010619 - I'm Alive

18 2 0
                                    


It's finally my restday! Yehey!

Pocket money? Check! Phone and earphones. Check! Power bank. Check! Extra shirts. Check! Mouthwash. Check! Polbo, salamin, suklay, wipes, water. Check na check na check!

"I'm ready for today's escapade." Ito yung plinano ko kahapon na puntahan ngayong araw. Hindi ko pa talaga yun nabibisita ever. Kaya I choose Baguio Botanical Garden!

Baka makakita rin ako dun or sa daan ng magandang ibigay kay Aiden. Failed nga kasi akong maka-extract ng magandang idea sa kanya kahapon. All he did was hitting on me. Tsk. Well, pahinga rin ako sa presensya niya today since I won't see him all day. Hahaha.

I took a quick ride in a taxi cab papuntang BBG. Medyo malapit ang village namin sa Burnham Park kaya it will take only less than 10-15 minutes to get there by car.

Natuwa pa ako kay Manong Driver kasi para siyang Google dahil he gave one cool fact about BBG. He said like this:

"Alam mo ba kung bakit Centennial Park ang ibang tawag sa Botanical Garden, hijo?"

Ako naman, "Ho? Um. Bakit po?" Nabigla lang ako sa pagtawag ng 'hijo' sakin, 'hija' po kasi ako. Hehehe. Anyways, hindi ko rin talaga alam na yung Botanical Garden pala ay may alias din.

Saka niya in-explain kung bakit. "Tinawag yung Centennial Park para i-celebrate ang ika-100 years ng Baguio bilang Summer Capital of the Philippines."

"Wow." To be honest, nakaka-wow si Manong dahil he provides cool info about tourist destinations in the city.

Gaya ng tantya ko sa oras, wala pang labinlimang minuto, narating ko na ang destinasyon ko. Malapit pala siya sa Session Road, Teacher's Camp and Wright Park.

The bronze sculpture right after the Baguio Botanical Garden's gate stands amazing. I took a quick shot through my phone's camera. "Kanino kaya pwedeng magpapicture dito?" Hays. Nakalimutan ko kasi yung selfie stick ko sa bahay eh. Ganito talaga ang disadvantage ng mag-isang maggala. Pero ayos lang naman, sanay na naman ako eh.

Marami akong nakikitang matataas na pine trees all over the city pero nakakamangha pa rin tingnan ito pag nagkumpul-kumpulan sila tapos sa ilalim at tabi naman nito nagsibulan ang magagandang bulaklak. Napakayaman ko siguro kung makakapagpagawa ako ng ganito kagandang hardin sa tabing bahay ko.

"Wow." Nakailang beses kong nasabi ang salitang 'yan bago ako pumindot ng dalawa hangga't limang beses sa camera ko para makakuha ng magandang angle ng litrato. "I really want my photographs to appear like how I see it in person."

Well, possible naman na ngayon dahil sa napakametikolosong manufacturer ng hi-tech camera and phones, pero the natural beauty and real experience in actual is incomparable to captured photos. Pero atleast, we can revisit the past through photographs.

I walked through an alley between the lined trees side by side. Napapalibutan din yun ng iba't ibang kulay ng bulaklak at halaman na halos bago lahat sa paningin ko.

"Colors everywhere." Woaaahh. Even the cool breeze made even cooler because of the peacefulness of the garden.

"Oh! Oh! Wow! It feels I'm in SoKor (South Korea)." May ganito rin pala dito. Syempre hindi mawawala ang photoshoot selfie ko since natikman ko kahit papano kung anong pakiramdam na makapunta sa dream country ko. Hihihi.

Hindi naman ako masyadong chismiso, este chismosa. Pero I heard there are other gardens here that are inspired sa ibang foreign cities. At dahil dyan, isa-isa ko silang pinuntahan. Who says I can't travel the world in a day? I can.

Mesi d'Amore: GennaioWhere stories live. Discover now