“Daddy...”  Sarah sobbed ng makita ang anyo ng ama. Hindi niya maipaliwanag ang lungkot sa mukha nito.

“Anak..”  Says her dad. Tears in his eyes. “It’s time..." He choked. "Magpaalam ka na kay mommy.”

“No! Dad, no!” Sarah cried. She went inside the ICU at doon nakita nya ang pagaagaw buhay ng ina. She held her mom’s hand.

“Mommy, please hang on….. Don’t die on me please…  I love you Mom… I’m sorry..”  At tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kaniyang luha. Halos hindi na niya ito nakikita.

“Ma’am sa labas na lang po kayo."  Ang nurse, pushing her on the door. Pilit siyang pinalalabas. “Makakakais--."

“No! Dito lang ako.”  Tanggi niya at inalis ang kamay ng nurse sa kaniyang braso. Hindi siya napilit lumabas ng nurse. Her mother is about to die at gusto niya na kahit anong mangyari ay nasa tabi siya nito.

Naalala niya ang text nito before the accident. Nagkatampuhan sila bago siya umalis ng bahay at ng makarating siya sa school ay nakatanggap ng text mula dito saying, “ Sorry and I love you." Pero dahil nagtatampo pa rin ay hindi siya nagabalang magreply. At lalong tumulo ang walang katapusang luha mula sa kaniyang mga mata.

Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari, kahit isigaw niya buong araw na mahal na mahal niya ito ay gagawin niya.

But it’s too late now dahil unti-unti humihina ang paghinga nito at ang heart beat na makikita sa monitor habang pilit itong isinasalba ng mga doktor, pumapalagpalag ang katawan sa paghihingalo at kitang-kita niya kung paano ito binawian ng buhay. Ang malungkot na eksena na hindi nya malilimutan.

She actually dreamed of her mother’s death one month before  the accident. In her dream, she was also dreaming. Nanlagas daw lahat ng kaniyang ngipin at nagising lang siya sa tunog ng kanyang cell phone.

She answered the phone, her father on the other line saying her mother died two days ago. Natulala siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala.

Tinanong pa niya ang kaniyang sarili kung totoo ba ang sinabi ng ama.

Two days. Two days ng patay ang mommy niya pero bakit noon lamang ipinaalam ng daddy niya iyon sa kaniya.

Then she wakes up. Hindi siya agad nakabangon.  Iniisip kong totoo ang nangyari.

“No. It was just a dream” Kalma niya sa sarili.

After a week she dreamed of her mother again.

Naglalakad daw silang mag-anak sa hardin na napapaligiran ng mga bulaklak. Masaya silang nagtatawanan ng bigla tumahimik ang ina. 

“Alam mo bang lalo kang gumaganda anak." Her mother told her that made her laughed.

"Hindi ba at ganoon naman ang palaging sinasabi ng mga mommy sa anak nilang babae," Ang sabi niya at nginitian ang ina.

Emilia ignored what she said and softly caressed her Face. “Huwag mong pababayaan ang iyong daddy." Emilia continued and turned her gaze to her husband.

“Dad, please take care of our princess." And Miguel only nodded for an answer.  She never knew why but a tear fall from her eyes.

“Don’t cry, my princess." Pinahid nito ang luha sa kaniyang pisngi, pagkatapos ay inabot ang kaniyang kamay habang hawak naman sa isa nito ang kamay ng kaniyang daddy. May mga panahon na kailangan talaga nating magpaalam pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na kayo mahal ni daddy”.

Sarah shook her head. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng ina.

“Mahal na mahal kita anak,” Ang sabi nito bago muling ibinaling ang paningin kay Miguel. "At ikaw din daddy." Patuloy nito. Hindi siya nagsalita pa at niyakap ng mahigpit ang kanyang mommy ganon din ang daddy niya.

At ng binawian ng buhay ang mommy niya ay doon lamang niya na realized kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang panaginip.

Sarah closed her eyes tigthly, kasabay noon ang pagdaloy ng luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya gustong umiyak pero pinanghihinaan na siya ng loob.

Ilang araw na ang daddy niya sa ospital, at nauubos na ang naitabi niyang pera. Pati ang perang panggastos para maituloy ang chemotheraphy nito ay pinoproblema niya. At ngayon nga ay wala pa siyang trabaho. And anytime ay puwede silang palayasin sa bahay nila.

Isang linggo lamang ang palugit ng bangko mula ng matanggap niya ang sulat ng mga ito na katibayan na nailit na ang pagkakansanla ng kanilang bahay at lupa.

She inhaled deeply and reopened her eyes, at nasurpresa siya ng biglang may magabot ng panyo sa kaniya.  At mas lalo siyang nasurpresa ng malingunan kung sino ang may-ari ng panyo.

Why he's here?  Hindi ba ito umalis pagkahatid sa kaniya?

Sarah suddenly felt guilty. Gerald offer her a ride pero nakalimutan na niya ito at hindi man lamang siya nakapagpasalamat.

Gerald sat beside her and started to wipe her tears when she didn’t accept the handkerchief. She moved away when she felt the back of his hand slightly touched her cheek.

Nandoon na naman ang damdamin na hindi niya maipaliwanag sa tuwing nagkakalapit sila, at kahit ang tila kuryente na naglandas sa katawan niya sa tuwing magkakadikit ang kanilang balat.

She glanced up to see his face only to  find him staring at her. His gaze was intent. At hindi niya kayang basahin ko ano ang iniisip nito.

Gerald study her face for a moment before he stood up and extended his hand for her to take but Sarah only looked at him with questioning eyes.

“Hindi ako kumain kagabi at sigurado ako na ganoon ka din. We miss breakfast and it's almost lunch. So," He smiled, "puwede mo ba akong sabayang maglunch."

Gusto sanang tumanggi ni Sarah, nalilito siya sa pagiging friendly ng dating boss. Pero ng makita ni Gerald ang pagaalinlangan niya ay bigla nitong inabot ang kaniyang kamay at hinila siya patayo kaya hindi na niya naisantinig ang pagtanggi.

"Huwag mong paglaruan ang pagkain," Puna ni Gerald ng mapansin na tinutusok tusok lamang niya ng tinidor ang pagkaing inorder nito. Nasa loob sila ng restaurant na hindi kalayuan sa ospital kung saan naka-confine ang kaniyang daddy.

Ibinaba ni Sarah ang tinidor, "Hindi naman ako nagugutom," She sighed at sa tinatamad na kilos ay sumandal sa upuan. Totoong hindi siya nakakaramdam ng gutom pero pakiramdam niya ay nanghihina ang kaniyang katawan.

Umiling iling ang binata na parang hindi kumbinsido sa sinabi niya. Tumayo ito mula sa kinauupuan at nagulat siya ng bigla itong tumabi sa kaniya, at bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay nakaumang na sa bibig niya ang isang slice na pizza na pilit isinusubo sa kaniyang bibig.

Umiling si Sarah at bahagyang umusod palayo kay Gerald, "Hin - di mo na ako kailangan subuan, kaya kung kumain mag-isa," At para patunayan ang sinabi ay muling hinawakan ang tinidor at sa natatarantang kilos ay sumubo ng spaghetti na kanina ay pinagpalaruan lang niya.

Hanggang namalayan na lamang ni Sarah na naubos niya lahat ang inorder na pagkain na ikinatawa ni Gerald.

Matapos kumain ay muli siyang inihatid ni Gerald sa ospital bago ito nagpaalam. May kailangan daw itong asikasuhin.

Hindi man lamang ito nagabalang itanong kung bakit siya umiiyak ng makita siya nito kanina. At kung sino ang dinalaw niya sa ospital. At hindi man niya aminin ay nakadama siya ng lungkot habang tinatanaw ang pagalis ng binata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallin' (Edited version of Can't Help Fallin')Where stories live. Discover now