"Birthday ni Braxten ngayon kaya dederetso kami sa bahay nila mamaya, Mang Din." Pagpapaalam ni Quid sa kay Mang Din.

"Nagpaalam na ba kayo sa kay Tunis?"

"Opo." Sagot ni Quid.

Birthday ni Braxten? Tiningnan ko si Quid na katabi ko lang at ng magsasalita na sana ako ay nagsuot siya ng headphone kaya hindi ko nalang itinuloy.

Sinalubong ako ni Nathaniel at gaya ng nakasanayan ay inagaw niya sa akin ang bag ko at siya na ang nagdala. Wala namang masama kung may itatanong ako sa kaniya diba?

"Natoy-"

"Kezia." Madiin niyang sabi.

"Natoy kasi-"

"Kezia, isa pa, makikita mo."

"Ang alin?" Walang malisya kong sabi.

Namumulang nag-iwas ng tingin si Nathaniel at mas binilisan pa ang paglalakad. Hinabol ko naman siya kaso nga lang dahil matangkad siya ay mahahaba din ang paa niya, kaya ang bilis niyang maglakad! Kaya para di niya ako maiwan ay kumapit ako sa braso niya, tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Kezia, p-pwede bang wag mo akong h-hawakan?"

Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa braso niya, saka naiilang na tinanggal ito sa pagkakahawak sa kaniya. "Sorry, kasi naman ang bilis mong magalkad."

"M-malalate na kasi tayo." Sabi niya at nagmamadaling naglakad na, pero huminto siya kalaunan. "Halika ka na!"

Natatarantang tumakbo ako lalapit sa kaniya. Ngumiti ako pero umirap lang siya. "May itatanong lang ako, natoy."

Bumuntong hininga siya, na para bang pagod na pagod na siyang mag-alaga ng batang matigas ang ulo. "What is it?"

"Birthday ngayon ni Braxten?" Patanong kong sabi.

"And?"

"Totoo?"

Tamad siyang tumango. "Yes, kung nakikinig ka lang sa paligid ay usap-usapan ang birthday ni Braxten."

Pupunta ba siya? "Pupunta ka ba?"

"No."

"Bakit? Eh si Nic lang naman siguro ang kaaway mo-"

"Hindi ako inimbita."

Napangiwi ako. "Parehas tayo."

"Bakit, gusto mong makikain?" Mapang-asar niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin saka siya pabirong hinampas. "Hindi naman sa ganoon."

Medyo natagalan kami sa before lunch na subject namin kaya late na kaming nakakain, mas natagalan pa nga kami sa paghahanap ng pwesto dahil may nagmower sa punong tinatambayan namin, kaya sa huli ay napagdesisyonan naming sa cafeteria nalang. May baon akong sandwich pero nagpumilit si Nathaniel  na bumil ng spaghetti, kaya naman pumayag nalang ako, balak pa sana niyang wag na akong pagbayarin pero di ako pumayag, ang dami dami na niyang nabibigay sa akin tapos ako wala, nakakahiya na din.

"Sayo natu." Sabi niya habang nililipat ang hotdog sa pinggan ko.

"Ayaw mo sa hotdog?" Takang tanong ko habang ngumunguya ng spaghetti.

"I don't like it." Nandidiring sabi niya.

I grin. "Pero diba, bakla ka?" Mahina kong sabi. "Panong ayaw mo sa hotdog?"

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Bat ang bastos mo na ngayon, ha?"

"Anong bastos? Nagtatanong lang naman ako kung bakit ayaw mo sa hotdog eh masarap kaya ang hotdog, lalo na pag malaki-"


Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now