Simula

1.7K 44 25
                                    

College Romance Series #3 :
A Girl Like You

"So ano na? Hindi mo pa din sasabihin sa kanya?" tanong ni Regina sa tabi ko habang nakaupo kami sa bleachers sa may school field at pinapanood ang mga basketball players na nag-eensayo.

Dalawa ang basketball court sa school namin, yung isa ay may bubong at pader at ang isa naman ay nasa school field kung saan madaming pwedeng makanood at mas malawak.

"I'd rather hide it than telling him about my feelings, tutal next year lilipat na ako," sagot ko kay Regina habang nakatingin sa aking libro.

"GO ELION!!!" sigaw ng mga babae nung maka-shoot na naman ng bola si Eli, the guy I've been admiring from a far for the past two years.

"Jusko kay aga-aga sigaw ng sigaw tong mga babaeng toh! Hindi naman napapansin ni Eli," saad ni Regina habang nakatingin sa mga babae. Napailing nalang ako sa kanya.

In this school, looks are everything kahit matalino ka wala pa ding kwenta kung wala kang itsura. Inayos ko ang salamin ko bago tumayo sa kinauupuan. Napatingala si Regina saakin habang pinagmamasdan akong nilalagay ang mga libro ko sa aking bag.

"Hindi pa tapos mag-ensayo yung bebe mo, bat aalis kana?" tanong niya habang sumisipol.

"Shut up! Hindi ko siya bebe at kailanman imposible iyong mangyari," matabang kong sabi sa kanya dahilan para tumawa siya.

"Ang mabuti pa, samahan mo nalang akong tingnan sa board dun sa main hall yung grades na nakuha ko," saad ko bago siya hinila patayo.

"Pustahan si Jerson at Audenzia nanaman ang top 1 at top 2," aniya habang pababa kami ng bleachers.

"Paano ba naman, laging may kompetisyon sa kanilang dalawa pagdating sa mga exams kaya hindi sila nagpapatalo sa isa't-isa at hindi na ako makikisali pa," iling ko habang iniisip ang dalawa kong kaklase na laging nag-aaway sa room namin.

Pagdating namin sa main hall ang dami na ng mga estudyante na nagkukumpulan doon sa harapan ng board.

"Excuse me mga hangal, dadaan yung matalino," saad ni Regina habang nakikipagsiksikan at hila-hila ang kamay ko.

"Yieee congrats bhie!" saad ni Regina ng makarating kami sa unahan, hindi na ako nag-abalang hanapin pa ang pangalan ni Elion dahil alam kong wala nanaman doon ang pangalan niya.

"Bhie wala na naman yung pangalan nung bebe loves mo, turuan mo nga" biro ni Regina habang nakatingin sa board.

"No way! Ayoko nga!" tanggi ko habang nakatingin sa pangalan ko na pangatlo sa halos isang daang mga estudyante.

"Tsk! Bahala ka baka maunahan ka ng iba," pananakot niya kahit hindi naman ako natatakot. Well slight lang naman. Kase may part pa din saakin na umaasang sana kahit tumingin lang siya saakin for three seconds bago ako lumapit ng school ay sasaya na ako ng husto.

Kahit tingnan niya lang ako ay ayos na saakin o kaya kahit makipag-usap lang siya o kaya magtanong kung saan yung banyo ay ayos lang, ang importante nakausap ko siya bago ako lumisan sa eskwelahang ito.

"Bakit ka pa kase lilipat ng Unibersidad?" tanong ni Regina habang naglalakad na kami palabas ng main hall.

"Well, hindi naman talaga ako mag-aaral dito sa una palang diba? Na-late lang ako sa pag-eenroll noon sa gusto kong Unibersidad kaya wala akong choice kung hindi dito muna pumasok," saad ko.

"Oh bakit ngayong 2nd year na tayo nandito ka pa din?" tanong niya habang umuupo sa isa sa mga benches, hinila niya ako paupo sa tabi niya.

"Well diko nga din alam, ngayon ko lang naisip na lilipat nga pala ako," nagkibit balikat ako habang pinapanood ang ibang mga estudyante na nakatambay.

A Girl Like You (CRS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon