Chapter 9

7 0 0
                                    

Chapter 9


"The best ka talaga best! SUPER I LOVE YOU NA! Hahahahaha" bigla na lang niyang pinisil yung magkabilang pisngi ko gamit yung kamay nya kaya naman napasigaw ako.

"HAWAY! HITAWAN MOH NGAH AKOH!" pagrereklamo ko dito. Bwisit na to!

"HAHAHAH! Ang cute mo kase best eh! Hahaha, ang swerte ko talaga sayo! Matalino, maganda, at mabait pa! Hahaha matakaw nga lang kahit hindi halata! Hahaha"

Tinignan ko naman ito ng masama habang hawak ko yung pisngi ko na masakit.

"Ayos na eh, matutuwa na ko sayo eh! Kaso may dinagdag ka pa! Tsaka hoy! Damay mo ko sayong glutton ka! Di kaya ako matakaw! Ikaw lang ang nagsasabi nyan noh!"

"Syempre di alam ng iba! Ako lang kase ang lagi mong kasama kumain kaya di nila alam na isa kang matakaw na payatot! Hahahah" at bigla nyang ipinulupot yung braso nya sa leeg ko at hinila ako palapit sa kanya tsaka ginulo-gulo yung buhok ko. Aba! Sobra na to ah!

"ANO BAA! Bitawan mo nga ko! Wag mong guluhin yung buhok ko! Ang hirap kaya magsuklay! Ikaw ha! Nagiging sadista ka na!" sigaw ko pero sya ay tawa lang ng tawa. Mayamaya naman ay binitawan na din ako nito at nakangiting tumingin sakin. Sinimangutan ko sya habang inaayos ko gamit ang kamay ko yung buhok ko na ginulo nya.

"Sensya na! Natutuwa lang talaga ko! Hahahah. Super thank you talaga sa pagtulong mo sakin ha!" sinabi ko na kase sa kanya na magkaibigan na kami ni Jill. Kinuwento ko na tinulungan ko sya sa pagpulot ng libro tapos naging friends na kami. Syempre, di ko na ikinuwento yung iba. Basta friends na kami at un na un.

"May magagawa pa ba ko? Pagsinabi ko bang ayaw ko tatanggapin mo? Di naman diba? Basta may utang ka sakin. Taga mo yan sa makapal mong balat!" bigla nya naman uli akong inakbayan pero un lang. Magkatabi kse kami sa upuan. Sobrang lapit nya ngayon sakin. Kanina parang ganito din pero di ko nafeel kase ginugulo nya yung buhok ko pero ngayon.. Kakaiba. Parang di ako makahinga. Kinakabahan ako na ewan. Pwew.. Ano ba to?

"Pero seryoso best. Salamat ha! Oo may utang ako sayo. Sabihin mo lang, basta kaya kong ibigay. Wag lang yung puso ko kase taken na eh! Hahaha!" sabay tawa nito ng malakas. Kunwari ko itong binatukan.

"KAPAL AH! Feeling gwapo ka nanaman!" sabay tawa kunwari. Acting skills added.

"Gwapo naman talaga ko ah! Hahaha.. Tsaka, alam mo hindi naman ako magagalit kung tinanggihan mo yung favor ko. Hindi naman kita pipilitin. Kaso, araw araw kang uusigin ng konsensya mo dahil sa ginawa mong pagtanggi. Hahaha.. Kaya tama lang ang ginawa mo."

"Kunwari ka pa! Sige na sige na! Wala na kong magagawa pa, nasimulan ko na din eh. Kawawa ka naman kung di kita tutulungan. Wala ka pa ring lovelife hanggang ngayon. Hahaha" panunukso ko dito pero gusto ko lang ipakita sa kanya na ayos lang ako sa lahat ng nangyayayari. Na ayos lang sakin yung plano nya. Ganyan ako eh. Kahit gaano ako kalakas tignan o kahit gaano pa kataas ang tingin ng ibang tao sakin mahina ako kapag yung walang kwentang puso ko na ang nadidisisyon.


"Asus parang ikaw may love life ha! Parehas kaya tayong single since birth 'til death! Hahahah.. Pero dahil tutulungan mo na ko, ikaw na lang magisa! Bleh!"

Tumingin naman ako dito at nakatingin din ito sakin kaya nagtama yung mga mata namin pero umiwas din agad ako. Ganyan talaga ko eh, di ako makatagal tumingin o makipag eye-to-eye sa kanya. Ewan..

"Di ka pa nga nanliligaw eh. Di mo pa din sigurado kung sasagutin ka nya. Wag ka muna papakasigurado noh!"

"Asus! Sa gwapo kong ito? Di pa ba ko sasagutin nun! Hahaha.. Pero alam mo kung di sapat yung kagwapuhan ko, edi idadaan ko sa panliligaw." sabay ngiti nito sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon