Chapter 3

550 26 10
                                        

After taking a quick shower and changed into her own clothes, Sarah sat down on the bed, expecting Gerald to show up any minute. Siguro naman sa ilang minutong itinagal niya sa banyo ay naisip nito na tapos na siyang maligo at babalikan siya nito kwarto dahil wala naman siyang alam sa pasikot sikot sa bahay nito.

She waited for five minutes, and another five minutes pero may kalahating oras na yata siyang nakaupo sa kama  ay hindi pa rin sumusulpot si Gerald, tila yata nakalimutan na nito ang tungkol sa kaniya. Pati ang matandang kasambahay nito na naghatid ng damit niya ay hindi na rin siya binalikan.

Sarah sighed. Tumayo sa kama at lumabas ng kwarto at nagpasyang hanapin na lamang si Gerald kaysa hintayin ito, kahit ba pakiramdam niya ay mawawala siya sa malaki at magara nitong bahay.

Laking pasalamat na lamang niya ng matanawan ang isang batang katulong habang pababa siya ng hagdan at itinuro nito ang direksiyon papuntang swimming pool kung saan nandoon si Gerald na kasalukuyan daw siyang hinihintay para sa almusal.

Malayo pa lamang si Sarah ay naririnig na niya ang malakas na halakhak ni Gerald na nakapagpakunot ng kaniyang noo.

Kailan pa natutong tumawa ang kaniyang boss?

Correction ex boss. Ang sigaw ng kabilang bahagi ng utak niya.

Boss or ex boss ay hindi na mahalaga, dahil for the first time ay narinig niya itong tumawa. At hindi lamang basta tawa. Si Gerald na palaging seryoso ay humahalakhak na para bang ito ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Sino kaya ang kausap nito na dahilan ng kasiyahan ng dating boss?

Binagalan ni Sarah ang paglakad at maingat na itinulak ang glass sliding door na bahagya ng nakabukas.

Ilang hakbang ang ginawa niya mula sa pinto bago kumaliwa bago niya natanawan si Gerald na nakatayo sa may gilid ng pool. Nakatalikod ito sa kaniya at kasalukuyang abala sa pakikipagtawanan sa kung sinuman ang kausap nito sa cell phone.

Hindi ugali ni Sarah ang makinig ng usapan ng iba kaya bigla siyang tumalikod. Mabuti siguro na umalis na lamang siya at huwag ng kausapin pa si Gerald at ipagbilin na lamang sa kasambahay na natanawan niya kanina ang pasasalamat sa binata sa ginawa nitong pagtulong sa kaniya kagabi.

Pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay muli siyang natigilan ng marinig itong magsalita.

“Ok, sweetie," Gerald said sweetly.

Sweetie? At bakit tila naman yata napakalambing ng boses ng boss - ex boss niya?

Alam ni Sarah na dapat na siyang umalis bago pa man maramdaman ni Gerald ang presensiya niya pero nanaig ang kaniyang curiousity at humarap muli sa nakatalikod na si Gerald at ipinagpatuloy ang pakikinig sa pakikipagusap nito sa phone.

“I’ll visit you when I have time," Gerald continued, "Uh- hah, and, sweetie, don’t get yourself tired," he added and Sarah could almost see the smile on his face. At base sa tono ng boses nito ay hindi malayo na girlfriend nito ang kausap sa telepono.

Girlfriend? Sarah asked herself. Nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa likuran ng binata.

May girlfriend na si Gerald. Was that the reason why he turn down her proposal?

“Yes, sweetie.” Ang patuloy nitong pakikipagusap sa telepono na lalo pang pinalambing ang boses. I love you, too."

I Love You, Too!

Tama girlfriend nga ng boss ang kausap nito. Why it didn't cross her mind?

Pero paano nga ba niya maiisip iyon gayong sa loob ng tatlong buwan na nagtrabaho siya bilang sekretarya ni Gerald ay wala kahit isa man lamang na tumawag na babae at nagpakilalang girlfriend nito. O baka naman hindi na kailangan idaan pa sa kanya ang tawag at sa mismong private number na lamang ni Gerald ito tumatawag.

At bakit parang may konting lungkot na bumalot sa puso niya sa kaalaman na baka nga may girlfriend na ang binata?

“Are you okay?” Gerald asked habang iwinawagayway ang kamay sa harap ng mukha ni Sarah na nakatitig sa kawalan at pumutol sa kaniyang pagiisip.

Hindi rin niya naitago ang bahagyang pagkagulat dahil hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya ito.

Paanong nangyari iyon samantalang kanina lamang ay titig na titig siya dito?

"Of - course," She answered quickly, "And gusto ko palang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kagabi."

"It's nothing," Gerald shrugged, "You were drunk at nagkataon na ako ang nakakita sa'yo. So no big deal."

"Umh, okay. Pero thank you pa rin," She said and looked away. She suddenly felt self- conscious sa ginagawang pagtitig ni Gerald sa mukha niya.

"Umh, I need to go. Thank you again," She said and turned around but Gerald grabbed her wrist before she can move away from him.

"Wait!"

Sarah gasped. Tila milyong milyong boltahe ng kuryente ang nanuot sa kaniyang ugat dahil sa hawak na iyon.

Bigla siyang napatitig kay Gerald. Nanlalaki ang mga mata at ito man ay ganoon din at bigla binitawan ang kaniyang braso.

Did he felt it too?

Sarah had no idea how long they stared at each other o kung kailan nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya because she felt her brain momentarily shut down as she stared at him.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na napagmasdan niyang mabuti ang mukha nito.

Alam niyang guwapo si Gerald. Hindi niya itatanggi iyon, pero hindi pa niya naranasan lumundag ang puso niya kapag tinitingnan niya ito kagaya ngayon.

At tila siya nahihipnotismo sa mga mata nito na titig na titig sa kaniya.

Gerald recovered first and cleared his throat. "Why don't you join me for breakfast bago ka umalis."

Lumakad ito patungo sa may lamesang bakal hindi kalayuan sa pool at humila ng silya bago naupo.

"Come on, let’s eat," Anyaya nito ng makitang nanatiling nakatayo lamang si Sarah at titig na titig pa rin kay Gerald. "Sige na, maupo ka na dito bago pa lumamig ang pagkain.” He smiled and motioned for her to sit down.

Na lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso niya.

What's happening to her? Bakit sa simpleng ngiti lamang ni Gerald ay nagwawala ang puso niya?

Sarah shook the unwanted feelings that starting to bother her. Hindi niya kailangan iyon ngayon.

“No, thank you na lang, but I have to go. Kagabi pa ako hindi umuuwi at alam ko nag-aalala na ang mga tao sa bahay." She lied. Sino bang magaalala sa kanya, she should be the one worying since she hadn't seen her father in two days.

Gerald openened his mouth to speak but Sarah's phone went off.

“Hello..” Paused “What ha-ppen?" Sarah's voice cracked and Gerald furrowed his brows seeing how tense she is. “Pupunta na po ako, yaya. Please bantayan nyo si Daddy." Sarah ended the call and immediately ran out of the house.

She was already out when Gerald stop her and caught her arm. At muli ay naramdaman ni Sarah ang tila kuryente na dumaloy sa ugat niya sa muling pagkakadikit ng kanilang balat na pilit niyang inignora.

"What happened? bakit ka nagmamadali?" Nangungunot ang noo na tanong ni Gerald.

"I'm sorry, pero wala akong time magpaliwanag." She replied in a shaky voice, "Kailangan kung pumunta sa ospital and can you please call me a taxi--,

"No need, I'll drive you to the hospital"

Fallin' (Edited version of Can't Help Fallin')Where stories live. Discover now