N O W P L A Y I N G : D E A T H

24 9 5
                                    

Ellaine Point of View

"Sir, ito na po ang bayad," masaya kong sabi sabay abot ng one-hundred fifty pesos.

Kinuha niya ang pera sa aking kamay. "Huwag mo na akong i-sir, parang magkasing edad lang naman tayo, eh," natatawa niyang sabi akin.

Ngumiti lamang ako at tumango.

"Ingatan mo 'yang phone mo, kailangan pa naman 'yan ngayon sa pag-aaral," muli niyang sabi.

Natawa ako. "Buti nga't may mga taga-ayos katulad niyo, sir."

"Eric na lang," nakangiting nitong saad. "Isa sa marami kong pangarap ang maging isang professional technician kaso hindi naman ako nakapag-college," malungkot na dagdag niya.

Umiling-iling ako at nagsalita, "Huwag mong hayaan ang kahit ano na pigilan ka sa kung anumang gusto mo."

Natahimik siya saglit at tinignan lamang ako. Maya-maya rin ay ngumiti siya at tumango rin.

"Salamat, tatandaan ko 'yang sinabi mo," aniya at saka inabot ang log book sa akin. "Baka ma-late ka pa," dagdag pa niya.

Mabilis akong nagsulat ng pangalan sa log-out at nagpaalam na pagtapos.

Sumakay ako ng jeep papunta sa university namin.

Nasira kasi ang cellphone ko dahil nahulog ito sa tubig. Mabuti na lamang ay may shop dito na gumagawa ng phone at sa murang halaga lang. Kahapon ko ito iniwan at dahil tanghali naman ang pasok ko ngayon ay dinaanan ko na.

Bumaba ako nang marating ang eskwelahan namin. Simula na ng klase nang makapasok ako sa room.

Kadalasan ay natutulog lamang ako sa klaseng ito. Hindi dahil boring kung'di wala naman talagang Prof. dito. Puro written activity lang kasi ang pinapagawa sa'min.

Pinili ko na lang na ilabas ang earphones ko at nakinig ng musics sa bagong ayos kong phone.

Masaya kong tina-tap ang kaliwa kong kamay na sumasabay sa masayang beat ng Bohemian Rhapsody habang ang kanang kamay ay patuloy sa pagsusulat.

Mas ayos na ito kaysa matulog ako at walang gawin.

Next na tumugtog ay ang The Ballad of Mona Lisa by Panic! At The Disco. Ito talaga ang paborito kong kanta.

Mahilig kasi ako sa mga banda. Ang mga lyrics pa ay malalalim at may paliwanag talaga na kung hindi mo iintindihin ay sasabihin mong panget.

Whoa, Mona Lisa,

You're guaranteed to run this town

Whoa, Mona Lisa

I'd pay to see you frown...

Sumasabay ako sa kanta ngunit sa isip lang, baka sigawan pa ako ng mga kaklase ko.

Nang matapos ay inulit ko ulit. Ang sarap talagang pakinggan ang mga kanta ng mga banda, gusto ko ring magwala.

Napatigil ako nang mag-pause rin ang kanta. Hinintay ko muna ito ng ilang segundo, baka may nag-text o kaya'y notifications lang.

[ "Hello? Can anybody hear me?" ]

Napatayo ako ng makarinig ng kakaibang boses sa earphones ko.

"Ellaine, nagsusulat ako. Umupo ka," utos ng kaklase ko sa likod.

[ "Hello? Please, naririnig mo ba 'ko?" ]

Agad akong naupong muli at kinuha ang phone. Naka-play pa rin ang paborito kong kanta ngunit puro corrupt sounds ang naririnig ko.

Now Playing: DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon