Sunod na pinasalamatan ko si mamay, at makakalimotan ko ba naman ang mga boarders namin? Haha. Tapos may kaunting speech pa akong dinagdag bago ako natapos.

"O kami namang dalawa ni bess!"
Si Nur.

"One...two...three, smile!"

"Isa pa."

"K...smile!"

"One more!"
Si Nur ulit at tinitigan lang siya ni Jake.
"Ano ba Jake isa pa sabi!"

"Ginawa niyo naman akong photograhper nito"
At napakamot nalang siya sa ulo bago kami kinuhanan ng letrato ni Nur.

"O si Darryl naman at si Bess!"

( O_O)

Gulat kong tinignan agad si Nur.
Naaninag ko rin si Mr.Demon kaya hindi nagtagal ay nagtama ang paningin namin, at pareho lang kaming pilit ang ngiti sa isa't-isa.

"Sige na bess wag kang KJ!"
Si Nur ulit at pilit na pinagtabi kaming dalawa ni Mr.Demon.

'Grabe naman maka-KJ 'to...'

"Okay one...two...Sandali magdikit naman kayo para namang magkagalit kayo sa isa't-isa niyan."
Sabi ni Jake na photograhper namin.

At tumabi pa nga ako ng kunti pa!
o sige na ako na! KJ ako diba? so ako na ang mag-aadjust nakakahiya naman sa photograhper namin. Baka isipin pang magkagalit kami so ako na, ayos lang naman sakin eh!

"Sunod ay kayo namang lima boys, ayan Devil group kayo eh..."
Si Nur ulit.

At aalis na sana ako ng parang may pumipigil sa'kin para hindi makalakad. Kaya pinilit ko ulit umalis kaso may pumipigil talaga!

"Bess alis na diyan, sila naman..."
Si Nur na sininyasan pa ako. Napatingin naman ang lima sa'kin.

"Mukhang nag-eenjoy yatang katabi ako."
Bumuntong-hininga ako at humarap kay Mr.Demon.

"Kung g-gusto mo isa pa..."

"O isa pa raw Ja---."

"Paano ako makakaalis eh pinipigilan mo 'ko."
Pilit ang pigil na inis kong sabi.
Ako pa daw talaga ang nag-eenjoy na katabi siya. Ha! Eh sino bang humawak sa damit ko para hindi ako makaalis?

"What?"
Si Mr.Demon.
"Paano naman kita pinipigilan?"

"Bitiwan mo kaya ako para sa ganun ay makaalis na ako."

"Hindi..."
At napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

'Talagang nang-iinis siya!'

"Hindi kita bibitawan dahil hindi naman talaga ako nakahawak sayo. Look!"
Sabi niya at pinakita pa ang dalawang kamay.

"Eh bakit hindi ako maka---."
Natigilan ako sa nakita ko.

*Lunok*

Napansin ko ring tumingin silang anim sa tinitignan ko ngayon.
Yung isang kilala kong bisita, natapakan niya ang damit ko. Bale nasa likoran namin siya at may kausap.

At dahan-dahan kong tinignan si Mr.Demon ngunit nakatingin na pala ito sa'kin ng nakangisi!

( >_<)

'Buwisit!'

"Tara dun muna tayo mare..."
Sabi nung kausap niya at umalis na nga sila.

"Edi sorry na! h-hindi ko naman alam noh..."
Sabi ko at nagtawanan naman sila. Kaso si Mr.Demon ganun parin mapang-asar na nakangiti sa'kin at naiinis ako dahil ang gwapo niya!

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now