Chapter 2

27 2 0
                                    

"tsk.. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Stupid!" pagsigaw ko sa isang studyanteng nakabunggo sakin. Nagtataka naman itong tumabi at walang ibang sinabi. Nagdire-diretso na lang ako ng lakad na hindi man lang pinapansin yung mga kakilala kong bumabati sakin. Nagtataka na siguro yung mga tao sa mood ko ngayon. Ako kase ang President ng Student Council sa school namin. Hindi naman ako yung tipong president na kinatatakutan, queen bee ng school or what na madalas nyong naeencounter. Kilala lang ako bilang strict, kung minsan ay masungit, at ung tipong wag na wag mong binabati kapag badtrip. I'm still an ordinary student. A student who turns into a monster kapag badtrip. Katulad ngayon. Lahat ng tinitingnan kong studyante na nadadaanan ko eh natethreaten sa aura ko.

WAHH!!

ANAK NG OXYGEN! Badtrip ako ngayon! Kaylangan ko huminga! Kaya walang bubunggo saken! Lilipad kayo sa antartic sinasabi ko sa inyo! Tsk.. Aahh! Asar lang talaga!

Yan ang paulit-ulit kong pinagsisisigaw sa utak ko kanina pa. Kung pwede lang na sumigaw sa kung nasan ako ngayon para gumaan ang pakiramdam ko kanina ko pa ginawa. Kaso hindi pwede. Tsk.. Yung stress ko sa katawan nadadagdagan! Help me! Baka magkahyper tension ako!

"AIL!!!"

Mula sa mga sigaw na galing sa utak ko ay bigla naman akong nakarinig ng isang pamilyar na boses na tumatawag sakin.

JUICE COLORED!! Eto na po sya!

Agad-agad kong binilisan ang lakad ko mula sa kanina na sobrang bagal. Hanggang sa unti unti pa kong bumibilis sa paglakad at unti-unti din namang lumalakas yung boses na tumatawag saakin. Indikasyon na palapit na ito ng palapit.

"Ail! Wait lang huyy!! Ail!!"

TOFUA!!

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad hanggang sa di ko namalayan na tumatakbo na pala ko. Ewan ko ba, basta nag-automatic na yung paa ko na tumakbo. LESHEE!! Isang buong araw na nga akong iwas sa mga daily habits ko sa school para makaiwas sa kanya tapos ngayon makikita nya naman ako! Hindi pa nga ako kumakain eh! useless lang yung ginawa ko! ASARR!!

Tuloy-tuloy pa din ako sa pagtakbo hanggang may makasalubong akong Professor kaya napahinto ako. BADTRIPP! Wrong timing talaga!

"Ms. Gonzales! Bakit ka tumatakbo? As the S.C President you already knew the dos and don'ts when you're in the school campus! You should be the role model! Hindi pwede ang ganyan! Ano na lang ang iisipin mg ibang studyante kapag nakita nila na ang President mismo ng SC ang lumalabag sa rules" Mahabang sermon agad nito pagkahinto ko pa lang. Grabe ha! Wala man lang bang bati muna?! Dire-diretso sa sermon?! Sarap tuloy saguting ng 'Opo Padre Damaso!' Tsk.. Kaylangan ko pa tuloy mag-isip ng palusot.

"ah.. eh.. Sir, kase po, may.. may.. Hinahabol lang po ako.. "

actually, may tinatakbuhan! Tsk.. Baka makita na ko nun! I have to get outta here!

"at sino naman yon?"

ha?.. Eh.. Hayy! Yung palaka po! Asar! Wala kong maisip!

"ah.. eh.. Yung ano po.. Ahhm.. "

asar! ano ba? Yung ano?!

"Ail..."

Nagpanic uli ako nang marinig ko uli yung boses nya. Para na tuloy akong palakang inasinan ngayon dito.

HAYY! Bilis! Isip!

"yung ano po.. Ung.. (ha! Bahala na ang si mr. Bighead!) ung.. PALAKA po! Opo! Tumalon po duon! Hahabulin ko na po uli! Sige po Padre Damaso.. Ay este! ano po.. ah.. Ano.. Sige po.. alis na po talaga ko" tsaka ko yumuko yuko dito na parang yung ginagawa ng mga napapanuod ko sa korean novelas at kumaripas na ko ng takbo sa kahit saang direksyon ako dalin ng paa ko.

Antofu! Natawag ko bang Padre Damaso yung prof. namin? LECHUGAS! Sa utak ko lang dapat yung eh! HAYY! Narinig kaya yung sinabi ko? Sana di naintindihan! Asar! Teka, mamaya ko na aalalahanin yun! May humahabol sakin!

