PART EIGHTEEN: THE DARK RAVEN

Começar do início
                                    

"Oo sana kung 'di lang baligtad damit mo," sabi niya at tumayo pabalik ng kuwarto n'ya.

At doon ko na-realize na baligtad nga ang damit ko. Iyong design na 'Never Give Up'  nasa likod.

"Buwisit," bulong ko sa sarili.

Natatawang umupo ang tatay ko sa harap at naglagay ng kape sa harap ko at doon ko napansing tatlo ang dala n'ya.

"Bakit tatlo?" tanong ko.

"Ay, oo nga pala," sabi ni papa. "Wala nga pala si Casper."

Bumuntong hininga ito.

"Ilang araw nang hindi bumibisita iyong batang 'yon, nasanay na 'ko," sabi nito. "Balita ko'y nag-away sila ng nanay n'ya at 'di pa umuuwi simula n'un. Saan na ba s'ya tumutuloy?"

Napakagat ako ng labi.

Sa totoo lang ay hindi ko alam.

"'Wag n'yo nang problemahin 'yun," sabi ko. "Kilala n'yo naman 'yun. Napakalakas na tao."

"Iyong mga malakas nga ang dapat bantayan," sabi ni papa. "Kasi sila iyong mga kinikimkim lang sa sarili ang lahat dahil sa kanila humuhugot ng lakas ang mahal nila sa buhay."

Nagpalaman ng tinapay si papa.

"At kapag sumabog iyong nagpatong-patong na matagal na nilang kinikimkim, hindi nila alam ang gagawin dahil para sa kanila, hindi sila pwede magpakita ng kahinaan. Sasarilihin nila ang lahat hanggang sa sisirain din sila nito at ang nakakalungkot, walang nakaka-alam."

I felt my heart sinking.

"Parating nand'yan si Casper para sa lahat," sabi ni papa. "Hindi ba ito ang tamang panahon upang maging nand'yan naman ang lahat para sa kanya?"

Ibinaba ni papa ang tasa ng kape.

"Sabi nila, hindi raw natin maisasalba iyong mga taong ayaw isalba ang sarili nila. Pero pwede tayong maging rason ng isang tao para isalba n'ya ang sarili n'ya."

Tiningnan n'ya ako.

"Check your strong friends too," sabi niya. "Iba ang dulot ng simpleng 'kumusta ka?' sa panahon ngayon."

Tumayo ito at tinapik ang balikat ko bago tuluyang umalis.

Nang nasa office ay laking pasasalamat ko dahil nag code red si Aubrielle. Sa ganitong paraan ay walang takas si Casper. Ngunit pagpasok palang sa kuwarto ay nag-aaway na si Aubrielle at Newt habang si Casper ay nanunuod, si Andrius ay umiidlip, habang ako'y humahanap ng tiyempo maka-usap si Casper.

"Ano ba ang mahirap intindihin doon, Ms. Baxter?" tanong ni Newt na nawawalan na ng pasensya. "Kailangan nating i-delay ang kaso!"

"Anong i-delay?!" ganti ni Aubrielle. "Newt, may mga nag ra-rally na ano ba! Kailangan natin mag release ng press statement regarding dito. Marami nang kababaihan ang namamatay at alam natin pare-pareho na si Heinz iyon!"

"Or ang kapatid n'ya," sabat ni Newt.

"Si Heinz man o kapatid n'ya, it's still part of the eagles! Kailangan natin ipa-alam sa publiko para mabalaan na sila! Alam mo bang hindi akko makatulog ng maayos ka-iisip kung i-didismiss ko ba ito o itutuloy?! This could be a miscommitment, Mr. Dahmer. Ayaw ko mawalan ng trabaho!"

Napa-ismid ako. Ang lakas mo nga humilik, sinungaling.

"Wait a little longer, Ms. Baxter, okay?" tanong ni Newt. "I'm just...waiting for an order."

"Order?" tanong ko bigla.

"What order?" tanong ni Aubrielle.

Napatingin na rin si Casper at napadilat si Andrius.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora