"Iba ang nagdududa kesa sa narinig mismo ng tenga ko Giu. And please it's fine. Do what you want. Wala akong pakialam."

"Sheerina told me she'll just wait for our annulment. Why don't you give her what she want? She's seems to be head over heels in love with you. She don't even keep her distance from you even you're married."

"She's just my friend Bettina. You don't have to get jealous of her."

Saka tumimo sa kanyang isip ang mga salitang binitawan. She sounds like a jealous wife. Iniwas na lamang niya ang tingin dito ay niyuko ulit ang anak.

"I'm not jealous. Ang akin lang, bago ka magloko sana hindi ka nalang muna nagpakasal."

Namagitan ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Saka ito malakas na bumuntung-hininga bago siya hinarap ulit.

"Can we at least give it a try, please?"
Napailing siya. Nakakatakot ang nais nito. Nadala na siya.

"Para saktan ako ulit?"

Umiling ito ng sunod-sunod. Inabot ang kanyang pisngi. "It'll not gonna happen. I promise."

"Walang assurance na hindi ako masasaktan ulit Giu", nababahalang wika niya. "Dahil sa kabila ng lahat ng pananakit mo sa akin ay hindi pa rin nabura ang pagmamahal ko sayo. Pero hanggang doon lang iyon. Please lang, tama nang pinatawad na kita. Sana naman marunong ka nang makontento."

Sa haba ng sinabi niya ay tanging halik lang sa labi ang isinagot nito. Nalasahan niya ang maalat na likidong iyon. Nang buksan niya ang mga mata ay lumuluhang mata ng lalaki ang bumungad sa kanya.

He's crying and she don't understand why. Hindi naman ito nagsasalita pero umiiyak lang. Kasabay nang pagbitiw nito sa kanyang mga labi ay niyuko din nito ang anak at masuyong hinalikan sa noo.

"Thank you for this wonderful gift."

_______

It's been a week. Wala siyang choice kundi umuwi sa bahay ni Giu. Kahit papano ay nagiging civil na siya dito. Pinapakita nito lahat ng pagpapahalaga sa kanya at sa kanilang anak.
Ang anak nila ang dahilan kung bakit hindi na siya laging nag iisip ng hindi maganda. Ito rin ang dahilan kung bakit nabura ang mga bagay na kinikimkim niya noon. She had forgiven her father, her family. Dahil hindi na niya makapa ang galit na namamahay sa kanyang puso. Ang pumalit doon ay pawang pagmamahal sa kanyang anak. Ganon pala kapag naging isa ka ng ganap na ina. Nakakalimutan mo lahat ng sama ng loob kahit gaano pa man kasakit iyon.

But she still can't able to trust her heart with Giu. Nakikita niya kung paano ito nagsisikap ngunit nanatili ang pader na inilagay niya sa kanilang pagitan. Panahon nalang ang makakapagsabi kung kailan iyon matitibag.

Matapos nitong palitan ng diaper si Xandra ay tumingin ito sa kanya. Napapagitnaan nila ang anak.

"Can I... Sleep here tonight?" Nag aatubili pa ito. Alanganin itong napangiti sa kanya at napalunok. "I- I just want to sleep beside her. And beside you."

"You can sleep beside her. I can occupy the couch",kaswal na sagot niya.

Natigilan naman ito. Napalitan nang lungkot ang anyo nito kaninang masaya.

"Bakit ang layo-layo mo pa rin?" Malungkot ang boses na tanong nito.

"Gaano ba kalapit ang gusto mo Giu?" Kunot-noong tanong niya. Ayaw niya niya ang tinatakbo ng usapan nila.

"Kulang pa ba? Ano bang gusto mong gawin ko pa para maging okay tayo? Ginawa ko naman lahat diba? Hanggang kailan ka ba ganyan?"

"Bakit, napapagod ka na ba? Pwede naman kaming isauli sa bahay nila Daddy",mababa ang boses na sabi niya. Hangga't maaari ay ayaw na sana niyang makipagtalo rito. Ngunit ito rin pala ang hindi makontento.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now