Chapter 72 - SieMil?

Start from the beginning
                                    

"Kumain kana ba?" I asked.

Iniabot ko sa kanya ang panyo ko na agad naman nyang tinaggap.

Sandali akong napatitig sa kanya pag katapos nyang punansan ang luha nya.

Bakit ngayon ko lang napansin na ang ganda nya?

She's really beautiful.

"Oh gandang ganda?" She rolled her eyes one me.

Napa ubo pa'ko ng peke bago ng iwas ng tingin sa kanya.

"Ngayon ko lang napansin." I whispered.

"Emil." Tumingin ako sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko.

"I have something to tell you." Umayos sya ng upo kaya pati ako ay napaayos nalang din ng upo.

Napalunok ako ng makitang seryoso ang tingin nya sa'kin.

"Nakikita mo ba 'ko?" Gusto kong matawa sa tanong nyang 'yon pero napaka seryoso naman kasi nya kaya tumango ako.

"Of course." I answered.

"Kelan pa?"

Kahit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya ay sumagot nalang din ako ng nakakunot ang noo.

"Matagal na."

"Nakikita mo 'ko matagal na pero wala kang pakealam sa nararamdaman ko hindi ko alam kung manhid kaba talaga o wala kalamg talagang pakealam sa'kin."

What the fudge is she talking about?

"Emil gusto kita..." She signed loudly.

Hindi agad ako nakapag salita, bumuka ang bibig ko pero wala ding lumabas na salita.

I was shocked for the second time!

"Kahit alam kong wala ding mangyayari sa pag kaka gusto ko sa'yo." She added.

"Sa sobrang tagal ko ng may gusto sa'yo ngayon lang ako nag karoon ng lakas ng loob umamin."

Sya na ba?

"Kita mo naba ako ngayon?" She asked me.

Napalunok nalang ako, alam komg double meaning 'yon.

"Isang bwan Emil, hayaan mong umaligid ako sa'yo ngbisang bwan kapag natapos 'yin at wala parin titigil na'ko. Alam kong ayos na'ko kapag nangyari na'yon."

Is she serious?

I don't know what to say, I'm nervous.

Hindi agad ako nakapag salita, hinahanap ko pa ang tamang salita.

Nang sa wakas ay alam kona ang sasabihin kobay deretso ko syang tiningnan.

"Let me keep you." Mahinang sabi ko.

Bakit nga ba ngayon ko lang sya napansin?

"Let's try." I held her hand.

"Baka mag work?" Mahina akong tumawa, pabato nya namang binitawan ang kamay ko.

"Mag kakaibigan nga talaga kayo nila Gino no? Pare parehas kayong malandi, broken ka kaya ngayon." Mataray na sabi nya.

"Pero paano kapag hindi nag work?" She  asked.

I shrugged. "Edi wala tayong sweldo." Sagot ko at tumawa ng malakas.

"Gago ka talaga! Broken ka nyan! Ang landi mo agad!" Hinampas nya pa ako ng panyo ko.

"Gusto ko lang si Kiesha okay? At masaya na'ko na masaya sya kay Dwayne. Alam ko din naman na hanggang doon nalang ako at hinding hindi ako mananalo. Nasasaktan lang ako, unti." Tumawa ulit ako.

Maya maya ay parehas kaming natigilan. Narinig ko na naman syang nag buntong hininga.

"Ayaw mo namang masaktan ako right? Please lang sabihin mo kung totoo o hindi ang sinabi mo kanina." Nakikiusap na sabi nya.

"Totoo 'yon. Let's try." Mabilis na sabi ko.

I don't know pero ayokong baliwalain lang 'to alam kong hindi ito mauuwi lang sa wala lalo pa't nalaman kong matagal na nya akong gusto, gusto ko din subukan.

Pakiramdam ko sobrang laking pag kakamali kapag binalewala ko'to, kapag hinayaan ko syang gustuhin lamg ako at wala akong gawin.

Kilala ko si Sierra, she's so kind, kapag kailangan mo ng makakausap lagi syang nandyan, hindi ka nya pababayaan napaka maalalahanin.

Pero bakit ngayon lang sumagi sa isip ko 'yon?

"Emil." I looked at her.

She smiled, widely.

"I will make you fall."  Kinagat nya ang ibabang labi bago tumawa.

Napailing nalang ako habang nakangiti.

Yes she's Sierra.

Hindi ko sasayangin ang nararamdaman nya sa'kin.










Stay safe and healthy bbs!

Mag babasa po ako ng comment soo comment your thoughts! 😁)
















Stupidly In Love ✔️Where stories live. Discover now