Chapter 24 - 3 idots

157 9 0
                                    

Sharlene's POV

Kanina pa sya nagngingitngit sa kinauupuan habang pinagmamasdan si Claudia na abala sa pagsubo ng pagkain kay Donny. Lahat nalang ng nasa hapag ay nais atang isaksak sa bibig nito. Papansin!

"Oh bat lukot ang mukha mo?" Takang tanong ni Turs na di nya namalayang nakatitig ng mataman sa kanya.

"Huh??Wala bakit?" Kunyari ay walang pakialam na saad nya saka pinagpatuloy ang pagsubo.

"Kulit talaga ni Claudia, I'm sure di na nya tatantanan yang kliyente mo" natatawang sabi pa nito.

"baka nga ganun ang mangyari. If that's the case eh di parang wala din pala akong katulong dito" Matabang na kumento nya.

"Pasensya kana tsong ok.. Eh di ko naman alam na magkikita sila ng long time love nya dito. Pero isipin mo noh? it really is a small world after all. Baka destiny sila?"

"Destiny? ang destiny eh yung matagpuan mo yung sarili mo sa loob ng isang kwarto ng isang lalaki na di mo kilala and in just a snap maipakilala ka sa buong angkan na girlfriend. That's destiny!"

Di nya alam bakit ganun na lang ang naging reaksyon nya. Sa itsura ni Turs ay halatang nagulat ito sa sagot nya. Sya man ay nagulat din sa reaksyon nya. Mabuti nalang at maingay ang music at di sila masyadong napuna ng ibang kasama.

"Whoah Whoah.. Hold your horses Tsong. What happened? hahaha. Writer ka naba ngaun? Akala ko interior designer ka? Nagpalit kaba ng career? Ganda nga kwento na un ah..medyo original" Natatawa nalang ito.

"Seriously tsong, ang gusto ko lang ipoint out is, we're running out of time. in a few weeks ibubukas na ang resort . We can't afford to think about destiny or love etc na yan sa ngayon. " katwiran nya. Kahit sya man ay maniniwala sa sarili nyang lusot. Baka nga kaya dapat ay naging writer ako hindi interior designer. Ang galing ko mangatwiran!

"No worries, I'll talk to her..." 

"No need for that yet. Di pa naman nguumpisa ang trabaho.. pero bukas pag ganyan pa din sya iuwe mo nalang baka imbes na matapos maging distraction sya"

Iiling -iling nalang na pinagpatuloy na ni Turs ang pagkain. Sana nama'y di ako masyadong halatado sa mga sinabi ko. Nakakainis naman kasi. Eto namang Donny na to gustong gusto. Sarap ingudngod. Parang kagabi lang napakasweet! grrr...Sabi nga nila, be careful with who you trust, the devil was also once an angel. 

"Shar, can we talk?" Gulat na nahawakan ko ang dibdib ko kalabas ng restroom. Paano ba nama'y nag-aabang pala si Donny sa gilid ng restroom para sa kanya.

"what? Donny I don't have time. Marami pa tayong gagawin.."

mataray na sagot nya saka dere-deretso ng lumakad. Pero maagap na napigilan sya nito sa siko.

"Are you jealous?" Imbes na pagaalala, nakangisi pa ito. Lalo tuloy kumulo ang dugo niya. 

The nerve to ask if I'm jealous, samantalang nakikipagflirt sya sa harapan ko! Grrr nakakabwisit!

"Why would I be jealous? Ano bang meron?" Sagot ko with sarcasm.

"Un si Claudia--un alam mo na?" Nauutal na sagot nito saka kakamot-kamot ng ulo.

"I don't see anything wrong with her, she's just being toooo sweet with her EX" I made sure to emphasized the word ex para naman matauhan to. Ex na nakikipagflirt pa.

"So you are jealous?"

"Why would I be jealous? Tayo ba? Kung siguro si Turs  pag nakita kong ginaganon ng ibang girls baka makasabunot ako" Kunyari pang minostra ko kung pano ko sasabunutan ang girl. I know I used Turs. But this is life and death situation. Ayoko ngang magpakitang talunan sa lalaking to.

"So pag si Turs magseselos ka?"

"yes! O--ofcourse"

"Kayo na ni Turs? Are you playing games with me?" Medyo may diin sa tono ng boses nito. Halatang napipikon.

I'm in trouble! Ano ba naman kasi Sharlene! Wrong move ka na naman!!

"Hindi kami pe--pero..."

"Pero gusto mo sya? Oh! Now I get the clearer picture here. You made partner with him para matuloy na ang matagal mo ng pantasya sa bestfriend mo? Convenient huh?!" Tatango-tango pa ito na para bang naguuri.

"Its not what you...."

Sasabat pa sana sya pero he raised his hands at tuluyan na syang iniwan.

Mali ba un ginawa ko? Look what jealousy made you do! now how can you take back what you said sharlene! Minsan tanga ka talaga! tanga tanga!!!!!

"Oh what happened?" Asked Turs when he saw me bumping my head with my own fist.

"Ahhh wa--wala"

"Nauutal ka pa... May kalokohan ka bang ginawa?" Kunot noong tanong nito.


Kilala talaga sya ng kaibigan. Alam na alam nito lahat ng kilos nya. Kung my problema, masaya, my kalokohan o ano pa man. 

"Halika nga dito" Sabay akbay nya at ginulo pa ang buhok ko " Ikaw Sharlene San Pedro kahit kelan ka... sino na naman kaya biniktima mo?"

"Grabe sa biniktima ha..Pero can you be extra sweet sakin please?"

Binitawan sya agad nito saka tumingin ng matiim sa kanya. Tas walang ano anoy biglang bumunghalit ng tawa.

"Ahhhhh Sharlene... TsongNow I get it.. hahahaha you really are unbelievable"

"Why are you laughing?" Sumimangot at napahalukipkip ako. Paano ba namay sukat tumawa ito ng tumawa.

"You were jealous? You like Donny? hahahaha"

"hindi ah.."

"Kung sya naloko mo ako hindi Ms. Pretender.. Ako pa lolokohin mo, eh pati utot mo alam ko.. "

"Di ka galit?"

"Why would I be mad? Kaya ako sumama dito para makilatis ko yang Donny na yan.. Alam ko na Shar.. The way you speaks his name palang alam ko na"

"Di mo ba ako crush?" Kunyaring tanong ko

"Ano to incest? Hahaha parang baby sister na kita eh"

"Uy siguro kung sinabi mo sakin yan nung college tayo nglulupasay na ako sa iyak ..Pero strange wala na ako makapa sa heart ko na bitterness..Siguro nga paghanga lang yun meron ako sayo nun" Sagot ko sabay talikod na sa kanya na nakangiti.

Turs POV

Tumalikod na si Sharlene matapos nyang sabihing crush nya ako nun.

Buti nalang di nya nakita ung panghihinayang sa mga mata ko.

Why did I even hesitate before? Now I will never get a chance on her...

Bakit ngayon ko lang nalaman? Ang tanga mo Arturo Daza!



The Yellow Car (Inspired by SharDon)Where stories live. Discover now