Pagpasok ko sa garden ang bumungad sa akin ang isang medyo may kalakihan na table kung saan doon mga nakapalibot na nakaupo sila Ezekiel na mukha ako na nga lang ang hinihintay.

"Oh buti naman at bumangon na ang ating mahal na Prinsipe." Mapang-asar na sabi ni Asher nung dumapo ang kanyang tingin sa akin kung kayat nagsilingunan sila, binigyan ko sya ng isang masamang titig.

"Arat na pagsilbihan natin ang mahal na prinsipe, nakakahiya naman kasi sa kanya." Mapangloko at sarcastic na sabi ni Harold.

"Oh alalayan nyo baka mapagod." Panggagatong ni Brix ngunit wala ni isa sa kanila ang nagtangkang lumapit sakin.

"Tsk kayo talaga tumigil nga kayo baka...." pangbibitin ni Ezekiel sa sasabihin nya at bigla syang ngumisi. "Umiyak yang si Prinsipe." Pagkasabi nya non nagsihagalpakan sila ng tawa.

"Hahaha iba ka talaga"

"Idol talaga kita Ezekiel."

"Kaya sayo ko eh."

"Tss" Inismiran ko sila habang lumalapit, umupo ako sa tabi nila Ezekiel at shawn, nasa kanan ko si Shawn habang nasakaliwa ko naman si Ezekiel na ang katabi ay si Asher na ang katabi ay si Brix sumunod si Aspen, Kyle, Harold, Klyde, Kenzo, at Kairo na ang katabi na ay si Shawn.

Tinignan ko ang mga niluto nilang putahe. May inihaw na isda, barbeque, hotdog, kare-kare, Fishpilei, syempre ang specialty ni Kairo ay ang ginataang gabi na sinahugan nya ng dilis na maliit.

Natapos ang kainan na puro kwetuhan at tawan at higit sa lahat busog ang lahat. Si Kairo kasi ay sobrang hilig sa pagluluto at masasabi kong masasarap ang bawat niluluto nya kung kaya't sya ang nagiging taga luto namin tuwing nagpipicnic kami or minsan isa sya sa mga tumutulong sa mga occasion tulad ng birthday at iba pa.

Nagkanya-kanya na ang lahat. Sila Kenzo, Harold, at Brix ay dumiretso sa tatlong duyan dito sa garden habang sila Aspen, Asher ay nauna nang pumasok sa loob ng bahay nila Kairo. Si Kyle at Klyde naman ay nagpaalam na magswi swimming muna daw sila na sinagot lang namin sila ng tango. Kaming apat nalang nila Kairo, Shawn at Ezekiel ang naririto, tinulungan namin si Ezekiel na linisin ang pwestong pinagkainan namin.

Matapos maglinis pumasok na ako sa loob, nadatnan ko sila Aspen at Asher na naglalaro ng Psp, nilagpasan ko sila at nagtungo sa veranda ng bahay nila Kairo.

Mula rito kitang-kita ang garden kung nasaan sila Kenzo na prenteng mga nakahiga sa duyan habang sila Shawn at Ezekiel ay nag-uusap ng masinsinan. Bisi ako sa katitingin sa kanila ng may lumapit sakin.

"May problema kaba?" Seryosong tanong nya at tumanaw din sa ibaba.

Hindi ako umimik bagkus napabuntong hininga nalang kasi kahit ako, hindi ko alam kung may problema ba ako o wala.

"Hayss, nag-aayang mag movie marathon sila Asher doon sa kwarto ko, sumunod kanalang." Walang ganang sabi ni Kairo at iniwan na ako.

Nag stay pa ako doon ng ilang saglit bago ako sumunod at naglakad patungong kwarto ni Kairo.

"Haha grabe yung babae napaka tanga nya."

"Pfft sinabi mopa hahahha"

"Grabe hoho"

Rinig kong tawa nila bago ko pinihit yung pinto pabukas saka pumasok. Napahinto sila sa pagtawa nung pumasok ako, ramdam kong mga nakatitig sila sa akin hanggang sa makaupo ako sa kama ni Kairo. Tumikhim ako kaya dali-dali nilang binalik sa tv ang tingin nila at kanya kanya nanaman silang komento sa pinapanuod nilang katatawanan.

Buong palabas ay pre-occupied ang utak ko kung kaya't hindi ko manlang namalayan na tapos na ang pinanunuod namin.

"Oh pano bayan uwi na kami Kairo." Paalam ni Klyde nung nasa labas na kami ng gate ng bahay nila Kairo.

"Sige, ingat kayo."

"Tss baka sabihin mong mag-ingat sila samin." Taas noong sabi ni Harold. Binatukan tuloy sya ni Asher. "Yabang mo!" Sabi nito bago pumunta sa kotse nya.

"Hoy parehas lang tayo lol." Sigaw ni Harold at dumiretso narin sya sa kotse nya. Kanya-kanya kasi kaming dala ng kotse.

"Uwi na kami." Sabi ni Shawn na nginitian nalang ni Kairo. Nag si wave ng kamay yung iba bago nagsipuntahan na sa mga kotse nila, tumango nalang ako kay Kairo at dumiretso narin sa kotse ko.

Habang nag da drive pauwi biglang may nag pop ng messege sa cellphone ko, kinuha ng isang kamay ko ang cellphone habang ang isa naman ay patuloy sa pag da drive.

From: Unknown number.

Don't let your enemy's come closer to you.

A/N

Sorry natatagalan na ang pag a update ko.

*Don't forget to vote and comment*

Sa 09/17/20 ang next update ^_^

Who are You? [On-going]Where stories live. Discover now