One Week later .
kinabukasan matapos akong pag buhatan ng kamay ni mama naaubutan ni tita na sinasaktan ako ni mama . At napag disisyonan ni tita Carry na isama ako sa bahay nya .
Dahil mag isa lang naman ito sa buhay . Lahat ng mga nagiging kasintahan nya iniiwan sya dahil hindi sya mabigyan ng anak .
Si tita Carry ay nakakatandang kapatid ni mama .
Una pinigilan ko si tita Carry na isama ako sa bahay nya pero ipinag pilitan nya pa din .
At ngayon ay nandito na ako sa bahay nya feel at home ako dito . Dahil dati akong nag titigil dito .
Siguro masaya na si mama dahil wala na ako sa paningin nya .
Pero minsan gusto kong makita si mama .
" Riva lunch is Ready " rinig kong sigaw ni tita sa labas ng kwarto ko .
" coming " sabi ko . Sana si tita carry nalang ang mama ko . Gustong gusto nya magka meron ng anak pero pinag kakait yun sa kanya .
Ng maka baba ako nakita ko si tita na nag hahanda na ng pag kain . Mayaman si tita dahil may book store at coffe shop at ewan ko kong ano pang meron sya na nag papayaman sa kanya .
" oh kain na " sabi nya . " nga pala may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong nya . Mukang may gusto syang sabihin sakin kita ko ang pangamba sa muka nya .
" ah may pupuntahan po kami ni Maye ngayon " sabi ko .
" ah ganon ba " napatango tango sya .
" may problema ba ?" tanong ko .
Minsan talaga hindi ko sya maituring ng mas matanda sakin dahil sanay akong hindi magalang .
" wala naman " sabi nya pero parang may gusto talaga syang sabihin .
Nag kibit balikat na lang ako .
--
MATAPOS akong kumain ay nag handa akong umalis .Pupunta kami sa court malapit dito . Palagi naman kaming nandoon eh.
"Ano bakit nandoon kana sa bahay ng tita mo di mo na kinaya noh" sabi ni William .
" hindi no pinilit lang ako ni tita para daw matakasan ko ang empyernong bahay na yun " sabi ko naka upo lang kami sa bench dito .
" sus palusot" sabi ni mack .
" alam mo bes wag ka ngang en-denial dyan " Maye .
" no i'm not pinilit lang talaga ako ni tita " sabi ko " teka nga mag lalaro ba tayo o pag uusapan nalang natin ang buhay ko "
" syempre mag lalaro " dabi ni drew " pero pweding ibang group naman ako si william at ikaw tapos si Mack Maye at Jack " tumango nalang kami sa plano nya " wala si Rance eh alam nyo naman yun mas gusto pang kasama ang mga babae nya " .
" Laro na " sabi ko .
BARRY'S POV ---
Nasa tapat na kami ng bahay ng sinasabing kapatid ng first lover ni tito Orlando kasama sila Eros at Eris pati narin ang kaibigan naming si Thunder .
Pupuntahan namin ang sinasabing anak ni tito orlando sa first love nya .
Sa wakas ay nahanap nya na rin ang babaeng isang taon na ring hinahanap ni tito .
" Ano na dad pupuntahan mo ba hindi " sabi ni Eris .
" wait a minute " sabi ni tito at may kinalikot sa Cellphone nya . Mayamaya pa ay may kausap na sya sa cellphone . " Carry nandito na kami sa labas .... Oh sige ...Salamat " yun lang at pinatay nya na ang tawag .
" i'm so excited na may kapatid pa pala ako " hindi mapigilang sabi ni Eris . " hmm ano kaya ang magiging first expressions ko kapag nakita ko sya tingin nyo . Tapos maganda kaya sya sana mas maganda ako " baliw talaga itong si Eris ang laki ng saltik .
Maya maya pa ay may lumabas na isang babae na sa tingin ko ay nasa mga Fourtheis na .
Lumabas na rin kami sa sasakyan . Mukang nagulat pa ang ginang dahil madami kami .
" doon tayo sa loob " aya nya samin at nauna na sya . Agad naman kaming sumunod .
Ng maka pasok kami sa bahay pinaupo na nya kami sa sofa at ipinag handa ng juice .
" Wala sya ngayon dito umalis " sabi ng ginang kay tito .
" I'm sorry Carry kung ngayon lang ko lang nalaman at sorry for all hindi ko talaga alam na may anak kami " nakikita ko ang sakit sa mga mata ni tito .
" Hindi ka dapat sakin humingi ng tawad dapat ay kay Clara at lalong lalo na kay Riva hindi mo alam ang dinadanas nya " bigla nalang may tumulong luha sa mga mata nya .
" i know " sabi ni tito .
" hindi mo alam . At hindi ako ang dapat mag sabi non dahil wala akong karapatan " patuloy ang pag luha nya .
" what do you mean " muli sanang mag sasalita ang ginang ng may mahinang sigaw kaming narinig sa labas at kaingayan .
" DAHAN DAHAN NGA MACK " sigaw ng boses babae .
" ikaw naman kasi tatangatanga " tumayo si tito at ang ginang .
may pumasok na dalawang lalaki na may inaalalayang hindi ko maipaliwanag kung lalaki ba o babae dahil sa suot nito .
She's wearing a hat and big t shirt tapos naka pantalon na itim na may sira sira tapos naka itim na Rober shoes tapos may naka taling jacket sa bewang nito pero natatabonan ng malaking nya damit .
" Riva Anong nangyari sayo ?" tanong ng ginang sa si tita Carry .
" Na injured po sya tita " sagot ng isang lalaking umaalalay dito .
" injured. Ano na naman bang pinag gagagawa mo da buhay mo " sabi ni tita Carry at lumapit dito .
" SHIT " sabi nito ng galawin ni tita Carry ang kabilang nitong binti na naka angat .
" ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang larong yun ke babaeng mong tao " parang wala lang ang sinabi ng ginang dahil umiirap lang ito kong saan saan doon ko nalaman na babae pala sya .
Timigil ang mga mata nya ng makita nya kami . " May bisita ka pala " .
" wag mong ibahin ang usapan " sita ni tita carry dito .
" no i'm not . Sige mag papahinga na ako " sabi nito at humarap sa mga kasama nya . Doon ko lang nakita na may kasama pa pala syang dalawang lalaki pa sa likod at isang babae na kagaya nya eh lalaki din ang kagagayakan . " pano. bukas nalang baka naman bukas eh magaling na ito " tumango lang ang mga kasama nya .
" Sige Bes pagaling ka " sabi ng babae .
" bye Ri " sabay sabay nilang sabi bago mag si alisan .
" Riva mag uusap tayo " sabi ni tita Carry .
" talk me later i'm tired " sabi nito at paigka igkang umakyat sa hagdan .
" hayy nako talaga ang batang yun " sabi nito at humarap samin mukang medyo nagulat pa ng makita kami mukang naka limutan nya na nandito kami .
" sya ba yun " naupo muna si tita carry bago kami sagutin .
" Oo. minsan hindi sya nakikinig sakin . Kailan lang naman sya dito kasi isinaman ko sya "
Nandon pa din ang lungkot sa muka nya .
Pls continue....
YOU ARE READING
EVERY MOST SAD LIFE HAVE A HAPPY ENDING
Short StoryPls read this is my first story i hope we like it