Chapter Sixteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mama, I'm worried about you."

Natigilan ako nang hawakan ni Arkia ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya, parang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita sa mga mata niya ang pag-aalala sa 'kin. Napangiti na lang ako at hinaplos ang pisngi niya.

"Okay lang naman ako, beh. 'Wag kang mag-alala," sabi ko na lang saka dinampian ng halik ang noo niya.

Hangga't nandito ako, ipararamdam ko kay Arkia ang pagmamahal ng isang ina kahit hindi ako ang tunay niyang nanay. Sa totoo lang ay natutunan ko na ring pahalagahan at mahalin ang batang 'to, hindi ko yata kakayanin kapag naiwan na naman siyang mag-isa kapag umalis na ako.

"Bakit hindi mo kinakausap si Papa? Saka bakit ayaw mo ng chocolate?" nakangusong tanong niya. Natawa na lang ako at kinurot ang ilong niya.

"Arkia."

Napatingin siya sa 'kin nang mapansing naging seryoso na ang boses ko. Napabuntonghininga ako at hinaplos ang buhok niya habang nakatitig sa kabuuan ng mukha niya.

"'Yung sa 'min ng papa mo, hindi na talaga natin puwedeng ipagpilitan. Hindi niya talaga ako gusto, hinding-hindi niya ako magugustuhan. Ang trabaho ko lang sa bahay na 'to ay maging nanay mo nang pansamantala, hindi na dapat ako maghangad ng kahit ano," sabi ko na lang saka mapait na ngumiti sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Papa likes you," tila siguradong sabi niya. Natatawang napailing na lang ako.

"Arkia, hindi na talaga natin puwedeng ipilit ang hindi puwede. 'Wag mo na akong paasahin sa ganyan, pinaasa ko rin ang sarili ko at wala namang magandang kinahinatnan 'yon," sabi ko na lang.

"No, I'm certain that Papa likes you too. I can see it," sabi niya saka napatungo.

Napangiti na lang ako at bahagyang ginulo ang buhok niya. Nanunuksong ngumiti na lang ako sa kaniya. "Ikaw, ha. Mukhang gusto mo na talaga akong maging mama mo, sabi na nga ba at mahuhulog ka rin sa charms ko, e," pang-aasar ko na lang sa kaniya para maalis na si Mayor sa usapan.

"Yes, I fell for your charms. Papa fell for your charms too. He just doesn't realize it yet. Please don't give up on him. He just thought that he's not capable of loving someone because he sees himself as a monster."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami, ngingiti ako sa sinabi niya at sasabihin sa kaniya na hindi ko susukuan si Mayor, pero ayaw ko na kasi talaga. Wala ng iba pang dahilan si Mayor kaya niya sinabi ang mga 'yon kagabi. Sinabi niya ang mga 'yon dahil hinding-hindi niya magugustuhan ang tulad ko.

"I want you to be my real mother. I don't want anyone, ikaw lang ang gusto kong maging mama ko," sabi ni Arkia habang nakatingin sa mga mata ko.

"Gusto rin naman kitang maging anak, kaso hindi puwede," sabi ko na lang saka mapait na ngumiti sa kaniya.

***

"Wrena!"

Napakunot ang noo ko habang nililibot ng tingin ang bahay nina Tita Celina. Binigyan kasi ako ng susi ni Wrena para daw puwede akong pumasok sa loob ng bahay kapag bumisita ako.

"Linggo naman ngayon, bakit wala si Wrena?" tanong ko na lang saka umupo sa sofa.

Gusto ko sanang makakuwentuhan si Wrena ngayong araw para gumaan naman ang loob ko kahit papa'no. Hindi ko naman ikukuwento sa kaniya ang totoong sitwasyon ko, gusto ko lang marinig ang mga kuwelang kuwento niya na minsan ay hindi totoo.

"Ayen! Bakit ka napadalaw?"

Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Aljen. Agad akong napangiti at sinugod siya ng yakap. Natawa naman siya saka binuhat ako at inikot-ikot.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon