Chapter 19

7.3K 342 20
                                    

Chapter 19

HINDI na mapakali ang isip ni Roxanne at ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila ni Lucien. Kahit pa abala ito sa pag-entertain kay Ashton ay alam niyang pinakikiramdaman siya nito.

May kung ano sa binata ang bigla niyang ikinabahala. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang kasalanan.

Kung alam lang niya na isa ang bar na pinagta-trabahuan ni Lucien na naimbitahan ay hindi nalang siya pumunta.

Ngunit may kung ano naman sa puso niya ang nagpapasalamat na nakita niya ito.

Si Lucien ay nakasuot ng white long sleeve na may maliit na bowtie sa collar nito. Sobrang disente rin nitong tingin sa suot at napakaayos ng buhok. Kung wala lang ito sa stall ay mapagkakamalan itong isa sa VIP.

Wala sa sariling napatitig siya kay Lucien na abala namang kausap si Ashton.

Alam naman niya na gwapo ito, ngunit sinong mag-aakalang lalamangan pa nito ang inaasahan niya. Simple man ay napakalakas ng dating ni Lucien.

Pareho lang ang taas nito kay Ashton. Mas malaki nga lang ang katawan ni Ashton ngunit mas matipuno naman si Lucien. Gusto niya sa lalaki ay iyong may kaunting balbas sa panga, may morenong kulay at may malalim na ekspresyon sa mga mata.

Noon lang rin niya napansin ang itim nitong mata, makapal ngunit pantay na kilay, matangos na ilong at mapulang labi.

Bumaba ang tingin niya sa lantad nitong adams apple at hindi niya naiwasang mapalunok nang makita ang paglunok nito.

"Roxanne?"

Napukaw siya at mabilis na bumaling kay Ashton. "Y-Yes?"

"I am asking you if you want to give them a go?"

"F-For what?" Nautal siya.

"Para sa top floor party?"

"Ahh. S-Sure, why n-not?"

"But I am a bit dissappointed with the lack of information to this wine." Kinuha nito ang isa sa wine.

Ang wine na iyon ay isa sa mga produktong pino-promote ni Everest sa pilipinas. Gawa iyon ng kompanyang hinahawakan rin ng pamilya nila at kung suswertihen ay mapupunta kay Everest.

Si Ashton ay may kapatid na kaibigan ni Everest. Isa iyon sa mga top investors ni Everest pagdating sa wine industry. Si Ashton naman ay mahilig mangulekta ng mga wine kaya naman alam nito ang bawat wine.

Pakiramdam niya ay iniinsulto nito si Lucien.

"Pasensya na ho sir, masyado ho kaming busy kaya hindi kami nagkaroon ng oras para i-familiarize ang mga wine na binibili namin."

"Alam mo ba kung paano maghalo ng cocktail?"

"We don't do that, sir?"

"What kind of bar are you?" Bakas sa tono ni Ashton ang pang-iinsulto.

"Just an ordinary bar, sir."

Sarkastikong natawa si Ashton. Siya naman ay lumapit rito upang awatin.

Hinatak niya ang siko ni Ashton. "Can you please stop?"

"What? I was just talking to him."

"You don't have to be rude, Ashton. Stop being an asshole."

"Why?" Nanghahamong tanong nito. "It's seems like you are not yourself tonight. What is the matter, sweetheart?" Kinuha ni Ashton ang bewang niya saka hinapit palapit rito.

Napasinghap naman siya sa ginawa ng binata at pilit na inaagaw ang sarili. Ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang bewang.

Bumaling siya kay Lucien na sa kamay ni Ashton na nakatingin. Kita niya ang hindi maipaliwanag na emosyon rito at ang pag-galaw ng panga.

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now