Chapter 8

10 0 0
                                    

Chapter 8

When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise, There's so much they hold

Bigla akong napatingin sa cellphone ko na nakalagay sa tabi ko at napangiti kasi paboritong kanta ko yung sunod na nagplay. Nakaupo kasi ako sa isang bench dito sa park. Umalis na si Jill, pero ako nandito pa kasi ayaw ko pang umuwi. I just need some time for myself. Basta, gusto kong magpahangin. At dahil magisa lang ako, ikinabit ko na lang yung headset ko at tahimik na nakinig.

And just like them old stars

I see that you've come so far

To be right where you are,

How old is your soul?

Ang ganda talaga nitong kantang 'to. Nakakarelax.. Kaya patuloy lang ako sa pakikinig. Walang pakialam sa mundo.

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

And when you're needing your space

To do some navigating

I'll be here patiently waiting

to see what you find

Hanggang sa dumating na sa pinaka paborito kong parte ng kanta

'Cause even the skies the star they burn

Some people fall to the earth

We got alot to learn

God knows we're worth it

No I won't give up

I don't wanna be someone who walks away so easily

I'm here to stay and make the difference that I can make

Habang nakikinig ako ay biglang humina yung tunog na naririnig ko at naramdaman kong natanggal yung earphone sa kanang tenga ko. Pagtingin ko naman sa gilid ko ay may nakita akong isang maputing lalaki na nakatabi sakin at sa kaliwang tenga nito nakakabit yung earphone na nakakabit kanina sa kanang tenga ko. Hindi ko ito kilala kaya nagulat ako at napatayo.

"Sino ka?" pagtatanong ko dito. Nginitian nya naman ako at tumayo din at tumapat sakin.

"Annyeong! I'm Angelo Lee. You can call me Gelo for short." nakangiting sabi nito sakin kaya lalong naningkit yung singkit na nyang mata. Okay, gwapo sya.. And tama ba rinig ko dun sa unang word nya? Annyeong? Uhm.. That's a korean word right? Uhm.. That's.. Uhm.. 'Hello' if I'm not mistaken? Well anyway, I don't care. He just disturb me, too rude. Tsk..

"first of all di tayo magkakilala. Kaya bakit ka nakikisalo ng earphone sakin? Are you that friendly to share something to strangers that you just see alone in a public place? You're weird." diretsang sagot ko dito. Prangka naman talaga ako kahit kanino. Napangiti lang ito sa sinabi ko. Oh, he always smile I guess.

"I'm half korean, and I'm living here in the Philippines for about 6 months by now. I just want to have some friends. If you think that's weird, well I think I am." at ngumiti uli ito.

"So, you think I can be your friend?" pagtatanong ko dito. Actually I just realize na nakakaintindi sya kanina ng tagalog and he speaks fluently in english. That's great for a korean. I mean, koreans don't usually speak english right? Well.

"Uhm.. Will you accept it if I say yes?" pagtatanung nito na parang bata. Okay.. Parang nangyari na to. Yung nagiisa akong nananahimik at gusto ng sariling mundo tapos may biglang dadating tapos makikipag kaibigan sakin. Oh great! Parang di ko gusto to..

"Di ka ba natatakot na baka masamang tao ako? I mean, this is a public place. Different kind of persons, good and bad. What if I'm a bad person? You don't even know me right?"

Tumingin naman ito sakin at binend ng bahagya yung ulo nya habang nakapout.

"You don't look bad. I just saw you alone, sitting here so I joined you. Infact, I think I already saw you somewhere. I just can't remember where.." at umakto itong nagiisip. Ewan ko kung acting nga lang o normal na sa kanya yung parang animated na galaw. Parang ganun naman ata mga koreano eh.

"Err.. You don't look familiar." sabi ko while trying to recognize his face pero sigurado akong di ko pa sya nakikita.

"Anyway, it doesn't matter naman. Atleast now you know my name. But I don't know yours. What's your name? May I know?"

"Uhm.. You look descent naman. And I think wala ka namang gagawing masama." tumingin ako dito "I'm Aileen Gonzales, you can call me Ail for short." pagpapakilala ko sa kanya. Nakipagshake hands din ito sakin as a sign of friendship. After nun ay nakipagkwentuhan sya tungkol sa kung anu anong bagay. Tungkol sa kanya, especially sa buhay nya sa Korea. Bale, nandun pa rin kami sa park at magkatabing nakaupo at nagkekwentuhan na parang matagal nang magkakilala. Feeling close with each other. Actually mabait sya, magaan kausap at masayahing tao. And yes, muli na naman akong nabiktima ng friendship gang! Mga taong biglang dadating habang magisa ka at bigla mo na lang magiging kaibigan in an instant. Pero, nakakatuwa ding magkaroon ng koreanong friend ah! Hahaha.. Lalo na't cute siya.

Mga bandang 6 na ng hapon ako umalis ng park since 3:00 pm ata ako pumunta with the nerd.. Err.. okay fine si Jill. Naunang umalis si Gelo kase sinundo sya ng isang van. Bago pa nga ito umalis ay may sinabi sya

"Annyeonghi gaseyo chingu!" ewan ko kung anong ibig sabihin nun. Basta un na un itatatanong ko na lang siguro kay google.


----------

A/N: Hahahaha.. Enjoy maglagay ng character na korean! kaway sa mga katulad ko! especially inspirits! hahaha.. ♡♡♡

Leave some comments please!

Thanks again for reading..

Hope ya appreciate!

-Letmescratchit

BE MINEWhere stories live. Discover now