CHAPTER 11(His Past)

Start from the beginning
                                    

"Nais niyang ipagmalaki siya nito gaya ng mga ibang bata na may ama ring gaya niya"

Tuluyan ng pumatak ang luha sa mata ko .

Kase naman eh!

"Nagtrabaho siya ng todo at Napabayaan ang sarili niya pero hindi yun ang mahalaga. Para sa kanya ang mahalaga ay ang makaipon siya para mapasaya ang papa niya."

Ramdam ko ang lungkot sa bawat salita niya.

"Pumasok siya sa kahit anong trabaho , tagahugas ng plato, taga linis ng sapatos o kaya kotse, taga lako ng mga pagkain. Sa loob ng isang araw halos makaisang beses lang siya kumain. Kanin at asin ay tama na basta malamnan ang tiyan niya. Natutulog sa kalye , walang magagawa kundi yakapin ang sarili dahil sa lamig na nararamdaman , ang malas pa kapag inulan dahil malamang basa na naman"
Tiningnan ko si cyrus.

Hindi ako nagkamali, umiiyak siya at alam kong sarili niya ang tinutukoy niyang bata sa kwento niya.

Nakatingin lang ito sa kawalan habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata niya.

"Nakapag ipon siya pagkatapos ng dalawang taon, at mas lumago paglipas ng mga buwan"

Huminga ulit ito ng malalim saka nagpatuloy

"Dahil nasanay siya sa hirap sa pagbebenta, nagpatayo siya ng isang maliit na tindahan" saad niya

"Na ngayon ay isa ng malaking kumpanya, tama ba ako" singit ko sa sinasabi niya

Tipid lang itong ngumiti

"10 year ang lumipas ng tuluyan niya itong napalago, nung naging isang malaking food corporation na ito, dun na siya bumalik sa papa niya" saad nito

grabe naman ang personality niya.

Imbis na magalit tulad ng ibang karaniwang bata, nagpursigi pa siya para lang mabalikan at matanggap ng taong itinakwil na siya.

"Tinanggap siya ng papa niya at natanggap dahil napatunayan na niya ang sarili niya. "

Patuloy ang pagdaloy ng luha ko, siguro kung hindi sapilitan ang lahat ng ito baka may tsansang siya mahalin ko siya dahil napakaganda ng personalidad na meron siya.

"Sa pekeng pagmamahal na Pinaparamdam sa kanya ng papa niya, hindi parin siya nagreklamo pero isang araw isang babae ang nakilala niya. "

Huminto ito saglit at bahagyang ngumiti ng tipid

"Isang babaeng nagbigay ng pagmamahal na hindi niya naramdaman kahit kanino"

Grabe naman ang pinagdaanan niya.

Hindi awa ang nararamdaman ko kundi paghanga. Nakakahanga ang katangian niya.

"Ibinuhos ng babaeng yon ang lahat ng pagmamahal na kailangan niya kaya ang binatang yon ay nasanay sa presensya ng babaeng mahal niya pero ang tao palang mamahalin niya ng todo ay ang magbibigay sa kanya ng sakit na mas malala pa sa sugat ng nakaraan na dulot sa kanya ng mga magulang niya"

kinuha ko ang panyo at bahagyang pinunasan ang luhang duladaloy sa pisngi niya.

Titingin na sana sakin si Cyrus ng bigla ko siyang pinigilan.

"Magkwento kalang at huwag mo na akong tingnan. Hindi ko gustong isipin mo na awa ang nararamdaman ko sayo sa oras na ito kaya ituloy mo lang at hayaan mo akong punasan ang luha mo dahil ito lang ang magagawa ko sa pagtitiwalang ibinigay mo para malaman ko ang kwento mo."

Bahagya siyang tumango at tumingin sa kawalan.

"Ang babaeng minahal niya ng todo ay isa lang pala sa mga taong sasaktan siya ng higit pa sa inaakala niya. "

My Naughty Girl Where stories live. Discover now