Nasa isang motel ang dalawa, Jes and Dani to celebrate their anniversary at the same time ang pagtatapos ng apat na taong pag aaral sa kolehiyo. Magkaiba man sila ng kursong kinuha hindi naman ito hadlang sa kanilang relasyon. Isang nurse ang natapos ni Jessica at Pharmaceutical naman ang kay Daniella.
"Finally, natapos na ang paghihirap natin sa school. Now mag focus na naman tayo sa job hunting,"turan ni Dani habang nakayakap sa kasintahang si Jes. Isang matamis na halik sa noo ang sinagot ni Jessica sa kanya.
"Pwede ka naman mag apply sa hospital babe,"wika ni Jes habang hinahaplos ang pisngi ni Dani. "I can ask Ate Vilma kasi siya ang pharmacist doon. Pwede kita irecommend. Gusto mo?"Nakita niya ang pagkunot ng noo ng dalaga.
"Yung diyan sa hospital? Eh nakakasura na nga ang apat na taong pag aaral ko diyan tapos diyan din ako magwowork? Gusto ko sa ibang lugar para maiba naman."
"Eh babe, ang sa akin lang naman sana,na hindi ka mahirapang maghanap ng mapag aplayan. Kilala ka na diyan Eh."esplika ni Jessica. Siya kasi sinabihan na ng school na diyan na lang mag work at tutulungan siya ng school na mabigyan ng magandang recommendation. Which is pumayag naman si Jessica. Kaya naman agad na inasikaso ng dalaga ang lahat ng requirements para mapabilang na siya sa line up ng mga applicants. Pahirapan din kasi ang pag-hahanap ng work lalo na kung walang kakilala.
"Tsk! Ewan ko, saka na lang muna ako maghanap ng work babe. Gusto ko muna mag relax. Tamang-tama, sabi nila Papa, baka mag out of town kami. Parang pa gift na din nila sa akin kasi graduate na ako. Sama ka if available ka ha."
"Kilan ba yan?"
"Hmm,wala pa namang saktong date but I'll just text you kapag may fix date na."Sunod sunod na tumango si Jes at hindi na nagpumilit pang pag aplayin si Daniella sa pharmacy na nasa harapan lamang ng hospital. Para hindi na nila pag awayan ang ganitong issue, nanahimik na lamang ito.
Weeks later, naging abala ang dalawa sa paglilipat ng kanilang mga gamit. Jessica received a gift from her parents, a condo unit somewhere in Quezon City not far from the hospital she'll be working. Kailangan na nilang isa-ayos ang lahat sa loob ng condo bago pa mag-simulang mag-trabaho si Jessica. Laking pasasalamat nila na hindi na sila magkaroon ng problema sa paghahanap ng magiging tirahan dahil sinagot na ito ng magulang ni Jessica.
Aware na din ang kanilang mga magulang sa kanilang relasyon and they're not against about it. Even their friends accepted them with open arms. And gaya ng kanilang napag-usapan, mag-sasama sila sa iisang bubong since doon na din naman papunta ang kanilang relasyon.
Matapos makuha ang susi ng nasabing condo, nagkaron ng ilang renovations according to the colors they want for their bedroom and washroom. Matapos ang renovations, gamit naman ang kanilang sunod na binili at silang dalawa na ang namili at sila na din ang nag-decorate sa kanilang magiging bagong tahanan.
"I can't wait to have all the furnitures babe."masayang sabi ni Jessica sa katipan habang nakayap siya dito at pinag-mamasdan ang buong paligid.
"Kaya nga babe eh. Para na talaga tayong mag-asawa nito, hehehe."
"Masaya ka ba babe na mag-sasama na tayo sa iisang bubong?"tanong ni Jessica. Napatingin bigla si Daniella sa kanya.
"Ano bang klaseng tanong 'yan babe?"
"Wala lang, just want to make sure na happy ka sa naging desisyon mo." nakangusong sagot ni jessica. Isang matamis na ngiti ang sinagot ni Daniella sa kanya.
"Babe, simula noong nag-desisyon ako na mahalin ka, sinabi ko na din sa sarili ko, na mag-sasama tayo habang buhay. Ikaw at ako ay mag-sasama hanggang sa pag-tanda natin. Palagi mong tatandaan iyan ha."
YOU ARE READING
HEARTS NEVER LIE
Short StoryJessica or Jess known to be a loving, witty, kindhearted person. She will sacrifice her own happiness for other people especially for those she loves. She is happily in love with her partner Daniella, the woman she met in university. After grad, th...
