Chapter 34: Smart and Kind

Depuis le début
                                    

"Malaki rin naman. Hindi ko lang alam ko magkano iyong exact amount."

"Teka lang, saan ba talaga kayo nagkita? Ang pagkakaalam ko kasi dati wala siyang nubyo at hindi siya nagpapaligaw ng basta-basta lang at noong nakaraang mga buwan ay dinala ka niya rito at sinabing asawa ka niya. Itong si Amie talaga!"

"Talaga ba? Hindi niya iyan nasabi sa'kin, ang cute pakinggan Tiyo. Pero alam mo namang sa guwapong lalaki kong 'to edi nakuha ko agad ang puso ng pamangkin mo."

"Aba'y loko. Saan ba talaga kayo nagkita? Totoo bang sa restaurant na pinagtatrahuan niya?"

"Opo, masugid po kasi akong customer doon at simula noong nakita ko siya ay araw-araw ko na siyang pinupuntahan at kinukulit hanggang sa makapagpalagayang loob na kaming dalawa,"wika ni Liam na puno ng pagsisinungaling.

Napipilitan talaga siyang magsinungaling ng bonggang-bongga. Ayaw rin naman niyang pareho silang pagagalitan ng matanda.

Go na go siya sa pagsisinguling at pag-imbento ng kung anu-ano.

Paniwalang paniwala naman ang matanda.

Panay tango lang ang ginagawa nito habang nagkukuwento si Liam.

"Ay, mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga instant, pati pagpapakasal ay instant na rin. Hindi na nagpapaalam sa mga magulang o guardian nila."

"Huwag po kayong mag-alala at sa susunod gusto naming ikasal ulit at invited na kayo Tiyo."

"Aba, dapat lang ah. At gusto ko mabigyan na ninyo ako ng apo. Mas magiging masaya na talaga ako dun."

Hindi talaga mawala sa isipan ng matanda ang paghihiling ng apo.

Napangiti lang si Liam at malabo talagang mangyari iyon. Wala pa silang maituturing na commitment ni Amore kahit nakapagpahayag na sila ng kanilang nararamdaman.

"Ay, tama na nga itong kwentuhan Yam, aalis muna ako at pupuntang bayan. May bibilhin ako, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay at sa carinderia natin."

"Teka lang po, magpapadala po sana ako ng load. Para kapag nag text o tumawag si Amie ay may pangreply ako."

"Sige, halika sa loob. Paki-lista sa papel ng load na gusto mo at number mo na rin. Hindi ko iyan masasaulo dahil makakalimutin na ako dala na siguro ito ng katandaan ko".

"Opo!"

PUMASOK sa loob ng bahay si Liam at naglista ng number niya sa papel at ibinigay sa matanda. Pagkatapos ay lumabas at tumambay sa carinderia.

"Kuya, bakit nga pala umalis si ate Amie?" tanong ni Lita.

"May trabaho siya roon kaya siya bumalik ng Maynila. Bakit mo naman na tanong?"

"Wala lang, kasi hindi ko pa nasabi sa kaniya na sa susunod na linggo na ang pasukan namin. Maging busy na ako sa bayan. Si Nanay ang papalit sa akin dito kapag wala ako para tuloy ang trabaho."

"It's a great idea. Pwedeng-pwede talaga. "

"Salamat Kuya."

"I think, you better go home, para makapag handa ka sa darating na pasukan."

"Next week pa naman po iyon, may oras pa naman ako para makatulong dito sa carinderia."

"Nakahanap ka na ba ng boardinghouse mo sa bayan?"

"Hindi pa nga po, saka na lang siguro pag nandoon na ako."

"Ay! Hindi pwede 'yan, sige na umuwi ka na muna at pumuntang bayan para makahanap ka ng matitirahan mo roon. Mahihirapan ka kapag hindi ka pa nakahanap ng matutuluyan habang nag-aaral ka roon."

"Sige po. Ang bait ninyo talaga. Pareho kayo ni Ate Amie, bagay talaga kayong dalawa. Salamat muli Kuya Yam!"

"Teka lang, heto gamitin mo itong pera para down payment sa boarding house mo. Maliit lang ang 2, 000 pesos kaya pagpasensyahan mo na," wika nito sabay abot ng pera.

Tinanggap naman ito agad ni Lita.

"Aba, ang laki na po nito. Sige po, pakilista niyan sa utang ko."

"Anong utang? Bigay ko 'yan sa'yo. Sige na, mag-ingat ka."

"Sige po, salamat po.  Bye Kuya," masayang paalam ni Lita saka umalis na.

Napangiti lang si liam.

"Pabili po ng ulam Kuya pogi," anang kapit bahay nila. "Iyan lang po," sabay turo ng ulam na gusto niya.

"Sandali lang," wika niya saka kinuhanan ng ulam ang babae. "Heto na," sabay bigay at tanggap na rin ng bayad. "Salamat po," sabi niya pagkatapos.

"Salamat din sayo pogi," wika ng babae na may pakindat pa.

Tumawa lang si Liam sa ginawa ng babae at natawa na rin ang babae dahil sa ginawa niya.

Umupo si Liam at dinukot ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Pinasadahan niya, walang signal at mas lalong walang text o miss calls galing kay Amore.

Tiningnan na lang niya ang mga larawan nilang dalawa. Nalungkot  siya ng makita ang mga larawan na sila'y kapwa masaya.

"I miss you Am, sana nasa mabuting kalagayan ka at malayo ka kay Kuya Regor. Kahit kapatid ko pa siya makukuha ko talaga siyang patayin kapag sinaktan ka niya," wika niya habang pinagmamasdan ang kanilang larawan noong birthday niya.

Napangiti na lang ulit siya ng makita ang sunod pa nilang mga larawan.

Naalala niya ulit ang mga nangyari mula noong tinulungan siya nito ng makita siyang duguan doon sa gubat hanggang sa dinala siya nito sa isla.

"Thank you for all of your help with me Am, salamat sa panginoon at inibigay ka niya sakin," wika niya saka inilapag muna ang kanyang cellphone.

MAY bumibili sa carinderia  kaya kailangan niyang asikasuhin.

"Pabili po nitong adobong manok at sinigang na baboy."

"Okay po, sandali"

"Yam, parang ilang araw na yatang wala si Amie, nasaan na ba siya ngayon?"

"Ah…nasa Maynila siya ngayon. Bumalik po kasi siya sa kaniyang trabaho."

"Ah, ganun ba. Sige, salamat. Aalis na ako. "

"Sige po, salamat din."

Samantalang nakauwi na nang bahay nila si Lita.

"Nay, aalis po ako sa ngayon. Maghahanap na ako ng boarding house sa bayan para matutuluyan ko sa darating na pasukan."

"Sige. Bumili ka na rin ng bigas at gamot. Nagkasakit ang tatay mo, nitong umaga lang siya nilagnat kaya wala tayong makakain mamaya."

"Nay, may bilihan naman po rito ng bigas. Puwede po bang mangutang na lang muna kayo kina Kuya Yam, sakto lang po kasi itong dala kong pera, sabihin ninyo na lang sa kaniya na ibabawas sa sahod ko."

"Sige, gamot na lang ang bilhin mo anak. Mag-ingat ka. Mabuti naman kung makatapos ka na dahil makakatulong ka na sa amin."

"Opo nay, nagsisikap ako sa pag-aaral para sa inyo." Kumaway si Lita at umalis na.

Pagsapit ng hapun ay pumunta ang ina ni Lita kina Liam, mangungutang siya pero sa halip ay binigyan siya ni Liam ng pera at mga natirang pagkain. Masaya itong umuwi. Masaya rin si Liam na makatulong sa kapwa niya kahit sa maliit na bagay.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Où les histoires vivent. Découvrez maintenant