Chapter 18

326 28 25
                                    

I do not want to go back to Manila. I just realized that now as I am passing along the familiar roads of the place where I grew up. The place that I once called home.

Walang pinagbago sa isang taon na nawala ako. The traffic, the skyscrapers, the people, everything is the same.

Hindi rin nakatulong na wala akong tulog dahil nagkayayaan pa 'yung mga kaibigan ko na magkape. Nagkuwentuhan kami hanggang madaling araw dahil hindi namin namalayan ang oras. I ended up going home early in the morning, giving me no time to sleep.

Nasusuka ako habang papalapit nang papalapit ang sasakyan sa bahay namin. Halos hindi ako bumaba ng sasakyan kahit pa naka-abang sa akin ang mga magulang ko sa gate.

I am back. Nandito ulit ako sa lugar kung saan ako nasira.

"Welcome home, anak!" salubong sa akin ni mama. I hugged her. My father is holding a film camera and taking photos of me. "Dad..." sita ko sa kanya pagkatapos ko siyang batiin ng halik sa pisngi. Pilit kong tinatakpan ng palad ko ang lens ng camera niya.

"This house was so empty without you, Nyx."

That is not true, Dad.

Isang taon akong nasa bahay na alam kong hindi niyo ako ramdam. There is no way I could forget how you cried for me every night because you were too scared that you would lose me too.

Me leaving this house was the best decision... and you know that. We all needed that space.

Pagkapasok sa bahay ay wala ring nagbago sa mga gamit sa loob. Ang malawak na bulwagan ng bahay ay puno parin ng mga muwebles na mamahalin at matayog pa rin ang dambuhalang family portrait namin.

Umakyat ako para tingnan ang kwarto ko. Marami ang nabago doon. Ang mga picture frame ay bago at halos lahat ng gamit pati kama ay pinalitan nila. Ang dating pink na mga dingding ay kulay white na ngayon. Pakiramdam ko ay nasa kwarto ako ng ibang tao.

I don't really mind.

They did this for my sake.

Ang nag-iisang hindi nila ginalaw ay ang accent table kung nasaan ang malaking picture ni Railey at mga kandila. Hinaplos ko ito, "Hey, Rai... I'm back. I'm sorry if I took so long."

His eyes seemed to be staring at me with his brightest smile.

Humiga ako sa kama para makapagpahinga nang biglang tumunog ang phone ko. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan niya.

I answered Ashriel's call. "Hello?"

"Good morning..." I can tell just from his voice that he just woke up. Lalaking 'to talaga!

"It's already 4 in the afternoon. Tumayo ka na." sabi ko sa kanya.

"Nakarating ka na ba?" tanong niya mula sa kabilang linya.

I shifted on my bed to find a more comfortable position. "Yes. Nagpapahinga na lang ako ngayon."

I heard him hum, "Alright, don't forget to call when you need me."

"You know what? Call even if you don't need me." dugtong niya sa huling sinabi.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita at ibinaba ko na ang tawag bago pa kami magtelebabad. Sa simpleng tawag na 'yon ay mas lalo kong lumakas ang kagustuhan kong bumalik na sa Pampanga.

This place... it does not feel like home anymore.

Niyakap ko ang gitara na katabi ko sa kama. I closed my eyes as I imagined that it is Railey that I am embracing.

It's been two years, huh?

I can't believe that I'm actually doing better than I was last year. Still, I don't think it hurts less. Now that I am back here and alone in my old room, I see memories from each and every corner of it. It is a reminder of my past and how broken I was.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon