Chapter 14

1.2K 50 4
                                    

"Sigurado ka ba, apo? Hindi ka ba mapapahamak?" tanong ni Lola habang nakakapit sa braso ko, naglalakad kami papunta sa opisina ni Lolo dahil nasa loob kami ng kumpanya nila.

"Oo, La. Sana payagan ako ni Lolo," sagot ko.

Binuksan ng gwardya ang glass door kaya pumasok na kami sa loob ng opisina ni Lolo. Naabutan namin siyang may isinusulat o pinipirmahan yata?

"Lolo," I said to get his attention and I did not fail because he gave me a look.

"Cams, what are you doing here, apo?" Ngumiti si Lolo kaya lumapit na ako sa kanya at niyakap siya.

"Magpapaalam ako, Lo. Ahmm.." Napakamot ako sa ulo.

Hindi ko alam kung papayagan niya ako dahil over protective si Lolo sa akin. "What? Spill it, apo." He smiled again.

"Magbabakasyon ako, Lo. Sa New York lang naman..." mahinang sabi ko at agad na nagsalubong ang mga kilay niya.

"New York? Out of the country, Cams? I don't think that's a good idea." He shook his head and sat on his swivel chair.

I bit my lip. "Lo, one month lang naman," sabi ko.

He continued signing the papers on the table. "Ano ka ba naman, Leandro. Hayaan mo na ang apo mo. Ilang taon na ang nakalipas simula nang lumabas ng bansa iyan," sambit ni Lola.

"Clarita, I won't let her. Camreigh, you stay here," mariing sabi ni Lolo.

"Lo, please?" Umupo ako sa harap ng table niya kaya napabuntong-hininga siya.

Ang tagal ko pa siyang pinilit hanggang sa napapayag ko na rin siya. It's just one month. Siguro pumayag siya dahil alam niyang saglit akong sasaya.

My grandparents just wants the best for me. Nasa labas kami ng CDD building dahil bawal kaming pumasok ni Virgo. Tinawagan ko si Libra para pababain sila ngunit wala si Taurus.

Nasaan kaya siya?

Mukhang marami siyang pinagkakaabalahan. "Kayo na ba?" tanong ni Pisces kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi!" agad na sagot ko.

"E, bakit mag a-out of the country kayo?" Tumaas ang isang kilay niya at ganoon din si Grace.

I rolled my eyes. Why are they asking too much questions? We just want to inform them but it looks like we're asking for their permissions. "Mag out of the country din kayo. Kanya-kanyang trip lang 'yan," inis na sabi ko.

"We're running out of time. We need to go," seryosong sabi ni Virgo.

"Tss! Mag-iingat kayo," sabi ni Pisces.

"K. Ingat," maarteng sabi naman ni Libra.

Ganoon din ang sinabi ng iba pa. Sana kapag nakarating na kami sa New York ay makalimutan ko lahat ng problema ko. I have too much questions in my mind. Sino ang pumatay sa mga magulang ko? Bakit sila pinatay? May kasalanan ba sila? Kung meron, ano 'yon? Bakit pinatay si Gemini? Sino 'yung sinabi noon ni Pisces na may kailangang mamatay at may kailangang protektahan? Sino 'yung taong tinatago ni Taurus? Totoo bang may isa sa miyembro dito ang kasama sa pumatay sa mga magulang ko? Bakit parang busy si Taurus? Sino si Creed Del Fuego? At... siya ba talaga ang master mind sa pagpatay sa mga magulang ko?

Ang dami kong tanong at sana lahat ng tanong na 'yan ay makalimutan ko kapag nasa New York na kami. Kahit sa sandaling panahon lang gusto ko naman sumaya.

I leaned my back on my seat as I felt Virgo's hand on my hand. He held it and looked at me.

"Do you trust me?" he whispered.

Cerchio di Demoni (Del Fuego #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon