinaliwanag ni Ma'am Ignacio kay Sir Lim lahat ng nangyari.

Janine. Hija, sino ang gumagawa nito sayo? Pwede mo ba'ng pangalanan at kakausapin natin? Tanong ni Sr Lim sa bata.

Halos isang oras na tinatanong ng dalawang guro ang bata subalit hindi pa din nito sumasagot at parang takot na takot pa din.  Kaya't si Ma'am Ignacio nalang ang nagsabi na ipatawag ang lahat ng umapi sakaniya.

Maya maya pag pasok nila Sion..
Halos maiyak si Janine dahil sa natatakot siya sa mga bata.

KITA NIYO NA GINAWA NIYO?! ILANG BESES PA BA 'TO KAILANGAN MANGYARI PARA MAG TIGIL NA KAYO? ALAM NIYO BA NA ILANG ORAS NA NAMIN TINATANONG SI JANINE AT HALOS MANIGAS NA SIYA SA TAKOT AT HINDI SIYA MAKAPAG SALITA. galit na galit na sigaw ni Ma'am Ignacio sa mga bata.

P-Pasensiya na po, H-hindi na po namin uulitin. Kabang kaba na sagot nila Sion

Ang ginawa niyo kay Janine ay hindi lang isang beses. Pwede kayo masuspende ng 3 araw o mapatalsik kayo dito sa paaralan. Sinabi at ipinaliwanag ni sir Lim ang mga ito sa mga bata.




RacismWhere stories live. Discover now