Naaamoy ko na rin ang alak sa bibig niya. Tinulak ko sya agad. Pero ang kamay niya ay nanatili pa rin sa baywang ko.

"Come on," sabi niya tsaka sinisiksik ang mukha niya sa leeg ko. Tinignan ko siya ng masama. He just smirk and claim my lips, again.

" Don't be mad, " malambing niyang sabi habang hinahawakan ang mukha ko.

His thumb on my cheek, slowly went down to my lips, marahan niyang hinagod ito gamit ang hinlalaki habang titig na titig doon. Hahalikan niya dapat ako nang sinangga ko ang labi niya gamit ang dalawang daliri ko.

"Umaabuso ka na," sabi ko habang nakataas ang kilay.

Duh he is so clingy, he's not even my boyfriend at alam niya 'yon. He grins at me, parang wala lang sa kaniya ang sinabi kong iyon, at hinila ako sa dance floor para sumayaw.

We were having the best time of our life, we were just dancing in the middle of the night and in a blink of an eye, nakadapa na kaming lahat and everyone was panicking.

The music has already stopped and there are uniform men who are continuously entering the bar.

"Yumuko kayo!" one of the police said.

Pumikit ako ng mariin habang nakahawak sa ulo ko, confused on what the hell is happening.

Police starts roaming to the place, may kinakapkapan rin silang mga tao.

"What the hell is happening," I murmured.

Biglang nawala ang hilo ko dahil sa gulong nagaganap sa paligid. Nang lingunin ko si Clyde sa tabi ko, he is just staring at the floor, looking so tense.

My eyebrows furrowed.

The next thing I knew we all ended up in jail.

"I can't tolerate this anymore! Sumusobra ka na!" parang kulog na dumagundong sa loob ng bahay namin ang boses ni Dad.

Lumunok ako at tinignan siya. Parang nawala ang tama ng alak sa sistema ko.

He is freaking mad, furious actually.

"Dad—"

"Shut up Maria, lagi mo nalang pinapasakit ang ulo ko! Hindi ka na nagtino!" gigil niya sabi sa akin.

Pumikit ako ng mariin and sigh loudly.

"Wala akong ginagawang masama Dad—"

"Nahulihan kayo ng drugs ng mga kaibigan mo!—"

"Hindi iyon sa akin! I am not an addict Dad!" I said, trying to explain my side.

Nararamdaman ko na ang luha sa gilid ng mga mata ko.

Ganon ba ang tingin sa akin ni dad? That I am an addict? I will never ever use drugs, nasa tamang katinuan pa ako, I might do bad things but not that one. I don't wanna cry, but not now, hinding hindi ako iiyak sa harapan ni dad.

Tumingin ako sa itaas para pigilan ang luha ko.

"Then kanino 'yon! Your friends are bad influence! Mabuti na lang nagawan natin ng paraan!" galit na galit na sabi nya.

He immediately went to the police station after he heard what happened to me. Halos isumpa niya ang mga police officer na humili sa akin. Kaagad rin naman akong nakalabas doon, thanks to his connection.

"At akala mo ba hindi ko nababalitaan na lagi kang nakikita na may iba't ibang kasamang lalaki?! Nakikipaghalikan?! Making out on public places?!" dagdag niya.

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko akalain na malalaman iyon ni Dad, he is too focused on work paano niya pa nalaman iyon.

"Are you trying to get my attention, that's why you are doing this? —"

"Of course not!" medyo galit kong sabi.

I just really wanted to have fun, kahit gaano ka ka-busy I will never get his attention.

Katahimikan ang bumalot sa amin.

"I am old enough Dad I can do whatever I want," kalmado kong sabi.

"Yes! You are old enough so act like one, stop acting like a child," parang gustong gusto nakong saktan ni dad ngayon. Namumula na ang mukha niya so I shut my mouth.

Napaupo nalang ako sa sofa sa sinabi niya, hindi sa amin ang droga na iyon. Hindi ko alam saan nanggaling 'yon. At 'yong mga kasama kong mga lalaki, we we're just having fun! Hello I'm nineteen! I groaned in frustration. What do you want me to do Dad? maglaro ng barbie doll? Just stay in this big house alone? Of course I need to have fun!

I sigh loudly. I look at dad na nakakunot ang noo sa harapan ko habang may pinipindot sa cellphone niya. It's probably work again, as always.

I'm freaking sure grounded na naman ako like no parties, no credit card, no driver, but apparently it will take only a week so I'm still good.

I stretch my feet and slightly lean on the sofa. I yawned. Nararamdaman ko na ang antok at pagod.

"Pupunta kang probinsya," bigla akong napatayo sa sinabi ni Dad.

"What?!" I ridiculously asked.

Seriously? No no no no.

"Dad, ayoko dun, madumi dun!" I protest.

"Ihanda mo na ang gamit mo, bukas na ang alis mo," sabi niya tsaka ako tinalikuran.

Bukas agad? Wow. Mabilis kong hinabol si Dad at hinarangan sya ng daan.

"Dad, look, I am sorry, hindi ko na uulitin promise, gagawin ko na lahat ng gusto mo dad, just don't send me in province,"

Alam kong wala ng makakapagpabago ng isip niya but I'm still trying this because I really don't want to go to province. Shit.

"Wala ka nang magagawa Maria, I've had enough, kaya magempake ka na. Ayaw mo mag-aral? then you'll be staying there the whole summer," walang emosyon niyang sabi sa akin.

He put his phone in his ears again.

"Dad! Dad! Summer is too long! Hindi ko kaya 'yon!" nagpoprotesta kong sabi.

How I hate provinces! I remember when I came there when I was a little, hinabol ako ng aso just because I'm picking flowers! Then the people there, they are.... They are...

Ugh! Basta ayoko dun! Then I will stay there for few months? Kahit isang araw o linggo pa ako dyan ayoko! No way! Mamamatay ako doon!

"And..and dad it's not that I don't want to study, it's just that I can't make up my mind kung anong kukunin kong course," I said trying to convince him, baka mabago ko pa ang isip niya.

"It's because you are always spending your time shopping and going out with your friends at bars!" Sambit niya sa akin.

Lumunok ako.

Shit.

I tilted my head at napagtantong I am really going to the province, final answer.

"Dad! Please? You will let your only daughter leave? —" nagmamakaawa kong sabi.

I can't go there...I just can't. If Mom is here, I'm sure kayang kaya niyang pabaguhin ang isip ni Dad, malakas siya kay Dad eh but she's not here, she is already gone.

"If that is the only way para magtino ka, gagawin ko," he said.

According sa mukha niya, Desididong desido na s'ya.

"D-dad—" sinubukan kong habulin siya pero tuluyan na siyang umakyat sa taas

Shit. No. This can't be.

Me? Living in the province? You've got to be kidding me.

It Happened One SummerWhere stories live. Discover now