Chapter 1

5 3 0
                                    

    Naka ngiti akong pinagmamasdan ang kalangitan habang ako ay nakahiga sa damuhan. Isang napakagandang umaga, napaka aliwalas, iba't ibang hugis ng mga ulap at mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid napakagandang pagmasdan. Tila nag papahiwatig na kay payapa ng daigdig. Bigla tuloy akong may na alala napatingin ako sa aking tabi at sabay na napangiti.

"Alam mo ba Hope? Everytime na tumitingin ako sa kalangitan palaging kong na aalala ang mga mata mo." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Kasi po na aalala ko ang mga mata mo kulay asul. Kumikislap ito sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw, mababakas ang pag-asa, kapayapaan at kasiyahan mula rito. Kaya nga iyan ang favorite kong part ng face mo eh." Saad ko na nakapagpangiti sa kanya lalo tuloy  tumingkad ang kanyang mga mata.

"Grabe ka naman Maria Serenity Sandoval! Pareho lang kaya tayo ng kulay ng mga mata, magpinsan tayo 'no!" Sabi nya. Kahit na pareho kami ng kulay, magka-iba naman kung ano ang nilalaman nito.

"Oo nga pero iba talaga 'yong sa'yo parang pinapakita nito kung gaano ka kabait at totoong tao." May kasama pang pag iling ang aking sagot.

Sumeryoso ang kanyang mukha. " Mali ka, hindi ang mga mata ang nagsasabi kung mabuti ka ba o masama kun'di ito." Nilapat nya ang palad sa aking kaliwang dibdib.

"Ito ang makakapag sabi dahil nararamdaman nya kung totoo ka ba o hindi. Mag bibigay ito ng hint. Ipaparamdam sa iyo ang kaba at pag aalinlangan. Ang mga mata pwedeng magkunwari ngunit hindi ang puso." Wala na akong nasabi napatitig na lang ako sa iyo. Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga ganyang salita, parang ang dami mo nang napagdaanan sa edad nating disi otso.

Simula no'n naging malapit na tayo sa isa't isa. Ilap kasi ako sayo dati bagong salta lang sa pamilya nyo. Akala ko mga arogante kayo at mapag mataas dahil ganun naman talaga kapag mayayaman di ba? Pero hindi pala habang tumatagal nakikita ko kung gaano kabuti ang mga Sandoval. Tama si Mama. Tinanggap nyo ako kahit na hindi ako legal na anak ng ama ko. But anyway iyon nga naging napakalapit na natin sa isat' isa lahat ng lihim mo ay alam ko pati na rin ang una mong pag-ibig.

Isang beses naabutan kita sa labas ng room naka upo sa bench. Nakangiti kang nakatitig sa team captain ng basketball team ng University natin. Si Franco Hades Montesilva II o mas kilala sa palayaw na Dos. Palagi kang di mapakali sa tuwing dadaan sya at kinikilig ka kapag tinititigan ka nya. Alam kong naging kayo ni Dos  noong 2nd year collage tayo ngunit nagkahiwalay kayo sa hindi ko malamang dahilan. At nagtataka ako kung bakit ayaw mong ipaalam sa kanya na hanggang ngayon mahal na mahal mo pa sya. Kapag nagtatanong naman ako palagi mo namang sagot ay "Hindi na pwede eh." Bakit hindi na pwede? Mukha namang maayos na sila at tingin ko may gusto pa rin si Dos sa kanya dahil minsan ko na rin itong nakitang nakatitig habang nakangiti sa kanya.

Heto na naman nakita kita sa isang gilid ng court na nonood ng Basketball game. Malungkot ant iyong ekspresyon tila nasasaktan ka sa nakikita mo. Hinanap ko kung ano ang dahilan, nakita mo palang may kayakap na ibang babae si Dos, napaka sweet nila sa isa't isa, mukhang bago nyang girlfriend.

Ngunit sa kabila ng malungkot mong mukha ay may sumilay na ngiti sa iyong mga labi, isang totoong ngiti. Hindi ko maintindihan bakit ganon ang iyong reaksyon? Nasasaktan ka na ngumingiti ka pa?

Nilapitan kita at tinanong, " Ayos ka lang ba?"

Ang sabi mo,"Oo naman ayos lan ako."

"Alam ko nasasaktan ka sa nakikita mo pero bakit patuloy mo parin silang pinapanood?" Tanong ko sayo.

" Kasi gusto kong patunayan sa sarili ko na ayos na talaga s'ya kahit wala ako sa piling nya. Na kaya nyang magmahal ng iba bukod sa akin." Sagot mo.

"At masaya akong malaman na kaya nya nga.l, na may pwedeng pumalit sa aking iba." Dagdag mo pa.

Doon ko napatunayan na mahal na mahal mo siya dahil mas gugustuhin mong ipa ubaya siya at palayain maging masaya lamang si Dos. Kaya nang araw ding iyon pinilit kong mapasaya ka, ginawa ko ang lahat para mapatawa ka hindi ko kasi gustong makita kang nalulungkot at ayaw ko rin na nasasaktan ka. Ikaw lang at si Mama ang tumanggap sa akin ng buong-buo.

Akala ko alam ko na ang lahat ng sikreto mo ngunit nagkamali ako. May isang bagay ka pa palang nililihim sa akin.

Our HopeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora