"Daddy,nasaan ba kayo? Bakit ganon ang sinabi ni kuya?"

"I'm in the hospital Bettina",kahit hindi niya ito nakikita ay nababanaag niya sa boses nito ang kahinaan.

"Dad..?"

"But I'm good. Hopefully, I will be good. It's just a slight attack."

"Can I talk to Tita Tanya please?"

"Tina. Si Giu nandiyan pa ba?"

Saglit niyang nilingon ang sala.

"Opo. Kumusta po si Daddy? Ano po ba kasing nangyari bakit po biglaan?"

"Inatake siya matapos ninyong magtalo",huminga ito ng malalim. "Actually this is the second time. First was his argument with your brother."

"Can I visit him tomorrow?"

"She want to be here tomorrow",kausap nito marahil sa kanyang ama.

"No", narinig niyang sagot ng ama na ikinasama agad ng loob niya. "You will wait for judge Romulo, Bettina. And please stop giving me a heartache at baka ikamatay ko na."

"You can't do this to me", hikbi niya. Agad na nabahala ang ginang  base sa tono nito.

"Tina,listen to me. Wait, I'll just go outside so he wouldn't hear me."

"Listen, I know it's really unfair to you. Pero nakikiusap ako Tina. Not as a mother of Giu but as your mother too. Just think about your child. It's all that matter. Minsan kapag nanay ka na, hindi mo na kailangan isipin ang kaligayahan mo kundi ang kaligayahan lamang ng anak mo."

Natigilan siya. Tama ang sinabi nito. Pero may gusto siyang ipamukha sa babae.

"Then why you choosed to leave Giu and marry my father then? Wala po sana ako sa sitwasyong ito kung hindi ninyo siya ipinagpalit sa lalaki. I'm sorry, I don't want to stoop down into this level but what you've said was the exact words you should apply to yourself. My case is different. I choosed my child over everything. I don't need a man to complete her. A lot of people will love her even Giu wasn't around. Marami akong nakikitang mas maayos ang buhay ng anak nila kahit walang ama."

Matagal itong natahimik sa kabilang linya. Alam niya nasaktan niya ito. Pero bago siya nito pangaralan sa pagiging ina, pangaralan muna nito ang sarili.  Dahil kung tutuusin ito ang punot dulo ng lahat.

"I'm sorry. But your father insist this  Tina. Kung ako lang, don ako sa desisyon mo. Just talk to him."

Hindi na siya umimik at hinintay na lamang na ibigay nito ang telepono sa kanyang ama.

"Bettina, I made my decision."

"Daddy please!"

"Wala na kayong ginawang magkapatid kundi patayin ako sa sama ng loob. I'd better die. Para sumunod na ako agad sa mommy ninyo. Minsan gusto kong mainis sa kanya, dahil iniwan niya sa akin ang mga anak namin na puro matitigas ang ulo!"

Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong sumagot at pinutol nito ang tawag. Napahikbi na lang siya. Kailan ba ito matatapos sa pagkokontrol sa buhay niya? Hindi ba nito naisip kung bakit ayaw niya? Hindi man lang ba ito nasaktan sa ginawa ni Giu sa kanya? Bakit pakiramdam niya hindi nito pinapahalagahan ang nararamdaman niya?

Hilam ang mga luhang lumabas siya roon at tinungo ang hagdan. Naramdaman niya ang presensya ng lalaki. Ngunit wala siyang lakas na makipagtalo pa. Pagod siya. Pagod na siyang intindihin ang sitwasyon. Nasa kalagitnaan na sila ng hagdan nang magsalita ito. Nakasunod pala ito sa kanya.

"Just go home and clean yourself Giu. You look like a mess",walang lakas niyang pagtataboy dito. Ngunit hindi ito sumunod. Nanatili itong nakasunod sa kanyang likuran. Hanggang sa pagpasok niya sa silid ay nakasunod ito.
Hindi na siya nag abala pang magbihis ng pantulog at dumeretso na lang ng higa. Napapagod siya. Isip at katawan niya ay pagod.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now