"Hindi pa ba siya nagigising? "
"Gising pa ata "
"Napaka bata n'ya pa, nakakaawa naman"
"Tumahimik nalang muna tayo"
Naalimpungatan ako sa tinig na aking naririnig, mga boses ng taong s'yang tumutukoy sa akin.
Ramdam ko na sila ay nakapalibot nguni't tila ako'y nilalamig sa presensyang binibigay nila sa akin.
Minulat ko ang aking mga mata, at tama nga ang aking hinala na anim na katao ang nakapalibot. Halos may edad na rin ang iba sa kanila.
May kung anong mali din sa kanilang pananamit ang aking napansin, may mga mantsa na tila dugo ang iba nguni't sa aking palagay ay namamalik-mata lang ako ngayon dahil narin sa sakit ng aking ulo na s'yang nararamdaman.
Nilibot ko ang aking paningin.
Narito ako ngayon sa Entrance Door ng School Building namin at gabi na rin sapagkat naaninagan ko ang bilog na Buwan na s'yang nagbibigay liwanag sa madilim na lugar.
"Bakit ako nandito?"
Nang tumayo ay pinagpag ko ang aking suot na Jogging Pants at simpleng pink na t-shirt syaka ko napansin ang mas maraming tao na nasa di kalayuan.
Mukhang nagkakagulo ang lahat at may mga Polisya na siyang nag-aasikaso at nakapalibot.
"Ineng, Alam mo ba kung anong nangyari sayo?" ani ng isang may Katandaang babae sa akin. Maayos ang kaniyang pananamit. Nakasuot siya ng Puting T-shirt na pinatungan ng Pulang Cardigan at simpleng Itim na Pantalon.
"Sumama ka na sa'min" I frowned in astonishment.
"Ano'ng pinagsasabi niyo? H-hindi ko maintindihan- "
~~~~
Ayoko nang mabuhay sa mundong 'to!
Bakit kailangang maranasan ko 'to!
Binuhay mo ba ako para makitang mahirapan at gamitin lang!?
Bakit mo ba ito ginagawa?!!
Patayin mo nalang ako!
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa mga imahe at tinig ng boses na lumabas sa aking isipan. Hindi man malinaw ang lahat pero alam ko na ang nangyari.
"Nagpakamatay ako." Wala sa sarili kong saad. "T-Tumalon ako sa Building." My voice trembled because of the words that came out of my mouth. Fear flowed through my whole body and starts to shiver.
'Hindi ako makapaniwala! Nagawa ko ba talagang patayin ang sarili ko?!'
"Mas mabuti pang hindi mo nalang malaman ang totoo Ineng"
"Naroon ang iyong katawan, Limang minuto na ang nakalipas nang tumalon ka." turo sa akin ng matandang lalaki sa mga taong nasa di kalayuan.
I no longer hesitated. My mind is too confused now. Shit! …This is all bullshits!
Tumakbo ako agad kung saan nagkakagulo ang karamihan at hindi ko namalayan na nasa harapan na ako ng sarili kong bangkay, hindi ko manlang naramdaman ang pagbangga ko sa mga taong narito na s'yang nakapalibot.
N-no...This isn't real!
Napaluhod ako, Nagugulat sa aking nakikita at hindi makapaniwala sa aking nagawa.
Ang mukha ko na s'yang sa salamin ko lang nakikita ay nasa aking harapan ngayon na iba na ang itsura.
I was taken aback. My whole body become abruptly weak.
YOU ARE READING
GUARDIANS: DENUO EXCITETUR (BRING BACK TO LIFE)
RandomDENUO EXCITETUR (Bring Back To Life)
