Chapter Two

2 0 0
                                    

Buong araw tayong pagod dahil sa program na ginaganap sa University natin tayo kasi ang namamahala dahil ikaw ang Student Council President  at ako naman ang Vice mo. Napansin kong namumutla ka at parang hinahapo ng hininga.

"Mukhang pagod ka na. Magpahinga ka muna, ako na lang ang bahala dito."

"Hindi ok lang ako. Kaya ko pa naman eh. Marami pang dapat asikasuhin." Sabi mo.

"Anong ok ka lang? Tingnan mo nga namumutla ka na at parang hingal na hingal ka pa. Maupo ka muna, ako ng bahala sa lahat alam ko naman ang gagawin." Binigyan ko sya ng upuan at pina inum ng tubig.

Hindi mo sinabi sa akin na may iba ka na palang nararamdaman. Nagulat na lang ako ng bigla kang matumba  sa kina uupuan mo at nawalan ng malay.
Kinabahan ako noon. Natakot. Dahil nakita ko ring dumudugo ang ilonf mo. Hindi ko na maalala kung paano kita na buhat ng ganun ganon lang basta ang nasa isip ko madala kita sa Hospital.

Grabe ang pag-aalala ko sayo, nanginginig ako sa takot. Agad kong tinawagan sila Tita Jade at Tito Art para ipaalam ang kalagayan mo. Umiiyak na dumating sila Tita bakas sa kanila ang sobrang takot at pangamba. Bakit ganon? Tanong ko sa aking isipan. Bakit grabe ang takot nila Tito at Tita? Pagod lang naman sya at mainit kaya siguro dumugo ang ilong nya. 

Hindi ko alam na may matindi pa palang dahilan kung bakit sya na walan ng malay tao.

Lumabas ang isang Doktor mula sa silid na pinagdalhan sa pinsan ko. Sersyoso ang mukha.

"Kayo ba ang magulang ng pasyente?" Tanong ng babaeng doktor. Tarantang tumayo si Tita at Tito maging ako ay ganun din.

"Yes! We are her parents!" Sagot ni Tito Art. " How's my daughter? Ok na ba sya? Can we see her?" Sunod sunod na tanong ni Tito habang nakayakap kay Tita jade na iyak lang ng iyak.

"Mr. Sandoval, alam nyo ba kung ano ang tunay na kalagayan ng inyong anak?" Tanong ng Doktor hindi pinansin ang tanong ni Tito Art.

"Yes! We know, but how is she doc?! We want to see her!" Sigaw ni Tita habang umiiyak.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our HopeWhere stories live. Discover now