CHAPTER 18 - I'm So Sick

Magsimula sa umpisa
                                    

“Lasang itlog. Parang scrambled eggs. Ilang itlog ba nilagay mo dito, bata ka?” napakunot-noo naman ako sa tanong niya.

“Apat, Ya. Mas masarap kapag madaming diba?”


“Ay, kaya naman pala eh. Ang daming itlog, kulang naman sa harina.”

Tsk. I thought mas malasa kapag dinamihan ko eh. Kainis.

“Yaya naman eh. Sabi mo nag-improve--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng mag-ring ang phone ng intercom namin. Mabilis na sinagot iyon ni Yaya. Ako naman, ayun at nilagay na sa plato ang mga reject kong pancakes. Mukhang mapapalaban na naman ang mga sikmura ng mga gwardiya namin ngayon. Hindi ko na din sinubukang tikman pa.

“Oh, sige papasukin mo na siya.” Narinig kong sabi ni Yaya. Hinintay kong ibaba niya ang phone bago ko siya tinanong kung sino ang tinutukoy niya.

“Si Chase daw ay andiyan sa labas."

 

Aba, himala.

 

Nakaradam agad ako ng something nang narinig ko yung sinabi ni Yaya. Excitement bordering to .. happiness? or maybe the other way around.

S-siyempre. Matuturuan niya na din ako ulit. Sayang ang bayad ni Daddy kung hindi niya naman magampanan ng maayos ang tungkulin niya. Yep, that’s it. It’s not because I’ve been wanting to see her or anything. Nope.

 

Naghugas na ako ng mga kamay tsaka patakbong pumunta sa pinto. Pero bago ko pa siya tuluyang papasukin, sumilip muna ako sa peep hole. Kumunot ang noo ko nung nakita ko siya.


“Hi, Andy.” bati niya sa akin pag bukas ko ng pintuan.


“Hello. Bakit ganyan itsura mo?” nakataas kilay ko namang tanong sa kanya.

Paano kasi, naka-hoodie siya ngayon eh tirik na tirik ang araw. Tapos naka surgical mask. Para tuloy siyang miyembro ng isang sindikato.


“Nilalamig kasi ako. Tsaka inuubo din. Ayoko naman makahawa ng iba.”


“Ah, okay.” sabi ko nalang tapos pinapasok ko na siya. “Bakit ka pala andito?” tanong ko kaagad pag-kasara ko ng pinto. Nakakainis kasi yung get-up niya eh, nadistract ako. Dapat pag-tataray ang ibubungad ko sa kanya kanina.

“Ngayon sana kita i-tutor. Kung okay lang? Wala ka bang lakad ngayon?”


“Anong parte ng MWF ang hindi mo ma-gets? Saturday ngayon, wala tayong schedule. Mamaya niyan hawahan mo pa ako ng sakit mo eh.” mataray kong sabi sa kanya. Paimportante masyado eh. Hindi siya sisipot sa schedule tapos ngayon aabalahin niya ako sa rest day ko. Wow. Ako pa mag aadjust.

“Sorry naman. Nagkasakit kasi ako eh. Nag-hintay ka ba sa akin nung Wednesday? Sorry hindi kita nasabihan."


Yeah, right.


“H-hindi no. Bakit naman kita hihintayin. Ang saya ko nga kasi wala ka eh. Anyway, uso mag-text. Try mo din next time.” sabi ko pa sabay irap sa kanya.

Hinintay.. Tsk. Oo hinintay ko siyang bwisit siya! Isang oras din akong nag mukhang tanga sa parking lot.

“Sorry. Waka kasi akong load eh.”

“Try mong ibenta yang phone mo para may pang-load ka.” Bumili pa siya ng cellphone, useless naman. Bwisit!

“Wala lang akong load. Hindi ko sinabi na wala akong pang-load. Hindi kasi ako mahilig mag-text.”


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon