Akala

12 2 0
                                        

Nakangiti akong nakatingin sa harapan
Kung nasaan ang lalaking pinakamamahal
Bakas ang saya sa kanyang mga mata
Nakatayong nag hihintay habang naka postura

Umibig kana rin ba ng lubusan?
Yung tipong sumagi sa isip mong siya na ang iyong kinabukasan
Nag gawa ng mga senaryo sa iyong isipan
Na balang araw hihintayin ka niya sa altar at pakakasalan

Sa relasyon nating masaya
Naisip kong ikaw na
Ikaw na ang aking kasama hanggang sa pag tanda
Gagawa ng mga magandang memorya kasama ang ating sariling pamilya

Ilang beses dumaan sa matinding di pag kakaintindihan
Ilang beses ko nang sinubok bitawan
Ilang beses na nating balak sukuan
Ang relasyon ating pinagsasamahan

Ngunit pag katapos ng ilang sandaling sigawan
Mga sandaling nag iiyakan
Makikita na-naman kitang nariyan
Humihingi ng kapatawaran

Sa ganitong relasyon sigurado na ako
Ikaw na ang lalaking mamahalin ko hanggang dulo
Lalaking ipag tatanggol ako kahit kanino
Lalaking makakasama ko kahit pumuti man ang buhok ko

Lumipas ang mga taon at eto parin tayo
Masaya at halos walang pinagbago
Masigla ang relasyong patuloy pinapatatag at binubuo
Kung titignan ng ibang tao mukhang sigurado na, na tayo hanggang dulo

Ngunit sa 'di inaasahan pagkakataon
Biglang nag bago ang takbo ng ating relasyon
Wala ng suyuan sa tuwing may 'di pagkapaintindihan
Bigla nalamang nawala ang ating pagkakaunawaan

Hanggang sa nag desisyon kang tapusin na
Tapusin ang relasyong halos sampung taon natin ginawa
Ang relasyon na tayong dalawa ang magkasama
Ang relasyong akala ko dina matatapos pa

Umamin kang hindi na ako
Na wala na ang nararamdaman mo
Wala ng pagma-mahal sa puso mo
Wala ng pagma-mahal para sakin dahil hindi na nga ako

Agad napaluhod sa mga sinabi mo
Di makapaniwala sa mga ginawa mo
Sa sampung taon nating relasyon
Kailan mopa ako niloloko?

Agad narin nabuo ang aking desisyon
Patuloy kong pipiliin ang kasiyahan mo hanggat may pagakakataon
Handa na ako sa mang-yayari satin ngayon
Papalayain kona ang taong kumumpleto sakin noon

Oo malaya kana
Ayokong manatili ka sa 'kin kung hindi kanaman masaya
Ayokong lokohin ang sarili ko at paniwalaing ako pa
Gusto kong sumaya ka kahit ako na ang mag dusa

Biglang nawala ang "almost a perfect love story" nating dalawa
Nawala ang mga pangarap kong ikaw ang kasama
Akala ko ikaw na ang aking kasama sa pagtanda
Akala ko lang pala.

Agad pinahid ang luha sa aking mga mata
Nang makita ang lalaking mahal ko na ikinakasal sa iba
Pilit kong tinatagan ang aking kalooban
Masaksikhan lamang ang isa sa iyong pinaka-masayang araw.

unread poemsWhere stories live. Discover now