to me.

1.8K 176 25
                                    



Kinaumagahan ay masayang tinahak ni Amadea ang daan papunta sa trabaho. Sumaglit muna siya sa tabi ng daan pero nang mapansin na wala ang mga asong pagala-gala ay inisip niya agad na napakain na sila ni Luntian.

Kinumbinsi niya kasi ang huli na agahan nila ngayong araw dahil sa Cavite pa ang pupuntahan nila para sa susunod na proyekto.


When she arrived at her office, she instantly asked her Secretary if Lian is already there.

"Wala pa po Ma'am, may number po ba kayo para po matawagan ko siya?"


"No..." Nag-alala bigla si Amadea. "She doesn't have a phone." Sagot nito sa mahinang boses.


Kahit kakarating lang sa opisina ay naisipan nitong pumunta sa Esperanza's upang tanungin ang Ginang kung tumungo ba roon ang dilag.


"Naghintay nga ako eh kasi araw-araw 'yon nag-aalmusal dito pero nakapagtataka dahil hindi siya sumipot." Paliwanag nito.


Hindi maintindihan ni Amadea kung saan nanggaling ang kaba niya.

"Bukod po dito, sa tingin niyo po saan pa siya posibleng pumunta?"


Napaisip muna ang Ginang bago sumagot.

"Nagbebenta rin kasi iyon ng paintings sa BGC pero sabi niya sakin nung huli kaming nagkausap, naibenta na niya iyon lahat kaya malamang wala na siya doon." Muli itong napaisip.

"Ah! Alam ko na! May kaibigan iyon na babae, nakalimutan ko lang ang pangalan pero kakilala iyon ng anak ko, teka lang at tatanungin ko."


Naghintay si Amadea ng ilang minuto bago ibinigay ng Ginang ang pangalan at address ng kaibigan. Walang anu-ano'y napag-desisyunan nito na i-kansela ang meeting sa Cavite para hanapin ang dilag.

Malakas ang kutob niyang may hindi magandang nangyari.


Kahit pa sinabi ng Ginang na wala na ito sa BGC ay naisipan niya pa ring pumunta para masigurado kung naroon ba ang dilag. To her disappointment, Luntian is not there even if she waited for almost half an hour.



Amadea decided to look for Lian at the side of the road. Nagbaka-sakali rin siya na baka sumaglit ang huli para mapakain ang tatlong aso.

Ngunit halos isang oras na ay hindi pa rin nagpapakita ang dilag. Sa halip, napuna niya ang presensya ng lalake na naka-uniporme at doon niya nalaman na isa itong barangay tanod.


Bumaba siya ng sasakyan at linapitan ang Ginoo.

"Excuse me, itatanong ko lang po kung may nakita kayong babae dito?"

Amadea showed him the picture of Lian that she took.


"Yan ang babaeng pipi. Sinita namin 'yan kahapon kasi nagdadala ng pagkain, kaya dumadami na naman ang mga galang aso dito."


Napakunot-noo si Amadea.

"Bakit niyo sinita?" Hindi man niya ginusto ay lumabas pa rin ang iritasyon sa boses niya.

The Whispers of Something FamiliarWhere stories live. Discover now