CHAPTER 12 (Seducing the Billionaire)

Start from the beginning
                                    

Bumalik na ko sa taas para ipakain ang niluto ko.

"Knight, kumain ka ulit para gumanda pakiramdam mo. Ang init mo lalo eh. Pinagluto kita ng lugaw" nakangiting saad ko dito

"No. I wont eat that" mahinang saad nito.

Anong I wont eat that, I wont eat that?!

Ano akala niya hahayaan kong baliwalain niya effort ko? Aba natalsikan ako ng mantika!

"Sige na knight, tatlong subo lang huh? Say ahh" nakangiting saad ko dito.

" Nope, get out" saas nito at nagtalukbong ng kumot.

Ahh ganon!

Inalis ko ang kumot sa mukha niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya para bumuka ang bunganga niya.

At dahil hinang hina siya ay wala na siyang nagawa

"I'm sorry sir knight pero kailangan mong kainin ito" saad ko at sinubuan siya ng lugaw .

Umubo naman ito, bumara ata sa lalamunan ung bigas.

Kasi naman ang kulit eh, ayan tuloy nasamid kapa.

Dali dali ko itong pinainom ng tubig at pilit na isinubo lahat ng lugaw para maubos na niya.

Maya maya ay sumuka nalang ito bigla.

"wahhh!! Bakit mo sinuka?!" inis na saad ko

aishh!! Kainiss!

"Sayang tuloy! Nag aaksaya ka ng bigas nako baka wala ka ng makain next time! " saad ko at inalis ang lalagyanan.

"Ang dugyot mona ohh!! " saad ko at OK nalis ang kumot.

" Ang baho pa, shems! Hala maligo kana don!! Nangangamoy kana!! " saad ko at inalalayan ito papuntang CR.

Ang baho na niya promise, may bigas bigas pa.

Inalalayan ko siya sa bathtub.

"Uyy, wag ka matulog maligo ka muna. Ilalapag ko nalang ang bathrobe mo dito ahh. Wag kang lag expect na liliguan kita dahil hindi pa ko ready makakita ng buhay na talong" saad ko at dali daling umalis, binuksan ko ang shower at iniwan siya sa loob.

Maya maya ng wala na kong marinig na pagpatak ng tibig ay pumasok na ko para alalayan siya.

Omy!!!!! Nasa cold pala nakaset ang shower niya!!

Wahhhh!!! Hindi ko alam baka nilamig to ng todo huhuhu

"Hala halika" saad ko at inalalayan siya palabas ngunit bago pa kami maka lapit sa kama ay nag collapse na ito

Bigla itong natumba

Wahhhh!! Pano na to!!

Nandito kami ngayon sa ospital.

Nagpatawag ako ng ambulansiya kanina para madala si knight dito.

"Kamag anak po ba kayo ng pasiyente" saad ng doctor sa akin

" U-uhm secretary niya po ako"

"Sige po pasok kayo"

"Dok, ano po nangyari kay knight? " saad ko

Nako lagot ako pag nakarecover to.

"Kailangan niya po ng sapat na pahinga. Kailan pa ang lagnat niya? " tanong nito sa akin

" Hindi ko po alam pinapunta po ako ni tita para alagaan siya, pinakain ko po siya ng instant porridge at pinainom ng gamot ang kaso mas lumala po ang lagnat dahil sa instant porridge " mahabang paliwanag ko

My Naughty Girl Where stories live. Discover now