Nagtaka din ako dahil naka ibang jeans na siya at black long sleeve polo. "Ano ba? Saan ba tayo pupunta? Wala ka naman sinabi, e, tapos 'yan nagrereklamo ka," sambit ko.

"Dress, Cams. Ba't naka jeans ka ba?" masungit na tanong niya kaya umikot ang mga mata ko.

"Huwag mo akong sungitan d'yan, ah. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa 'yo," inis na sambit ko at malakas na sinarado ang pinto.

It still hurts down there. He was so wild last night but sexy at the same time.

Pagkatapos kong maisuot ang kulay green na sleeveless dress ay lumabas ako. Ngumiti siya nang makita ako at ipinulupot na ang kamay niya sa bewang ko.

"Creed, sabihin mo nga. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nasa kotse na niya kami.

"I'll introduce you to my family, love," nakangiting sabi niya kaya natigilan ako.

Ipapakilala niya na ako sa pamilya niya? Pero hindi pa ako handa. Gusto kong kami munang dalawa ang nakakaalam ng relasyon namin dahil hindi pa maayos ang lahat. Tinitigan ko siya dahil halatang sobrang saya niya ngayon na ipapakilala na niya ako sa pamilya niya.

Hindi 'to pwedeng mangyari...

"Creed, stop the car," sambit ko.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"I said stop the car," pag-uulit ko.

"But why?" tanong niya pa.

"Creed, look. Hindi pa tayo safe. Marami pang gustong pumatay sa atin. Ayokong malaman ng iba o ng kahit sino ang tungkol sa atin. Naiintindihan mo ba ako?" paliwanag ko.

Hindi siya nakasagot. Hindi naman kasi si Ryder ang nasa number one sa listahan ng mafia na gustong patayin dahil si Creed talaga. Kapag nalaman ng lahat na nagpalit sila ng katauhan ay si Creed na ang tatargetin nila at ayokong paikutin nila ang isa sa aming dalawa para makuha siya o ako. Alam kong gagamitin ako ng kalaban para makuha si Creed at hindi ako papayag do'n.

"I don't get it, Cams. Why are you saying that? Kaya kitang protektahan," mariing sambit niya kaya napailing ako.

"Creed, please. Mahal kita. May tamang panahon para ipakilala mo ako pero hindi sa ngayon," mahinahon kong sinabi kaya hindi na siya nagsalita.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa isang mansyon. Maraming sasakyan at mukhang maraming tao sa loob. Nasaan ba talaga kami?

"This is my parent's house," malamig na sabi niya.

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang braso niya. "Galit ka ba sa 'kin?"

Hindi siya tumingin sa akin. "Hindi ako galit. Hindi ko lang maintindihan kung bakit wala kang tiwala sa akin. Let's go inside." Bumitaw siya sa akin at naglakad na kaya wala akong nagawa kundi sundan siya.

Nagulat ako dahil ang daming tao at ang iingay. Nagulat din yata sila nang makita kaming dalawa ni Creed.

"Oh my God!" sabi ng isang babae na mapula ang labi pero bumagay sa kanya. Maikli at kulot ang buhok niya at aaminin kong sobrang ganda niya.

"Wait. Nakikita niyo ba ang nakikita ko? Si Creed may kasamang babae?" tanong naman ng isa pang babae. Okay. Magaganda silang lahat.

"Nakikita ko rin, Frida. May kasama nga siyang babae!" sabi naman ng lalaking maputi. Pamilyar ang mukha niya dahil parang nakita ko na siya.

Saan ko nga ba siya nakitーoh shoot. Artista 'to, ah? Hindi ko alam ang pangalan niya pero nakikita ko na siya sa t.v.

"Hi, who are you?" tanong ng babaeng mapula ang labi.

Cerchio di Demoni (Del Fuego #3) Where stories live. Discover now