"Good morning dean" bati ni sir.

"Good morning sir, may ipapasok lang akong new student dito sa section nila. Transferee kasi kaya nahuli" napatingin ako kay Arianne kasi mukhang alam ko na kung sino itong transferee na sinasabi ni dean.

"Sure ma'am papasukin niyo po" halos sabay-sabay na lumingon ang mga ulo ng mga kaklase ko ng pumasok ang sinasabing nobya ni Gian.

"Wow"

"Ang ganda"

Maganda nga talaga, hindi ko maipagkakaila na iyon. Marahil 'yon ang isang nagustuhan ni Gian sa kaniya, maganda at angat sa buhay. Bagay sila.

"Quiet class!" biglang sabi ni sir.

"Dito ang magiging classroom mo iha, mauna na ako sir. Bye everyone" nang lumabas si dean na agaw ni Alyssa ang atensyon ng lahat, maging ako ay napatingin sa kaniya.

"Magpakilala ka iha" inilahad pa ni sir ang kaniyang kamay na parang binibigyan niya ito ng oras para magpakilala saamin.

Tumayo si Alyssa sa gitna at inayos ang kaniyang nakalugay na buhok. Tumikhim pa ito bago tinignan isa-isa ang mga kaklase ko bago napako saakin.

"Hi everyone, I'm Alyssa Faye Cole" nagpapakilala siya sa harap ng hindi iniiwas ang tingin saakin.

Anong meron? Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at binaling na lang ito sa guro na nagsasalita.

Humanap ng mauupan si Alyssa, at sa hindi inaasahang ang bakanteng upuan pa ay nasa aking tabi.

Napabalikwas ako ng maramdaman ko ang kalabit ni Arianne saakin.

"Kita mo nga naman, katabi mo pa ang jowa ng crush mo" tumawa pa ito tsaka tumingin sa harap.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at bumaling na lamang sa guro na may kung anong sinasabi sa harapan.

"Simula nanaman ng ating paghihirap" sabi ni Arianne habang umuupo sa harap kong upuan.

"Huling taon naman na natin, tiis-tiis na lang" sagot ko habang umiinom sa hawak kong yakult.

"Sana lahat katulad mo talaga Lei, alam mo 'yon? Kaya mag-tiis. Kasi ako? Kung gan'yan ang nanay ko? Na'ko!" umiiling-iling pa ito sa'kin.

Ramdamam ko naman, iba ang pakitungo ni nanay saakin sa dalawa ko pang kapatid. Kumbaga sila espesyal ako wala. Sa pagkain, sa gawaing bahay, at maging sa kuwarto ay ako ang naiiba.

Si tatay at Rica lang ang naniniwala saakin, dahil maging si monica ay may kung anong digusto saakin. Hindi ko naman masisisi si nanay na gano'n siya, siguro nga may problema lang saakin.

Naghihintay ako ng masasakyan ng nakita kong dumaan ang sasakyan ni Gian sa harapan ko, hininto niya ito at binababa ang bintana.

Ramdam ko ang matinding kaba sa dibdib ko.

"Hey!" nanlaki ang mata ko ng nagsalita ito at lumingon saakin, ako ba ang kinakausap niya? Lumingon ako sa likod ko dahil baka may iba pa utong kinakausap ngunit wala akong nakita kahit anino.

"A-ako?" kinurot ko ang likod ng palad ko ng maramdaman ko ang nginig sa boses ko.

"Hatid na kita" agad-agad akong umiling sa biglang pag-aaloo niya.

"H-hindi na m-mag tricyle na l-lang ako" buti na lang ay may biglang dumaan na tricycle at agad ko itong pinara.

Nakahinga ako ng malalim ng makasakay ako ng tricycle. Bakit gano'n si Gian? May girlfriend siya, bakit kailangan niyang maghatid ng kung sino-sino lang?

Pagkatapos kong magbayad sa tricycle ay agad ako naabutan si nanay na nagtatali ng basurahan.

"Oh nakauwi kana pala madam" agad nanlamig ang tiyan ko, Lei hindi ka pa sanay? Huminga ako ng malalim at sinubukang abutin ang kamay niya para mag mano, ngunit agad niya na lang itong sinubsob sa noo ko.

"Mag bihis kana at magluto ng hapunan" umirap ito at agad tumalikod.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa lugar kung saan nakatayo si nanay kani-kanina.

Pumasok ako sa maliit na kwarto at tsaka nagpalit ng damit, kwarto ko ang pinakamaliit dito sa buong bahay. Ang totoo ayaw ni tatay na rito ako pero dahil si nanay na ang nag desisyon wala ng magagawa si tatay.

Pagpasok ko sa kwarto ko binaba ko kaagad angbag ko sa ibabaw ng maliit kong lamesa tsaka nagpalit ng damit.

"Ate" narinig kong boses ni Rica galing sa labas ng kwarto ko.

Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at naabutan ko ang kapatid ko na nakatayo habang may hawak na kung ano.

"Ate tignan mo po ito, ang daming picture na luma" agad ko naman siyang pinapasok sa kwarto ko at tinignan ang kung ano mang dala niya.

Tinignan ko ang kuwadradong dala ni Rica at napansing ito ay isang koleksyon ng mga litrato, album kung tawagin.

(Souvenirs de Famille)

Binuklat ko ang album at bumungad saakin isang lumang litrato. Isang lumang litrato na halatang kinunan ng matagal ng panahon.

Napansin ko sa litrato ang isnag magandang babae na nakaupo sa sentro katabi ang isang gwapong lalaki. Habang nasa paligid naman nila ay ang mga guwardya, nakatayo ang mga ito at nakauniporme ng magkakaparehas.

Nagbalik ang tingin sa dalawang taong nasa gitna, napakagwapo at walang kasing ganda silang tignan. Ang babaeng nakaupo ay may mahabang kulot na buhok habang ang lalaki naman ay nakaayos ng pinong pino ang buhok.

Inilipat ko pa ang mga pahina at halos litrato ito ng mag-asawa, litrato sa iba't ibang lugar. Meron pa nga ay sa harap ng isang garden nakaupo sila sa duyan, may hawak na bulalak ang magandang babae sa kaniyang kamay habang ang lalaki naman ay nakahawak sa bewang ng babae.

Nang inilipat ko ang sumunod na pahina ay bumungad saakin naman saakin ang litrato ng dalawang batang babae.

Nilabas ko ang litrato at napansin kong may sulat pala ito sa likod.

My dearest F and L. 1998

iv.

The Hidden Pain (unknown series 1)Where stories live. Discover now