Meet the character

27 0 0
                                    

Qae Pascual POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Qae Pascual POV

Kanina pa sumasabit ang kinain kong Cinnamon Bread sa braces ko. Kaya kanina pa pilit kong inaabot ng dila ko ang tinga na naroon. Gusto ko ng mainis, talagang ayaw matanggal! Hinipan ko ang may kakapalang bangs na isa pang nagpairita sa akin dahil napasobra ang gupit ko kanina sa shower at nagmukhang bao ng niyog.

Nang i complain ko kanina kay Papa ang bangs ko ay parang nasiyahan pa ito sa ginawa ko. Napaka ganda ko daw. Gusto kong maniwala dahil sa tuwing sasabihin ni Papa ang mga iyo ay napaka madamdamin. Its either my Papa is blind or ako ang nakakakita ng katotohanan? Without a mirror paniniwalaan ko si Papa. Ano ngayon kung pangit ako. Kung ang tingin ni Papa ay maganda ako e di maganda.

So, nakabawas ba yun ng pagkatao ko?Basta meron akong Papa na mahal ako at bestfriend na laging nasa tabi ko. Ano pang hihilingin ko? Basta pag walang mirror maganda ko with attitude!

Hay naku! Bakit sa itsura ko itinutuon ang pansin ko? Samantalang kanina pa masakit itong ngipin ko dahil dito sa lintik na tinga?! Wala pa namang estudyante sa campus dahil sadyang napaka aga pa. Ako pa lang yata ang narito. 

Naupo ako sa bleacher upang isakatuparan ang kanina ko pa gustong gawin. Nilabas ko ang compact powder ko para tingnan sa salamin ang kabuuan ng ngipin  ko. Awtomatiko namang napangiwi ako ng makita ko ang para kong piranha na ngipin. Sungki sungki kase ito kaya pina braces ng Papa ko.

Nasa front teeth lang naman ang salarin kaya kinuha ko ito at kinain. Hmmm sarap talaga ng Cinnamon bread!

Hindi ko pa man tuluyang nalulunok ang nasa bibig ko ng may mag 'yuck ' sa likod ko. Matalim ang matang sinulyapan ko ito para lang mamilog ang mga mata ko sa dalawang nag gagwapuhang lalaki! May pandidiri sa mala guy next door look samantalang bored na nakatingin lamang sa akin ang isa.

"May problema kayo sa tinga? As if hindi ninyo ginagawang kainin yun." mataray kong sabi kahit gusto kong pamulahan ng pingi. Salamat na lang at makapal ang rim ng aking salamin. Inis kong isinukbit ang backpack ko at nagmadaling lumakad sa campus. Hahanapin ko pa ang classroom ko. Hindi biro ang laki ng Villamor Academy. Kung wala akong hawak na map ay malamang na maliligaw ako.

Dumating na kaya si Majie?

Speaking of my bestfriend ang sakit ng eardrum ko ng isigaw sa kahabaan ng hallway ang pangalan ko ko.

"Qae!"

"Qae!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Play the playboyWhere stories live. Discover now