Chapter 00

53 15 8
                                    

Chapter 00

Kasama ito sa trabaho at sa pangarap niya. Simula nang hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa kaniya, alam kong darating ako sa punto na 'to. Hindi makahinga, hindi makagalaw. Ang alam ko lang gusto ko siyang pigilan.

Giyera... Sasabak siya sa giyera. Parang may bukol sa lalamunan ko na hindi makapagsalita habang pinagmamasdan ko ang likod niyang inaayos ang mga gamit niya. Pero ilang taon siyang nag-train para rito. Makakabalik siyang buhay.

Humarap siya saakin at ngumiti. "Alis na ako." Sinuyod niya ang kuwartong kinatatayuan namin at nang makasiguro siyang kami na lang ang dalawa roon ay nagsalita pa muli. "Una na ako, ma'am."

Tumango ako. Hinanap ang mga salita mula sa lalamunan. "B-Bumalik kang buhay."

"Oo naman. Hindi mo pa ako sinasagot eh. Hindi pa ako pwedeng mamatay." Halakhak niya. "Bye, ma'am. Pag-iisipan ko pa kung papabaril ba ko kaagad para gamutin mo ko."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ang dibdib niya. "Para kang tanga!" Ilang beses na niyang sinasabi 'yon pero hindi pa rin ako sanay.

"Sungit talaga, ma'am." Hindi niya inaalis ang ngiti sa mukha. Kahit nakikita ko sa mga mata niya ang takot sa mangyayari mamaya. Nanginginig din ang mga binti ko. Iniisip ko pa lang na babalik siya rito nang duguan o walang buhay ay nakakapanindig balahibo.

"Captain Julius Andres Andrada!" May pumasok na lieutenant sa kwarto at sumaludo sa kaniya. "Pinapatawag na po kayo!" Umalis na rin siya kaagad para siguro magtawag pa kung sino man ang pinapatawag pa sa kaniya.

"Una na ako, ma'am. See you next month!" Tumalikod na siya saakin at naglakad patungo sa pinto.

My God, Aella! Papanoorin mo lang ba ang taong mahal mong pumunta sa hukay?

Hinawakan ko ang kamay ni Julian at iniharap siya saakin. Binalot ko kaagad ang mga braso ko sa kaniyang bewang. Hindi kaagad siya nakagalaw, nagulat sa ginawa ko.

"Mag-ingat ka, Julian. Bumalik kang buhay, naiintindihan mo?!" Sigaw ko sa dibdib niya. Naramdaman ko rin ang nanginginig niyang mga braso sa likod ko.

"Yes, ma'am." Naramdaman ko ang dampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko. My heart melted at his gesture. I love this man so much! God, protect him!

Inilagay ko ang aking kamay sa likod ng kaniyang batok at inilapit ang mga labi niya saakin.

"Sasagutin kita 'pagkauwi mo," bulong ko sa mga labi niya, nakatitig sa mapupungay niyang mata. Hinalikan ko uli siya sa huling pagkakataon saka bumitaw. Itinulak ko na siya palayo dahil baka hindi ko na siya paalisin pa mamaya.

"I love you, Aella. Uuwi ako sa'yo." Tumango ako sa sinabi niya at pinanood siyang lumabas ng pinto. I whispered a prayer for the success of the army and for the safety of Julian Andrada.

Sa mga sumunod na linggo, naging abala ako sa paggagamot ng mga naging sugatan mula sa giyera nang maagaw ng pansin ko ang isang pamilyar na mukha. Duguan at walang malay.

Muntik nang bumigay ang mga binti ko. Julian... my Julian.

"Ako na," pagpapaalis ko sa isang doktor at kahit nanginginig ang kamay ay sinimulang gamutin siya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Army of HeartsWhere stories live. Discover now