Chapter 61 📖

14 5 2
                                    

Chapter Sixty-one: It's a Date

"Hayaan mo lang akong yakapin ka ng ganito..."

*Lunok!*

Hindi ako makapagsalita!

"Ang daya mo ah, hindi mo man lang ako pinuntahan...Inisip ko tuloy wala ka man lang pakealam sa'kin, alam mo bang masyado mo akong pinaasang pupunta ka?!
Mabuti pa si Colleen at naalala akong dalawin...Pero ayos lang, mahal naman kita eh."
Malambing paring sabi niya habang nakayakap parin sa'kin!
"Hhmm, ang sarap ng ganito...
Matagal kitang hindi nakita at nakasama kaya sobrang na-miss talaga kita."

'I miss you too...'
Sabi ko sa isipan ko dahil hindi ko kayang magsalita.
Masyadong hindi kapanipaniwalang yakap yakap ako ng isang Darryl Velasquez ngayon!

"Ang tagal nating hindi nagkita noh?Hhm apat na araw...Gusto tuloy kitang yakapin din ng apat na araw katagal----."

At mabilis akong kumiwalas sa pagkakayakap niya sa'kin.

"Wuy luhh siya! Anong apat na araw ka diyan? A-ang tagal ah!!"
Malakas na sabi ko at nag-pout naman siya.

'Ang cute, heheheh...'

"Ohh!!"

(O_O)

Muling nanlaki ang mga mata ko dahil niyakap niya ako!

"Hoy Mr.Demon baka may makakita sa'tin!"

"Tsss wag ka nang pumalag wala yan..."

"Ano?! At paano ka nakakasiguro ha? Parking lot 'to at marami ang makakakita saatin dito kaya---."

"Kaya tumahimik ka nalang."
Mabilis na sapaw niya sakin.
"Dahil kapag may makarinig sayo baka nga makita pa tayo...Kaya tumahimik ka nalang diyan at namnamin mo ang bawat sigundong kayakap mo ako."

"Wow ah..."
Mahinang sabi ko pa.

'Pero paano ba namnamin ang bawat sigundong kayakap ko siya? Wahhh ang harot!...Lord stop me please, stop me! Masyadong makalaglag panti ang kayakap ko ngayon...At ang bango pa buwisit!!!'

"Hindi mo na nga ako dinalaw nung na-confine ako hindi mo pa ako hahayaang yakapin ka ng ganito."

"Ibang klase karin kung magtampo noh?"
Sarkastikong tanong ko naman.
"Sorry na kasi, may emergency sa bahay kaya hindi ako nakapunta at kinabukasan naman biglang---."

"Alam ko na ang tungkol diyan, kung kaya't manahimik ka nalang dahil masyado kang maingay. Pwede bang kiligin kanalang diyan?"

"Sus...Hindi ko lang alam tsumatsansing kalang sa'kin."

"Ha!...A-ako ba talaga ang nananiyantsing ha?!"

"Wow...so sinasabi mong ako?"

"Syempre, ang swerte swerte mo nga eh ako pa ang nakayakap mo ng ganito ka tagal."

"Ang kapal naman talaga...Aish diyan ka na nga!"
Inis pang sabi ko at kakawala na sana ako sa pagkakayakap sa kanya ng bigla niya namang pinigilan ang kamay ko dahilan para hindi ako makaalis.
"Wuy ano ba..."

"Dito ka lang, ikaw naman nagtampo agad."

Nagtampo? baka nainis!
Sabihan ba naman akong nananiyansing eh sino ba 'tong may payakap-yakap pang nalalaman sa gitna ng parking lot! Hindi niya ba naisip na maraming taong CCTV ang nag-aaral dito sa school na to,
half-human half-CCTV. Kaya't dilikado kapag nahagip ka dahil hindi ka na nila lulubayan hanggang sa wala na silang makuha tungkol sayo. Lalo na saakin dahil nakakasama ko lagi ang DEVIL, ha! halos kalaban ko na ang buong school. At kapag nakita pa kaming magkayakap ngayon, ha! kalaban ko na ang buong pilipinas...

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now