"oh tama na yan, baka masira ang balat ng mga models ko sa dami ng langgam nyo" mma cindy said kaya namula naman ang pisngi ko dahil sa hiya

"auntie naman" reklamo ni Alexander

"auntie ka dyan, tita lang, masyado mo akong ginagawang matanda" reklamo ni mam cindy

"oh sya, ialis mo na yang pamangkin ko dito ice, mag iingat kayo" she said at nilapitan nanamna sya ng mga assistant nya at umalis na

Hinawakan naman ni Alexander ang kamay ko at lumabas na kami ng building

"nagugutom ka?" he asked, at hihindi sana ako ng nagsalita ang tyan ko, kaya tumingin ako sakanya at ngumiti

"saan mo gusto?" he asked at pinisil ang ilong ko

"kahit saan" sagot ko

"may training kaba bukas?" he asked, umiling naman ako kaya ngumiti sya, why us he smiling like that?

"i know, where" bulong nya at binilisan ang paglalakad namin papunta sa kotse nya

Binuksan nya naman ang pinto at pinapasok ko hinubad din nya ang coat nya at nilapag ito sa binti ko, pahkatapos ay sinarado nya na ang pinto at umikot

Sinuot ko naman ang seat belt ko at inadjust ang upuan

"saan tayo??" i asked

"somewhere you can relax yourself and you'll love" sagot nya at pinaandar na ang sasakyan

"you love stars, right?" he asked, stars, ofcourse, who wouldn't love those shining stars

"yeah, why?"

"you'll see" he said

Dumaan kami sa drive thru ng KFC at nag order sya ng mga heavy meal

"i used to go there kapag may free time ako, and you're the only person na dadalhin ko duon"

"wehh?" tanong ko dito

"trust me, wala akong dinala duon dahil private property na ko na ito at tago din sya" he said

"saan nga kasi yun??" pangungulit ko sakanya

Pinisil nya nanaman ang ilong ko kaya sumimangot ako at natawa naman ito, aba...

Kinuha nya ang mga inorder nya at nag byahe na uli kami

"kasing layo ba ng resort nyo?" i asked

"nope, malapit lang" he said, dumaan naman kami sa mga palayan at may daan kaming pinasukan na sasakyan lang namin ang nandun

"tama ba dinadaanan natin?" i asked, tumango naman sya

Kinakabahan naman ako kaya niyakap ko ang sarili ko at lumayo sa bintana dahil baka may biglang sumulpot

Hinawakan naman ni Alexander ang kamay ko

"don't worry, walang ano dito, we're going to the right way, i promise" he said, at kahit papaano ay kumalma naman ako pero lumalayo parin ako sa bintana

Paakyat na kami ng paakyat at nakikita kona ang ilaw ng buong city mula sa bintana, it's beautiful......

Huminto kami sa parang edge at bumaba sya, at pinagbuksan ako ng pinto

"nasan tayo?" i asked

"to my favourite place" bulong nya at itinuro ang langit, kaya ng tumingala ako ay namangha ako sa ganda

Ang daming bituin, at maliwanag ito at ang buwan ay lumiliwanag din, everything is so clear, and beautiful, and peaceful

"ang ganda" bulong ko

"yeah, ang ganda nga" he whispered too, kaya tinignan ko sya at naabutan syang nakatingin sakin, nahiya naman ako bigla at tumingin sa loob ng sasakyan

"b-baka lumalamig na ung pagkain" i said at binuksan ang pintuan sa likod

kinuha nya naman ang mga plastic bag ng pagkain at naglakad, teka, san to pupunta?

"san ka pupunta?" i asked

"sa bahay" sagot nya, bahay?, dito?

"bahay?" i asked, tumawa naman sya at itinuro ang parang daanan pataas na nakatago sa malalaking puno na parte, ohhh now i see

Sinara ko naman ang pintuan ng kotse at narinig ko ang pag lock neto, kaya agad ako sumunod kay Alexander

Pagkaakyat namin ay may bahay dito na simple lang, medyo mas maliit ito ng onti sa condo dahil pagkapasok namin ay sala at kusina na ang bumungad, at sa gilid naman ng pinto ay ang pintuan ng cr, at ang katabi naman ng pintuan ng cr ay ang kwarto siguro

Binaba nya ang mga pagkain sa coffee table

"sh*t, i forgot something" bulong nya

"anong nakalimutan mo?" i asked

"damit mo" he said

"ahh, don't worry, lagi akong may dalang extra sa bag ko, wag kana ma stress" sabi ko at pinakita ang bag ko

He sigh in relief at binuksan ang tv, may kuryente pa dito?, saan galing?, meralco?

"may koryente?" i asked

"nine, just solar" he answered at kumuha ng plato at kutsara, tinidor

Ngayon ko lang din napansin na may terrace ang bahay na ito dahil nilabas nya sa terrace ang mga plato kaya binitbit ko ang ibang pagkain at sumunod sakanya

Nakikita mula dito sa terrace nya ang buong city at ang buong kalangitan, pinaupo nya ako sa isang table at nilagyan ng mga pagkain sa harap ko

Then he lights up 3 candles na may amoy lavender at pinaupo ako, umupo naman sya sa harap ko, he smiled at me, those smile, they are beautiful like the stars, it warms me uo, amd somehow made me feel safe

And on this moment i knew it, i no longer can let this man go

Mr and Mrs Phoenix (COMPLETED) Where stories live. Discover now