Part XIX | Mga Bagong Nilalang

Magsimula sa umpisa
                                    

Ybrahim: Nakakamangha naman ang inyong lahi, Sarayan. Hindi namin lubos maisip na mayroong nilalang na kagaya ninyo sa Encantadia? Ngunit bakit kayo umalis sa Adamya at nagtago dito sa kagubatan kung iyon naman ay inyong tirahan?

Alena: Maging ako'y nagtataka, Sarayan. Ano nga ba ang dahilan upang lisanin nyo ang Adamya?

Sarayan:*sigh* Sa maniwala kayo o sa hindi, hindi na maalala ng aming mga ninuno kung bakit kami nagtatago at napadpad dito gayung alam namin ay ang Adamya ang aming tahanan. Ngunit mayroong daw kaming kinatatakutang nilalang noon sa hindi malamang dahilan kaya namin nilisan ang Adamya. Hindi lang namin maalala kung ano nga ba talaga ang pangyayari noon upang masindak kami sa nilalang na nakalimutan namin.

Tumingin si Alena kay Ybrahim at nagtitigan sila saka nagsimulang magsalita nang mahina si Alena.


Alena: Hindi kaya si Casilda ang tinutukoy ni Sarayan, Ybrahim?

Ybrahim:*lowers his voice* Hindi imposibleng sya ang tinutukoy ng nilalang na ito, Alena. Dahil may sinabi sa atin noon si Cassiopea hindi ba?

Alena:*nods*

Sarayan: Ano ang inyong pinagbubulungan?

Ybrahim: Wala naman.

Apitong: Ngayon, kilala na natin ang bawat isa, maaari mo na ba kaming matulungan Sarayan? Pagkat wala na dapat kaming sayangin na oras pa dahil sa bawat oras na hindi natin matulungan sina Lira at Cassandra, mas lalo silang nanganganib sa kamay ni Casilda.*worried*

Sarayan: Kung ganon halina't pumunta na muna tayo sa iba ko pang mga kalahi, nang sa ganon makilala nyo na ang aming mashna at ang aming mga dugong bughaw na Admigan. Tiyak akong makakatulong rin sila sa inyo kapag nalaman nilala ang inyong suliranin dahil dinayo nyo pa kami dito sa malayong kagubatan ng Encantadia.

Alena: Avisala Eshma Sarayan.*smiles* Nag-aalala na kami nang lubos sa aming Hadia at apo, sana nga ay matulungan nyo kami upang mahanap at mailigtas sila.

Sarayan: Kung gayon ay tayo na. Hayaan nyo ipakilala ko sa inyo ang ibang parte ng Encantadia na hindi nyo pa nasisilayan.*smiles* Halina kayo sa aming tirahan.



Pagkasabi noon ni Sarayan ay naglakad na sila hanggang sa makarating sila sa may bungad ng bunganga ng lagusang bato na tinatabunan ng maraming makakapal na ugat na may dahon ang nakatakip sa lagusan. Hinawi ito ni Sarayan at pinaunang pinapasok si Alena at Ybrahim at sumunod naman si Apitong at nahuli ang Admigan saka sya nagsalita at pinakilala ang kanilang tirahan sa mga dayong Diwata, at Sapiryan.


Sarayan: Maligayang pagdating sa aming tahanan Rama at Hara, maligayang pagdating sa Adgwineo, ang tahanan naming mga Admigan.*smiles**inilahad ang kanyang kamay upang ipakilala ang kanilang tahanan*

*smiles**inilahad ang kanyang kamay upang ipakilala ang kanilang tahanan*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon