***
Bakit kailangan pang magbago, kung maari parin namang panatilihin ang isang bagay sa kung ano ito sa kasalukuyan,,,
Bakit kailangan pang masaktan, kung maari parin namang piliin ang maging masaya at takasan ang pagluha,,,
Bakit kailangan pang mawala ng isang bagay bago natin malaman ang halaga nito sa buhay ng isang tao,,,
At
Bakit kailangan pang umibig kung alam lang din naman natin na sakit lang ang maaaring e dulot nito sa bawat pusong nagmamahal.
****
Kasalukuyan akung nagbabasa ng libro habang pinapakinggan ang bawat pag patak ng ulan sa bubong ng aking silid, naririnig ko ang bawat pagpatak nito dahil mas pinili kong buksan ang bintana upang mas mapakinggan ko kung paano ito nakikiramay sa kalungkutan ng takbo ng kwento na aking binabasa, tinignan ko ang oras sa gilid ng aking lamesa.
12:15 am
Hindi ko napansin na mahabang oras na pala ang aking naegugul sa pagbabasa, buti nalang at walang pasok bukas, nakakalungkot kasi talaga ang story na aking binabasa, hindi ko na namalayan ang oras, lalo na at ang sarap lang pakinggan ng ulan habang nagbabasa ako, naisipan kong bumaba sa kusina at mag timpla ng gatas para matulungan din ako nito na makatulog.
Pababa na ako sa kusina ng may marinig akong ingay na nanggagaling sa kabilang silid, ang silid kung saan ko huling nakasama ang taong sanhi ngayon ng aking kalungkutan.
Dahan dahan ang naging hakbang na aking ginawa papunta sa silid na pinanggagalingan ng ingay.
Kinakabahan man ay hindi ako maaaring tumalikod sa pintuan na kasalukuyan ko ng pinipihit ng dahan dahan dahil maaring nagbalik na siya
maaaring binalikan nya na ako at naisipan nya ng mali ang ginawa nyang pag lisan sa akin.
Habang pinipihit ang siradura ng pintuan ay kumakabog din ang dibdib ko ng napakalakas na maaari ko ng e halintulad sa lakas ng ulan sa labas.
Paano nga kung nagbalik na siya, ano ang gagawin ko.
Ng tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan ay ganun nalang ang gulat na gumuhit sa mukha ko at ng taong nasa loob ng silid, gulat siyang napatingin sa akin, nakasuot siya ng itim na damit sa buong katawan at maging ang kanyang sumbrero ay kulay itim.
Nang akma ko siyang lalapitan ay tumalon na siya sa bintana at ng silipin ko siya ay patakbo siyang umakyat sa gate ng bahay ko, ng bahay namin.
Tinignan ko ang mga gamit dito sa silid natu at namalayan ko nalang na nawawala ang ilan sa mga gamit ko
mabilis kong hinalungkat ang drawer na pinaglagyan ko ng mga dati kong alahas.
Ang kwentas na ibinigay ng asawa ko ay nawawala din
Hindi maaari!.
Kailangan maibalik ang kwentas na yun sa akin, ang tanging masayang alaala na naiwan sakin ng asawa ko ay wala na, iyon ang huling bagay na ibinigay nya sa akin na may puwang pa ako sa puso nya bago humantong sa ganito ang lahat.
Akala ko nagbalik siya
akala ko binalikan nya ako at pinagsisihan ang pag iwan sa akin ngunit mali dahil ninakawan na pala ako.
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko habang inaalala ang mga pangyayari bago siya umalis sa buhay ko.
***
BINABASA MO ANG
Freed
General FictionKung maaari lang akong humiling ng isang bagay na may kasiguraduhan na matutupad, hihilingin ko na sana walang magbago sa kung anong meron kami sa kasalukuyan.
