My head spun upon reading the emails. Ultimo pagbukas ko ng bagong window, biglang lumitaw sa homepage ang isang news article tungkol sa nangyari. Nanlalambot ang tuhod ko dahil sa konsensya pero mabuti na lang at nakaupo ako dahil baka kanina pa ako bumagsak dito. I'm lucky that their families were convinced not to press charges, but even if they do, I'd understand. This is on me.

Shit.

I checked my phone for Xyline's texts. She's giving me detailed updates since yesterday and the latest one was thirty minutes ago. Stable na raw ang lagay nila Kuya Andy at pwede na silang bisitahin sa ospital. Naligo ako agad at nag-ayos para makapunta doon.

Sa pagmamadali ko, hindi agad nag-register sa utak kong tumatawag si Gerard. Nabitawan ko ang bag kong inaayos ko sa lamesa at sinagot ang tawag. "Hey..."

"How are you?"

Marahan akong pumikit habang unti-unting kumakalma nang marinig ang boses niya. How can someone who broke us could be the same person who makes us happy?

"Uh, good."

Saglit siyang natahimik sa kabilang linya bago huminga nang malalim. "I'm at work, I'll try to visit you"

"I'm fine. I have to go, see you around."

I longed for his voice, but I know when to stop letting what he does for a living bother me. Nauubos lang ang enerhiya ko sa kakaisip. I took my car and drove over to the hospital. My knees got weaker as I approached the ward where Kuya Andy and the rest were recovering.

When I stepped at the huge entrance, inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Napalunok ako agad nang matanaw sila Kuya Andy sa kanilang mga kama habang nakapalibot sa kanila ang kaniya-kaniya nilang pamilya. Some were on their phones and some were chatting, so no one look at my direction until I was close enough.

A woman who I suppose is Kuya Andy's wife frowned at me. "Bakit?"

"I'm..." Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang hawak sa bag ko. "Ako po si Caroline. Manager nila Kuya Andy."

Umawang ang bibig niya at saka mabilis na tumayo. "Walanghiya ka? Ang ganda-ganda ng trabaho mo, hindi mo pa inayos!? Makakapatay ka pa ng tao, hayop ka!" Itinulak niya ako sa balikat at napaatras ako sa lakas nito.

Hinablot niya ako kaya mabilis na umawat ang isang dalaga. "Ma, tama na 'yan."

"Sandale! Nagsasalita pa 'ko! Itong putanginang 'to, dapat inaalis ka na sa trabahong lintik ka!"

No one cursed at me like that before, but I wasn't slightly mad because I believe I'm in no place to do so. Yumuko lang ako at tinanggap ang nakaamba niyang sampal pero dumilat ako nang hindi ito maramdaman.

Standing tall and proud beside me, Gerard shields half of his body on mine. He's in his usual all-black outfit again. I'm starting to believe that this is his work uniform.

Nasalag niya ang kamay ng babae at unti-unti itong binitawan. "I'm sorry." Saka siya marahang yumuko para humingi ng paumanhin at hinarap ako. "Let's go."

Hindi ako nakagalaw agad kaya marahan niyang inabot ang braso ko para maigiya ako palabas. Habang nasa hallway, nanatili akong nakatitig sa sahig.

"It's not your fault," Gerard said out of nowhere.

I forced a smile. "Hindi man lang ako nakapag-sorry. I felt bad for them." Nang makarating kami sa parking ng ospital, binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan ko at pumasok na.

Napansin kong naghihintay siya sa gilid habang nasa likod ang mga kamay kaya ibinaba ko ang side window. "What are you doing here, by the way?"

"I checked up on you. Were you not informed that they were mad at you?"

I'm Yours to KeepWhere stories live. Discover now