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko na namalayan na wala na pala yung humahabol saken. Paglingon ko hindi ko na sya nakita. Kaya naghanap muna ako ng lugar na walang masyadong dumadaan na tao, sa loob pa din ng school campus at dun nagpahinga.

HA!! Ngayon na lang uli ako nakatakbo ng ganun sa buong buhay ko! Nanlalambot na ung tuhod ko! Asar naman kase eh! Bakit ko pa kase kaylangang takbuhan un?!

Teka..

Bakit ko nga pala tinatakbuhan at iniiwasan yun buong araw? Nge.. Hindi ko alam kung bakit. Tsk.. Basta! Ayaw ko munang makita un! Tsk.. Pagkatapos nya kong iwanan nung linggo! Bahala sya!

Ilang minuto pa kong nagpahinga dahil sa hingal na hingal ako. Nang medyo nakarecover na ko ay nagumpisa na uli akong maglakad. Wala na siguro un, baka umuwi na. Sana nga..

Ninja moves akong naglakad papunta sa gate na school. Tsk.. Para na kong tanga dito, pero wala na kong pakialam. Kung makikita nya ko mababalewala pa ung ibang mga kahiya-hiyang bagay na ginawa ko maiwasan ko lang siya.

Bigla naman nagreply sa utak ko ung sinabi ko dun sa professor kanina. HAYY! Yari talaga ko nito! Humanda talaga saken ung mokong na yun! Buong school year ko syang di papansinin!

Nang makarating na ako sa gate ng school ay medyo nakahinga na ko ng maluwag. Naghintay na lang ako ng taxi para makauwi. May kotse naman kami sa bahay kaso ginagamit madalas nila daddy, mommy, at kuya ko yung kotse nila. Ako naman wala pang sariling kotse, pero ayos lang. Mas enjoy magcommute.

Mayamaya sa di kalayuan ay may nakita na kong taxi na papalapit. Agad agad ko itong pinara at huminto naman ito nang makarating na sa harap ko.

Binuksan ko na yung pinto ng taxi at pumasok dito. Nang isasara ko na yung pinto ay nagulat na lang ako nang may pumigil dito at biglaan na lang ding pumasok sa loob ng taxi, umupo sa tabi ko at isinara yung pinto.

"Manong sa pinakamalapit pong makakainan" sabi nito pagkasarang pagkasara ng pinto. Agad namang pinaandar nung driver yung taxi.

Sa bilis ng mga pangyayari ay wala na kong panahon para makapag react pa. Diretsa lang akong nakatingin dito. Tumingin din ito sakin at ngumiti.

"Madami kang ipapaliwanag sakin.."

Ano daw? Ako?! Magpapaliwanag?! This time medyo nagfunction na ung utak ko kaya sumagot na ako sa kanya.

"at ako pa tala---"

Hindi ko naituloy yung sasabihin ko kase bigla na lang nya kong sinubuan ng marshmallow mula sa supot na hawak nya na kanina pa siguro nya kinakain.

"Mamaya ka na magsalita! Dun ka na magpaliwag! "

Aba't ako pa talaga ang magpapaliwanag ha?!

"A---"

Magsasalita pa lang sana ako kaso sinubuan nya uli ako ng marshmallow. Ngayon parang nadagdagan ung sinubo nya. ABA'T BASTOS NA BATA TO AH!

"Sige! Magsalita kapa!" at akmak isusubo nya pa sakin ung isang dakot ng marshmallows na nasa kamay nya.

Ano toh?! Kidnap? Yung tipong imbis na takpan ng pandyo or scotchtape ang gamit para di mag-ingay eh sinusungalngalan ng marshmallows?! TSK..

Hindi na ako nagsalita at nginuya ko na lang yung marshmallow na sinubo nya. Nakakaasar talaga tong taong to! Inabangan siguro ako nito sa gate ng school at tsaka ako nilapitan nung papasakay na ko ng taxi tsaka din sya sumakay para wala na kong takas. HA!! Asar talaga! No choice! Tsk.. Whether I like or not, nandito na to eh. BADTRIP..

------------

A/N:

ALOHA! XD.

So what do you think? Pakicomment nalang ang gusto nyong sabihin! I really need your feedback guys! Gusto kong malaman kung may nakaka appreciate ba nitong story kahit start pa lang.

And you can also vote and follow din if you want. So, that's all!

Kamsa hamnida chinggus!

Hahaha..

(Letmescratchit)

BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon