While we are having our breakfast, everyone remained silent, but then Dominic, Shaun and James tried to lighten up the mood by making corny jokes to everyone, I would sometimes laugh at it pero ang iba ay hindi dahil sadyang napaka korni talaga ng joke nila.

Hindi ko na rin in-open 'yung topic about duon sa nangyaring pag uusap nila with their parents dahil baka hindi rin sila komportable, because if they were, they would probably talk about it pagkaupong pagkaupo palang nila dito sa hapag kainan, but since they didn't... then that means na they aren't.

But I understand them, maybe naninibago pa sila because that's the first time they said out loud what they feel.. or if not, then maybe that's the first time na may kumampi sakanila and made their parents shut..

Bigla ko tuloy naalala si Tito-Sir. Ang tatay ni Dominic, he told me that I could call him Tito-Sir since he prefer being called Tito, but then I like calling him sir than tito so he thought that we should combined nalang daw ito.

Hindi na rin ako umangal kasi medyo may pagkakulit rin naman si tito na parang si Dominic lang. Medyo cute nga rin si Tito-Sir e.

I was about to have another bite of the longganisa I cooked when suddenly the doorbell rang, lahat kami ay natigilan at napatingin rito. The last time that doorbell rang was yesterday and it didn't turn out well.

Napalingon ako sa Twilight and I smiled widely. "Ako na mag bubukas." paalam ko sakanila at napatango naman sila saakin, I walked toward the door and opened it.

Akala ko makakakita na ako ng nakasimangot na mukha pero nag kamali ito, a guy wearing a green shirt with a sling bag on his body and he's carrying a box, hindi naman ito kalakihan at mukhang magaan lang din ito.

"Good morning Ma'am! Kayo po ba si Maria Celistina Xavier?" tanong ng lalaki at alam kong narinig ito ng Twilight dahil ang lakas ng boses niya.

Napatango naman ako sakaniya kahit na nag tataka ako kung bakit ako nito kilala, baka naman kasi sa Twilight ito, but since they told everyone that if ever they wanted to say something ay saakin nalang ipadaan since I am their assistant.

"Ito nga po pala, package pinapadala po ni Sir Dwayne." he stated at mas nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Tito-Sir.

Nag padala ng package saakin si Tito-Sir, o para sa Twilight ito?

"Para saakin ba talaga 'to kuya?"

Tumango naman ito nang masigla. "Opo ma'am! Bilin po niya saakin na ingatan ko raw po ito." he said again at napatango nalang ako. Sinabi naman niya na hindi na kailangan mag bayad ng shipping fee dahil sagot na raw ito ni Tito-Sir lahat.

Pumasok na ako sa loob dala dala ang box, napatingin saakin ang Twilight and I slightly scratched my head, don't know how to say na galing ito sa Tatay ni Dominic.

"Kanino daw galing 'yan?" biglang tanong ni Joshua saakin, napangiti naman ako nang bahagya.

"Sa tatay ni Dominic.. Kay Tito-Sir." honest na sagot ko dahil alam ko naman na malalaman rin naman nila, saka wala naman din sigurong masama kung malaman nila, ang sabi lang naman ni Tito-Sir na 'wag ko lang banggitin kung ano ang pinag-usapan namin e.

"Kay Dad?" takang tanong ni Dominic at napatango naman ako, tumayo siya at saka unti-unting lumapit saakin. "Ano namang ipapadala sa'yo nu'n?" he asked me and I shrugged. Hindi ko rin talaga alam.

Nilapag ko ang box sa may coffee table, they also stopped from eating to see kung ano ang laman niyon at saka ako kumuha ng cutter pambukas at dahan dahan ko na itong binuksan, I aslo asked for Dominic's help since he's the one na pinakamalapit saakin.

Twilight's EmpressOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz