Ang kahuli-huling litrato

46 10 0
                                    







Thank you Andramyyy love you!❤️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank you Andramyyy love you!❤️





Thank you so much adobongmelon ang cute!!👏🍉

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank you so much adobongmelon ang cute!!👏🍉








This is work of Fiction.
Names, characters, businesses, places, events and Incident are either the products of the authors imagination or used in fictitious manner. Any Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.






***



"Bwesit talo naman ako!!" Napaigtad ako sa lakas ng pagpalo ni mama sa pinto, kinakabahan ako dahil baka sasaktan niya ako, hindi muna ako gumalaw. "Mara!!! P*ta bakit walang pagkain dito?" Nanginginig kong kinuha ang sardinas na babaunin ko sana bukas sa eskwelahan.



"Hmm, pakikuha nga ng tubig!" Nanginginig kong kinuha ang baso at dahil hindi ko na napigilan ang kamay ko ay bigla itong nabitawan kaya nabasag. "Bwesit kang bata ka!! Alam mo ba kung gaano yan ka mahal?!"



Gusto ng kumuwala ang mga luha ko pero ayaw kong umiyak sa harapan ni mama, hindi ako sumagot dahil sasaktan lang niya ako.


"Hindi ka magkokolehiyo!! Sa ayaw't sa gusto mo, hindi ka magkokolehiyo! Wala ka na ring uuwian na ina dahil magl-live in na kami ni don," Napatingin ako sa kanya na ngayoy naglalaro sa singsing niya.



"Pero ma!" Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking luha, Gusto ko pa naman sana makapagtapos ng kolehiyo dahil pangarap kong maging abogado.


"Anong pero ma?!! Ako nga hindi nakakapagkolehiyo, oh sige gusto mo magtapos? Mabuhay kang mag-isa!" Nanlalambot na ang mga tuhod ko, hindi ko kayang sabihan ng mga ganyan lalo na kapag sa ina. Nanahimik nalang ako at niligpit ang mga pagkain niya.





"Magtatapos po ako ma,"




"Edi magtapos ka!! Ikaw na ang mayaman! Ikaw na bahala sa sarili mo, dahil sa oras na aalis na ako hindi na kita tutulungan dahil bubuo na kami ng sariling pamilya ni don!!" Tumalikod nalang ako at nagpatuloy sa pag-iyak, napagdesisyonan kong pumunta sa labas ng bahay para magpahangin.




The Tail End Photo: one-shot storyWhere stories live. Discover now