KABANATA 33: SORRY

Start bij het begin
                                    

"Krystal? Kakain na tayo." salita ko at kumatok ulit ako ngunit walang nagbukas ng pinto.

Kumatok ulit ako pero hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Ni hindi man lang siya sumasagot. Agad ko namang pinihit ang doorknob pero naka-lock naman ito. Tulog na kaya siya? Hindi ba siya nakakaramdam ng gutom? Kumatok ako muli pero walang sumasagot kaya no choice ako kundi bumalik sa dining area.

"Ano pababa na daw ba siya?" tanong agad ni Wonwoo sakin nang makita niya akong pumasok sa dining area. Lahat naman ay sila tumingin sa akin.

"Kumakatok ako pero walang sumasagot." sagot ko sa kanya.

"Baka nakatulog na?" salita ni Joshua hyung.

"Oh hindi kaya.." Jeonghan hyung kaya lahat kami ay napatingin sa kanya pero hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.

Nilingon namin si Seungcheol hyung na mabilis kumaripas ng takbo palabas ng dining area. Ganun lang din sila Wonwoo at Hoshi hyung kaya agad rin kaming sumunod sa kanilang tatlo.

Naabutan namin si Seungcheol hyung na malalakas ang katok sa pintuan ng kwarto ni Krystal. Bigla tuloy akong sinakluban ng kaba sa dibdib ko. Paano kung may masamang nangyari sa kanya sa loob ng hindi namin namamalayan?

"Krystal? Krystal! Open the door." mahinahon ngunit may diing sabi ni Seungcheol hyung. Kumatok na rin sila Wonwoo pero hindi pa rin bumubukas ang pinto.

"Minghao! Kunin mo yung susi sa kwarto ko! Hurry up!" natatarantang utos ni Seungcheol hyung at agad namang kumaripas ng takbo si Minghao para kunin ang pinapakuha ni Seungcheol hyung.

Baka naman mahimbing lang na natutulog si Krystal? Pero pwede ring may masamang nangyari sa kanya sa loob? Oh come on Kim Mingyu! Think positive!

"Shit!" bulalas ni Wonwoo hyung at lahat sila ay natataranta na. Well, pati rin pala ako ay hindi na rin mapakali.

Wala na akong ibang choice. Pinatabi ko naman sila at hindi na ako nag-dalawang isip na sipain ng malakas yung pintuan. Bumukas ito kaya dali-dali kaming nagsipasok sa loob. Walang makalat, malinis ang mini sala at wala rin kaming nakitang Krystal dito sa kwarto.

Nasaan si Krystal? Magsasalita na sana ako nang may marinig kaming bumukas kaya tiningnan naming lahat yun. Lumabas si Krystal sa banyo at mahahalatang bagong ligo lang siya.

Pero hindi lang yun ang napansin namin. Nakatapis lang siya ng tuwalya at shit! Kitang-kita ko ang makinis at maputi niyang legs!

Bigla siyang natigilan at napunta ang kanyang tingin sa amin. Namilog ang dalawa niyang mata at narinig na lang namin ang malakas niyang tili sa buong kwarto.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!" sigaw niya at tinuro pa niya kami.

"Oh fuck! Sorry, sorry!" salita ni Joshua hyung at mabilis naman kaming tumalikod.

Nakita ko pang hinatak na nila Jun si Dino palabas ng kwarto. Si Minghao naman na bagong dating at may dala-dalang mga susi ay agad ring hinatak ni Jun hyung palabas. Si Hoshi at Wonwoo naman ay biglang natulala na ewan kaya agad silang pinatalikod ni Seungcheol at Jeonghan hyung.

Si Seungkwan at Vernon naman ay sabay na tinakip ang kamay nila sa dalawa nilang mata pero may kaonting butas pa rin para makakita sila kaya naman nakatanggap sila ng batok galing samin ni Woozi. Kalaunan ay tumalikod na rin ang dalawang 'to.

Shit, bakit bigla yatang uminit yung mukha at leeg ko? Kahit nakatalikod na ako ay bigla pa ring lumilitaw sa isipan ko ang imahe ni Krystal na nakatapis lang ng tuwalya! Tangina! Nagiging manyak na yata ako neto!

***

SWEETHEART KRYSTAL

Hindi ko namamalayan ang oras at gabi na naman pala. Napahaba-haba rin pala ang tulog ko kaya hindi na ako nakakain ng tanghalian kanina. Ngayon ko rin naisipan na maligo kaya nagpapatugtog pa ako sa cellphone ko habang naghihilod ng paa.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu