Tanging si Manang Myrna lang ang pinagtatiyagaan niyang kausapin sa bahay na iyon.

Pagkatapos niyang maglakad-lakad ng ilang minuto ay saka niya naisipang pumasok at hanapin ang katulong.
Natagpuan niya itong nagva-vacuum sa sala. Tumigil naman ito ng makita siya.
Kimi siyang ngumiti dito saka sinabi ang sadya.

"Manang, yung mga bulaklak po sa hardin ang gaganda", bahagya siyang napangiwi sa kanyang pakonswelo.

"Alin po doon ma'am?"
Napakagat labi muna siya saka alanganing ngumiti. Mali siya nang isipin niyang ayaw niyang may makitang maganda sa bahay na iyon. Halos maghugis puso ang mga mata niya nang makita ang mga bulaklak sa hardin.  Unang kita pa lamang ay natutukso na siyang pumitas.

"Yung mga tulips po."

"Ahh yun ba. Si Sir Giu ang nagtanim niyon."
Napataas ang kanyang kabilang kilay. Ito,nagtatanim ng bulaklak? Unbelievable!

" Ang akin lang don ay yung mga rosas at orkidyas. Yung tulips sadyang iniba ni sir yan. Kita mo nga at inihiwalay saka balot na balot ng net. Galing pa yata sa Spain ang variety niyan kung hindi ako nagkakamali."

"Ah ganon po ba. Hihingi na lang po ako don sa mga rosas mo."

"Naku ma'am, hindi niyo na po kailangang magpaalam. Nakikita ko naman pong natutukso na din kayong pumitas", natatawang saad nito na ikikamot niya ng tenga. Napapansin pala nito ang ginagawa niya tuwing umaga.

"Ah salamat po Manang."

Bago siya bumalik sa labas ay kumuha muna siya nang panggupit sa kusina.

Akma na sana niyang gugupitin ang sanga ng puting rosas ng mapadako ang tingin niya sa kabilang bahagi. Ayaw niya sanang makialam hangga't hindi siya nakapagpaalam sa may ari. Pero mamamatay muna siya kung sasabihin niya iyon sa lalaki. Hindi naman siguro nito mapapansin kung kukuha siya ng ilang tangkay.

Mali, buntis pa naman ako. Pangit kumuha ng hindi sayo.

Napakagat na lamang siya ng labi. Pumikit siya saglit. Pwede naman sigurong kumuha hindi naman siguro nito iyon mapapansin.

Hindi niya ikagalit pero ikakababa naman ng pride mo!

Gusto niyang kutusan ang bahaging iyon ng utak niya. Dalawang araw pa lang silang nagsasama pero hindi niya talaga ito maatim na kausapin ng kaswal lang. Ni makasalo ito sa hapag ay ayaw niya.

Bahagyang umihip ang hangin at napasunod ang tingin siya sa pag indayog ng mga bulaklak na para bang nagsasabing; halika, pitasin moko!

Bumuga siya nang hangin at nagbilang hanggang sampo bago tinungo ang kinaroroonan niyon. Ang lima sanang plano niyang pipitasin ay umabot sa mahigit sampo. Hindi niya kasi napigilan ang sarili.

Napasapo na lamang ng bibig ang katulong nang mapasukan niya ito sa kusina para kumuha ng flower vase.

"Nagharvest po kayo ma'am?"

"E ano kasi. Nakakatukso",hindi na siya nagsinungaling  pa. Totoo naman kasing natukso siya.

Mabilis siyang napalingon sa likuran ng may tumikhim. Umakyat yata lahat ng dugo sa kanyang pisngi dahil sa pag iinit niyon. Nahihiya siya sa totoo lang. Ang lakas ng loob niyang hindi ito kausapin tapos halos inubos na niya ang tanim nitong bulaklak.

Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas doon. Para pagtakpan ang pagkapahiya ay ibinagsak niya ang yakap na mga bulalak sa mesa.
"Ang sakit kasi sa mata sa labas kaya tinanggal ko na. Hindi naman maganda."

Tumaas lang ang kilay ng lalaki. Anyong hindi ito naniniwala. Walang paalam siyang lumabas ng kusina at umakyat sa taas ng silid. Saka niya sinilip mula sa bintana ang garden na halos kalbuhin na niya. May natira pa naman, yung hindi pa namumukadkad ang bulaklak.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now