Tinanguan siya nito bago umalis. Muli ay sila na naman ni Roxanne ang naiwan. Tahimik siyang umupo at pinagmasdan lang ang dalaga.

"Matamlay ba ako?"

Natigilan siya sandali. "Y-Yes."

Napabuntong hininga si Roxanne. Mula sa pagkakasandal sa kinauupuan at bumangon ito at sumeryoso ang mukha na tumingin sa kanya.

"I still don't want you in my life if I am perfectly being honest."

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Para bang kutsilyo ang mga salitang binitawan nito.

"It's not that I don't love you anymore. It's just that, hindi uubra sa akin ang salitang 'marupok'. I love you and I am not mad at you anymore. Marami akong narealize matapos ang usapan namin ng babaeng 'yon. Kaya naman bago mo pa malaman sa iba, mabuti pang sa akin na manggaling. I hate keeping secrets, you know."

Napatungo siya.

"I am pregnant."

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa dalaga. Ang kanyang mga mata ay nanlaki at umawang ang kanyang labi.

Hindi siya makapaniwala. Klaro ang mga sinabi ni Roxanne at paulit-ulit iyong umugong sa kanyang pandinig, pero gusto muli niya iyong marinig.

"P-Pakiulit nga ang sinabi mo."

Ingos ang naging pagbuntong hininga ni Roxanne. "Buntis ako."

Kakaibang galak iyon sa puso niya. Nawala ang kirot na naramdaman niya at ang kasiyahan ay nag-uumapay sa kanyang damdamin. Gusto niyang tumalon sa tuwa.

"W-Wow."

"Wow lang?" Kunot noong tanong ni Roxanne.

"I.. I am happy. Gusto kitang yakapin at halikan sa tuwa pero.. alam ko naman na hindi mo ako hahayaan."

"Buti alam mo."

"I am happy Roxanne."

"Me too."

"I love you."

"I lo-love mo mukha mo!" Humalukipkip ito at nag-iwas ng tingin. Pinag-krus nito ang kamay.

Siya naman ay hindi mawala ang ngiti sa labi habang nakatingin sa dalaga.

"I love you both."

Ang kaninang matapang na tingin ni Roxanne ay nawala. Malamlam itong bumaling sa kanya.

Bago pa man ito makapagsalita ay isang tao na ang tumawag sa kanilang atensyon.

Sabay silang bumaling sa entrata ng pumasok ang Lolo ni Roxanne. Ang mga mata nito ay sa kanila napako.

Naging matamis ang ngiti nito sa kanila. "I see you two are together."

Tumayo si Roxanne upang salubungin ang Lolo. Humalik ito sa pisngi ng matanda. "For now."

"Don't be harsh on him, Roxie."

"I am not. Ang bait bait ko nga e. Hinayaan kong sumama siya sa dinner."

Mahinang natawa ang matanda. Naglakad ito palapit sa kanya. "I bet you already knew why you're here."

"Y-Yes, sir." Nakangiting bumaling siya kay Roxanne na umalis naman upang bigyan sila ng pribadong pag-uusap.

Umupo ito sa pang-isahang sofa na katabi niya. "You take good care of my apo, alright?"

"S-Sir?" Naguguluhang aniya.

Kumindat ang matanda. "I know youngster nowadays doesn't believe in shotgun marriage. Alam ko naman kahit hindi kita pilitin ay papayag. I just have to do it because I know Roxanne."

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now