Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ko ay natumba ito at nabitawan ang hawak na kutsilyo.

Nilapitan ko agad si July at tinulungan na makaupo. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Tumango siya sabay ginulo ang buhok ko na parang bata.

Nagagawa niya pa rin ngumiti kahit na nagtamo siya ng iilan sugat.

Itatayo ko na sana siya nang bigla niya akong kabigin palapit sa katawan niya gamit ang kaliwa niyang kamay.

At ang kanan kamay niya ay mabilis na dinampot ang kutsilyo na nasa lapag at . . .

Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran.

Napasigaw agad ako dahil sa nakita.

May mga dugo.

Sinaksask ni July ang lalaki.

Nagawa pa palang tumayo ng lalaki habang nakatuon na ang pansin ko kay July. Buti na lang at nakita niya 'to at naunahan.

Ngunit nadumihan tuloy ngayon ni July ang kaniyang mga kamay.

Nag-aalala akong tumitig sa mga mata niya. Nginitian niya lang ako. "It's okay."

"July!" sigaw ng taong kakapasok lang ngayon dito sa loob ng bahay. Si NP.

Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Natataranta siyang lumapit sa'min.

"What happened here? I heard someone ye─ Oh fuck!" Nanlaki ang mata ni NP nang makita ang lalaking nakahandusay sa sahig.

Agad niya 'tong pinulsuhan at nakahinga naman siya nang malalim dahil buhay pa 'to.

"Call an ambulance, Blue," malumanay na utos ni July.

So Blue pala ang pangalan ni NP? Dahil ba kulay asul ang mga mata nito?

Habang wala pa ang ambulansya, sinimulan ko nang gamutin ang iilan sugat ni July.

Hindi naman ito gano'n kalaki at kalalim. Nagagawa na ngang ngumiti ng lalaking 'to.

"Thank you, Abree. And sorry 'cause you're already late now."

Napasinghap ako sa sinabi niya at agad na napatingin sa oras sa aking cell phone.

"Shit! Nakalimutan kong may pasok nga pala ako." Nataranta ako bigla at hindi na alam ang uunahin.

Napatawa naman nang bahagya si July dahil sa inaakto ko.

"Don't worry, I'm still going to dro─"

Hindi natapos ni July ang sasabihin dahil dumating na ang ambulansya. May mga pulis din itong kasunod.

Mabilis nilang kinuha at sinakay ang lalaki sa ambulansya.

At ngayon ay kinakausap na ng mga pulis si July.

Kami ni Blue ay narito lang sa gilid. Hindi pa rin kasi ako makaalis dahil sa labis na pag-aalala.

"By the way, why are you here?" nakangising tanong ni Blue sa'kin. "And you're only wearing a bathrobe, huh?"

WatthellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon